PART 18: .01

22.2K 606 13
                                    

ZOEY'S POV


Pumunta ako sa secret underground kung saan nakalagay ang mga weapons, sasakyan at mga motor bikes ko. Naisipan kong dun na muna magpalit ng damit dahil may kailangan pa akong tapusin.

Nang makapunta ako duon ay dumiretso agad ako sa malaking closet ko kung saan nakalagay duon ang mga damit na sinusuot ko kapag may mission ako. Siguro ay pinalitan na nila Aki yung mga nakalagay dito noon. Napaailing nalang ako at kinuha yung coat ko na itim na may hoodie bale hanggang tuhod ko yung haba nung coat ko. May logo rin yung coat ko sa likod. Yung logo ng red night organization. Ang red night organization ay isang organiztion kung saan lahat ng miyembro ay puro assassins. Bale ang organization na iyon naitatag para paupahan kaming mga assassin.


Ang mga magulang ko ang namumuno duon dahil sila rin ang nagtatag duon. Yeah isa akong assassin at ako ang kinatatakutan na assassin na si .01. Kabilang ako sa 7 assassinos na pinakamalaks na grupo ng assassin sa red night org. Binubuo ng 7 myembro ang 7 assassinos. Malamang 7 nga eh.


Pinartneran ko ng black na fitted short at binandaged ko lang yung dibdib ko na kita lang ang tiyan ko. Sinuot ko ang combat boots ko at tinungo ang lalagyan ng weapons ko. Kinuha ko yung katana at isinukbit sa balikat ko. Kumuha rin ako ng tig isang baril at nilagay sa magkabling hita ko. Kumuha rin ako ng shuriken at dagger.


Pumunta ako sa maliit na volt kung saan may nakalagay din doong salamin. Inenter ko ang passcode sa volt at bumikas ito. Nakita ko ang kwintas ko na 10 taon ko ng di sinusuot. Bago kasi ako pumunta sa hideout ng misyon ko ay dumiretso muna ako dito at itinago ang kwintas ko. Naramdaman ko kasing may mangyayaring masama sakin at ayon nga nagkatotoo. Isinuot ko ang kwintas ko. Ang kwintas na to ay simbolo na isa ako sa miyembro ng 7 assassinos. Kung papansinin isang simpleng kwintas lang ito na may singsing. Pero naiiba to sa ibang singsing dahil ang kulay nito ay itim at may nakaukit sa loob ng singsing na .01 ang codename ko.


Tiningnan ko muna ang sarili kong repleksyon sa salamin. Nagbalik na ang .01 na kinatatakutan ng lahat ang walang pusong mamatay tao at walang sinasanto. Tsk. Tsk. Tatapusin ko lang ang misyon na naudlot ko. Hindi pa ako pwedeng bumalik sa org. Kailangan ko pang tapusin ang gusot bago bumalik. Natitiyak kong marami nanaman ang buhay na mawawala... pero sa tingin ko di na tulad ng dati. Napangiti ako at dumiretso ako sa lugar kung saan naka park ang mga sasakyan ko at mga big bikes.


Naisipan kong gumamit na lang ng big bike para mabilis na makarating sa pupuntahan ko. Napili kong gamitin ang itim na Kawasaki ninja 250r ko. Naaastigan kasi ako sa design nun eh. Isinuot ko muna ang maskara ko na itim na may design na .01 na kulay pula at mabilis na pinaharurot ang ninja baby ko. Hahaha walang basagan ng trip.



FAST FORWARD



Itinabi ko ang ninja baby ko sa liblib na part ng kagubatan. Binalikan ko ulit ang lugar na kung saan naging dahilan para mawala ang alaala ko. Tatapusin ko agad ang misyon na naudlot ko. Hindi porket nawala ang alaala ko hindi ko na makakalimutan ang misyon na iyon. Tss. Ngayon makikita nila ang pagbabalik ko kaso sa impyerno na nga lang kami magkikitakita. Tsk.Tsk.


Prente lang akong naglalakad papasok sa hideout nila habang hawakhawak ko ang dalawang baril sa magkabilang kamay ko. Nang makapasok ako sa hide out nila ay nakita ko ang ibang kalalakihan na nagbabantay sa tapat ng pintuan at nagkakatuwaan. Napangisi naman ako ng may isang lalaking nakapansin sa akin at nagulat pa siya.



"FUCK MAY NAKAPASOK!" Sigaw nung lalaking nakakita sa akin. Huhugutin na sana nila ang mga baril nila ng unahan ko. Pinatamaan ko sila gamit ang tig-iisang bala at sa ulo lahat nila iyon tumama. Napa smirk ako at tuloy-tuloy na naglakad papasok sa looban ng hide out nila. Dito nila ako tinago dati. Pinagbabaril ko ang mga taong nagtatangkang humarang sa akin lahat ng pinatatamaan ko ay sa ulo nila iyon tumatama. Walang mababakas na emosyon ang makikita sa mga mata ko habang ginagawa iyon.



Meet The Lost Assassin(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें