Chapter 28: Back?

Start from the beginning
                                    


Yes finally, makakabalik na ako ng Pilipinas. Super miss ko na si Lolo. Kamusta na kaya sila? Dalawang taon na rin yung nakakalipas"


I just took a deep breath as I walk towards our boarding gate. Matapos macheck ng crew yung documents ko ay sinenyasan na niyang akong tumungo sa eroplano.


Agad kong hinanap ang aking upuan. Bingo, seat 17K.


Medyo malayo-layo ang biyahe at nagkaroon pa kami ng ilang hours for a stopover before finally arriving sa Philippines.




"Maligayang pagdating sa Manila, Philippines. Mabuhay!"


Narinig ko na ito mula sa mga speakers ng eroplano, hudyat para muling maexcite ang puso ko. I miss Philippines and all of the people here.


Mabilis akong nakalabas ng airport dahil kabisado ko na ang airport na ito. Ito lang ang tanging airport na pinupuntahan namin nina Lolo kapag may vacation trip kami sa ibang bansa. Sayang nga kasi natigil naman yung pag-aabroad namin pag bakasyon. Ang huling bakasyon namin is when I was 10 years old. Nafocus na kasi sa studies kaya ganoon, kasama na yung pangungulit ni Steven.


Hayy Steven, nasaan ka na kaya? Bakit hindi ka pa rin nagpaparamdam sa akin kahit ilang taon na yung lumipas.




Nagulat na lamang ako nang biglang may bumusina sa gilid ko. Lumapad ang ngiti ko nang makita ko kung sino yung lalaking sakay ng van na yun.


Agad akong yumakap sa kanya. Namiss ko siya eh, sobra.


Paikot-ikot lang kami dito sa tapat ng airport habang nakayakap ako sa kanya. Two years din kaming hindi nagkita nito kaya malamang mamimiss ko siya. Siya lang ang buhay ko, wala nang iba.


Nangingiti naman ang driver ng van at sinenyasan kami kung pwede na daw ba kaming umalis. Hindi raw kasi pwedeng magtagal sa Bay sa airport.


Natawa kaming dalawa kay Kuya Driver. "Ano ba yan Kuya, panira ka talaga ng moment"


Pumasok kami sa van pero nanatili akong nakayakap sa kanya.


"My Tata, may dadaanan lang pala ako sa ospital ha"


"Oh sure. Mahihindian ba kita?" sagot ko sa kanya sabay baling kay kuya driver, "Narinig mo kuya ah, sa ospital daw muna tayo dadaan"


Nakasandal ako sa balikat niya habang nakatanaw sa bintana. Namiss ko ang Pilipinas, not the towering buildings kasi kahit saan namang bansa may mga nagtataasang buildings so hindi na bago yun sa akin. Ang namiss ko talaga dito ay yung mga mukha ng mga tao, at yung feeling na free ka sa pagsasalita mo kasi alam mo na lahat ng tao dito nakakaintindi sayo. Pilipino tayo eh.

Love You, SunsetWhere stories live. Discover now