Sinong Pipiliin Ko?

9 1 0
                                    

Background music: Mahal Ko O Mahal Ako by KZ Tandingan

Nagsuntukan ang dalawang kambal na magkapatid na sina Andrew at Anthony dahil pareho nilang mahal ang kanilang tutor na si Herbert.

"Inagaw mo sa akin si Herbert!" sabi ni Andrew at sinuntok siya ni Anthony sa mukha.

"Mas mahal niya ako at di ka niya mahal!" tugon ni Anthony at sinuntok siya ni Andrew sa tiyan.

"Wala akong pakialam basta akin si Herbert!" bulalas ni Andrew

Biglang dumating si Herbert kasama ang kanyang tita na si Perlita para awatin ang kambal. Si Perlita ay matagal nang naninilbihan sa pamilya ng kambal.

"Guys, tama na!" pag-awat ni Herbert

"Mga anak, huwag na kayong mag-away. Please lang alang-alang na rin sa pamangkin ko." pakiusap ni Perlita

Lumapit si Andrew sa akin at lumuhod siya sa harapan ko sabay hawak sa dalawang kamay ko.

"Herbert, puwede bang ako na lang? Ako lang naman ang mahal mo at hindi si Anthony." pagmamakaawa ni Andrew

Lumapit si Anthony kay Andrew at tinulak ni Andrew si Anthony. Hinawakan niya ang ulo ko at ipinahid niya ang mga luha ko gamit ang kanyang dalawang hinlalaki.

"Herbert, huwag mo nang piliin si kuya! Sana ako na lang ang nasa puso mo!" pagmamakaawa ni Anthony

"Tama ba ang naririnig ko?" tanong ng isang pamilyar na boses. Nagulat silang apat dahil kanina pa pala nakatingin sina Señor Paulo at Señora Donna sa kanila.

"Señora, patawarin niyo po ako!" sabi ni Herbert habang lumuluhod sa harapan ng señora.

"Hindi mo naman kasalan na minahal mo ang mga anak ko kasi naranasan din iyan ni Ate Perlita noon." sambit ni Señor Paulo habang pinatayo niya si Herbert.

"Kung ako sa'yo, mas mabuti na huwag mo na lang silang piliin para pareho silang masasaktan." payo ni Perlita

"Pero mahal ko silang dalawa!" sabi ni Herbert

"Herbert, mas mabuti kung sundin mo na lang ang payo ng tita mo." tugon ni Señora Donna

Nag-impake na ng mga gamit si Herbert dahil aalis siya ng mansyon.

"Pamangkin, anong ginagawa mo?" tanong ni Perlita habang nagtataka

"Mas mabuti na aalis na lang po ako dito." sagot ni Herbert habang patuloy na nag-iimpake.

"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ni Perlita

"Opo, maghahanap na lang ako ng ibang trabaho." sagot ni Herbert

"Ganyan din ako noon, umalis ako ng hacienda dahil gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko sa dalawang kuya ni Señor Paulo." sabi ni Perlita

"Tita, hindi na ako babalik dito." tugon ni Herbert

Bubuksan na sana ni Herbert ang gate ng mansyon ngunit niyakap siya ng kambal habang umiiyak.

"Guys, sorry kung minahal ko kayo! Nalilito na ako kung sino ang pipiliin ko! Mas mabuti na hindi ko na lang kayo pipiliin para di na kayo mag-away!" ani Herbert

"Herbert, huwag mo kaming iiwan ni kuya!" pagmamakaawa ni Anthony

"Simula ngayon, huwag niyo na akong ma-Herbert-Herbert. Iturung niyo na lang ako bilang kuya niyo." bilin ni Herbert

Bago umalis ay hinalikan muna ni Herbert sa noo sina Andrew at Anthony.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RANDOM STORIESWhere stories live. Discover now