Takbo lang ako hanggang sa bigla akong mapatigil nang may mabangga ako. Tiningala ko yon at nakita ko na si Terran yon, kita ko na nag aalala itong napatinggin sa akin dahil siguro sa mga luha sa aking mata.

"Dulce... bakit ka naiyak? Wag kang umiyak please..." Hindi ko alam, hindi naman kasi ako iyakan. Bilang lang sa kamay ko kong ilang beses akong umiyak kaya hindi ko maiintindihan kong bakit nang sabihin yon ni Terran ay mas lalo lang akong naiyak.

Hindi siya umalis at hinawakan niya lang ang balikat ko habang lumuluha ako, somehow gumaan ang loob ko dahil don.

Hindi ko naman masyado ka close si Terran pero nagawa kong umiyak sa harapan nito, ganon ba talaga ako nasaktan sa nakita ko?

"Demerits five, both of you" Narinig kong may nagsalita sa likod ko na alam na alam ko kong kanino nang galing, nang lumingon ako ay agaran naman nito kaming nilampasan ni Terran.

Sinundan ko lang siya nang tinggin.

Ayaw ko magkagusto o mag mahal man nang kahit sino pero bakit sa kanya ang bilis ko lang nagawa?

Yong bagay na pinaka kiankatakutan ko noon at hanggang ngayon, bakit mabilis ko lang naibigay sa kanya?

Ngumiti ako kay Terran at sabay kaming nag punta sa gym. Agad kong inayos ang sarili ko pati nadin ang pag ka bun nang buhok ko na nagulo nang mag tago at tumakbo ako kanina.

Ipinag pasalamat ko na bago pa man mapansin nina Ceshiah ang itsura ko ay agad na kaming pinapila. Katulad nang mga nakaraan na araw ay si Thyme ang kumuha sa akin at si Farrah padin ang hawak ni Clyde.

Sa buong oras nang training pinilit ko na alisin siya sa isip ko, pinilit ko din na wag man lang tumingin sa kanya kasi kong tutuusin kong nasasaktan man ako wala naman siyang kasalanan don. Hindi niya naman akong pinilit na mag ka gusto sa kanya kusa ko yon naramdaman.

Kahit naman nasasaktan ako diretso pa naman ang isip ko at hindi ako nabubulag nang mga ganong bagay. Kong sila man talaga ni Farrah maging masaya na lang ako, masyadong maigsi ang buhay para magalit at mainggit ako sa ibang tao.

Natatawa na lang ako sa naiisip ko kailan pa ako nanging ganito? Kong sabagay ni hindi ko nga in expect na magkakagusto ako sa kanya. Na hahayaan ko ang sarili ko na mahulog. Ang tagal kong iniwasan ang posisyon na to pero ito ako ngayon at may paiyak iyak pa.

Hindi na ata ako makakahon sa galit na nararamdaman ko sa isang tao na sumira sa akin. Sa taong akala ko nandiyan para gabayan at hulmahin ako para maging mabuting tao.

Natakot ako magkagusto sa isang tao kasi baka matulad ako sa Papa ko. Kahit nandon kami ni Vergel para sa kanya hindi siya kailanman nakaahon sa sakit na idulot nang babaeng yon sa kanya.

Hindi ako masamang tao pero pag naiisip ko lahat nang ginawa niya kay Papa at sa buhay namin, lahat na lang nang masamang salita ay naiisip at nasasabi ko. Ganon niya ako sinira at doon pa lang hindi ko na ata talaga siya kayang patawarin.

Hindi ko namalayan na naputol ko na ang ballpen na hawak ko dahil lang naalala ko ang babaeng yon. Kong hindi pa hinawakan ni Eli ang kamay ko para lagyan nang panyo dahil nag dugo ay hindi ko man lang yon mararamdaman.

Tapos na ang training pero nandito pa din kami dahil tinatalian ni Eli nang panyo ang kamay ko.

Ano ba kasi naisipan mo at binali mo yong ballpen nasugatan ka pa tuloy" Para na siyang paiyak sa pagsasabi non. Bilib din ako dito kay Eli at Julliana eh bakit ba parang sobrang bait nila? Nagagalit pa kaya sila?

"Hindi ko na din napansin eh..." Yon na lang ang sinabi ko habang patuloy siya sa pagtatali. Marahan at dahan dahan ang paraan niya nang pagtatali na para bang pag nilaksan niya nang unti ay masusugatan pa ako lalo. Hindi na ako nagsalita at hinayaan na lang siya.

Rules of Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now