"Nagpatulong lang na mag-set up ng mga sofa at curtains na binili namin kahapon." sagot ko at nagsalin ng tubig.

"Ohh. By the way, aalis na ako. May date kami ni Kyro ngayon eh." aniya.

Tumango lang  kami at nagpatuloy sa pagkain.Umalis na din si El dahil kasama daw nila yung ate ni Kyro. I checked my phone when I received a message notification.

*Mama*

'We are on our way to Baguio. Kina-Lola mo kami tutuloy.Wait for us there, hun.'

I immediately stood up. Nagulat silang lahat sa ginawa ko.

"Papunta na sila Mama dito at sa Lola ko sila tutuloy. I need to go there also." wika ko.

"Ha? Ngayon na? Oh sige. May extra akong travelling bag doon. Nasa kwarto ko."sabi ni Steffi.

Dumeretso ako sa kwarto niya at kinuha iyon. Hindi naman kalayuan yung pupuntahan ko. Mga 50 minustes drive lang mula dito.

Kumuha lang ako ng kaunting damit at yung mga para sa kaartehan ko sa katawan. Pagkatapos ay lumabas ako sa veranda upang kunin yung tuwalya ko.

Tinanaw ko ang labas ng gate. Mabuti na lang at wala na si Jacob doon. She's dating someone else kaya naiinis akong nandito siya kanina. I don't want my name to be involve with him anymore.

Naligo na rin ako ulit para fresh kapag nakita ko yung mga pinsan kong bata. I love kids but don't want to have one soon. Ewan ko bakit ganito nararamdaman ko pero kung may darating man, I will gladly accept the blessing.

Habang nagblo-blower ako ng buhok ay may narinig akong nahulog na kung ano sa ibaba. I quickly went downstairs at nagkaka-gulo sila sa banyo.

"Anong nangyar--Oh My God!!" gulat na sabi ko.

Binuhat ni Sam si Rachel papalabas ng banyo. She's bleeding too much. Mabilis kong kinuha ang bag ko at tumakbo sa labas.

Ngayon pa walang taxi. Kahit sobrang lamig at wala akong jacket ay pinilit kong bumaba sa mismong terminal.

"Damn it!!!" mura ko sa hangin nang wala ni isang sasakyan ang dumadaan.

Dinial ko ang number ni El at sa kasamaang palad nakapatay ang cellphone niya. Wala akong nagawa kundi tumakbo pabalik sa bahay.

Nadapa pa ako dahil nangangatnog na ang tuhod ko dahil sa lamig. I tried my best to lift up myself. Nabigla ako nang may magpatong ng coat sa akin.

"What are you doing outside without jacket?" tanong ni Nathan sa akin.

"May emergency kasi at naghahanap ako ng taxi na sasakyan papuntang hospital." naiiyak na sabi ko.

"Wait for me here." wika nito at patakbong pumasok sa gate niya.

He drove his car out of the garage. Bumaba siya mula dito at inalalayan akong pumasok sa shotgun seat.

Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan papunta sa amin. Nasa labas na sina Sam, Zy, Von at Steffi. Bumaba ako at tinulungan silang ipasok si Rachel na walang malay.

"Mauna na kayo. Mag-iimpake lang ako ng gamit niya. Yung mga gamit mo, Dia, isusunod ko na lang." wika ni Zy bago pumasok sa loob.

"Let's go." wika ni Nathan at iniikot ang sasakyan.

Kabadong kabado ako habang tinitignan si Rachel. She cutted herself.

"Mapapatay ko talaga yang, Celvin na yan!" galit na sigaw ni Steffi.

"I don't know what's gotten on her mind ay ginawa niya yan. " wika naman ni Von.

Napapikit nalang ako sa inis. Medyo malayo pa naman ang hospital dito sa amin. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan yung pinsan ko.

"Nǐ hǎo xiōngdì." bungad ko.

" Weì?"

"Remember, Celvin Nero? I want to file a complaint. Theft. Estafa." seryosong wika ko.

"Now? Shì de. I'll process the arrest warrant."

"Hao. XìeXìe." pagpapasalamat ko

"Zai Jiàn." paalam nito bago ibaba ang tawag.

Ibinaba ko ang tawag at tinignan ang kalagayan nila sa loob. Good thing they applied some first aid a while ago to stop the bleeding.

"How is she?" kalmadong tanong ko.

"She's fine but she lost a lot of blood." sagot ni Steffi.

Tumingin ako sa waze ni Nathan at nakitang 5 minutes na lang nandoon na kami. Paano na kaya kapag hindi niya ako nakita kanina sa labas? I owe him another one.

Tumigil ang sasakyan at may nakaabang nang mga nurse sa labas. I went outside and opened the door para mailabas nila si Rachel.

Naiwan kami sa labas ng emergency room dahil hindi pwede ang maraming tao doon. Naupo na lang ako sa isang bench at napakapit sa suot kong trench coat.

"Ano balita?!" hinihingal na tanong ni Zy at kasama na nito si El.

"Wala pa. Naghahanap sila ng pwedeng kunan ng dugo." sagot ko.

Naupo silang dalawa sa tabi ko. Zy handed me the bag at ngayon ko lang narealize na kailangan ko palang magpunta sa San Carlos Heights. 30 minutes lang naman ang layo non dito.

Nahagip ng tingin ko si Nathan na tahimik lang sa isang tabi. Tumayo ako at lumapit sa isang vendo machine. I bought two hot chocolates.

I walked near him and handed him the other cup. Umupo ako sa tabi nito.

"Salamat. You've been helping me a lot these days." wika ko.

"No problem." sagot nito at uminom sa cup.

He looked at me after he drank. Natawa ako nang makitang may naiwang foam ng chocolate sa labi nito.

"Why?" naguguluhang tanong niya.

Umiling ako at naglabas ng tissue sa bag. I wiped his lips and smiled. Napawi ang ngiti ko nang maalala ang paghalik niya sa akin.

"Yung kanina..." wika ko at ibinasura yung tissue. "Ah..Why did you do that?" tanong ko sa kaniya.

"Yung alin? Yung kiss? Just to make your ex jealous." tugon ni Nathan.

Tinignan ko siya ng matagal. "What? Para saan naman?" tanong ko.

"Wala lang." ngumisi siya.

Tumingin ako sa wristwatch ko. 6 p.m na pala. Tumayo ako at naglakad patungo kina El.

"Mauuna na ako ha? Baka mamaya dadating na sila Mama. Babalik nalang ako bukas magdadala ako ng agahan niyo." paalam ko.

"Sige. Hintayin kita bukas." wiks ni El.

Tumalikod ako sa kanila at nagsimula nang maglakad. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko si El.

"Huy Zy!Punasan mo nga rin lips ko!!"

Liningon ko sila at tinignan ng masama. They just laughed at me.

"Uwi na ako."wika ko kay Nathan.

"Hatid na kita."  saad nito at kinuha ang bag na hawak ko.






A wish: 11:11Where stories live. Discover now