Gf niya kasama niya?

Saktong kukunin ko na sana ang phone ko para sana i-check kung nagala na naman ang limang ’yon dito nang mag vibrate ’to.

From: labs q Laley
Uy sino ka meet up mo, labs? Ano ’yan secret dating? hahaha

Inilibot ko ang paningin sa lugar. Then I saw Laley’s laughing at the corner near at the entrance, kasama niya si Ben na hindi maipinta ang mukha. I roam my eyes again, hoping Javin is with them, pero wala, haist.

Bakit ba ako umaasa na gagala iyon sa gantong karaming tao? Why I am looking for him ba? Ugh.

Napatingin ako sa mga katabi ko na nakatingin sa gawi nila Laley, masama ang timpla ng mukha nila. Si Benedict pala iyong tinutukoy nila. Wala talaga pakialam isang ’to sa image niya.

“Pinapahirapan mo talaga manager ninyo, Ben,” sambit ko pagkalapit ko sakanila.

Pansin ko ang pagngisi ni Ben. “We have our personal life, too, Kim,” pagbaling niyang tingin sa akin. “Solo?”

Napatango ako. “Date na naman kayo?  Mga OA naman mga ’to, halos araw-araw.”

Parehas naman silang humagikhik.

“Niyaya mo sana si Javin para hindi ka naiinggit d’yan,” pang-aasar ni Ben. Sinamaan ko siyang tingin. “Sus, kunwari ka pa, gustong-gusto mo naman iyong ideya.”

Napaiwas akong tingin at munting napangiti. He’s right.

“Solo ka? Sama ka sa amin para hindi ka lonely!” masiglang sambit ni Laley. “Sayang naman ang ka-sexyhan mo today!”

I shook my head. “Hindi na, it’s your special day, ayoko namang makigulo sainyo. Atsaka, it’s me time, I’m just here to freshen up my mind.”

“Pinasok mo na lang sana sa ref ulo mo.”

Mabilis kong hinila ang hawak na bag ni Laley atsaka itinapon sa pagmumukha ni Benedict na hagalpak ang tawa.

(_ _")

“Hindi ka ba natatakot na ma videohan ka nila, sinasaktan mo ang pogi nilang idolo!” natatawang sambit ni Ben.

I simply rolled my eyes. “Hindi dahil hindi ka naman pogi! Una na ako, bye!”

Natatawang pumasok na lang akong entrance, hindi na rin naman nakaangal ang dalawa dahil baka dumugin sila, pffft.

“OMG, Girl! I saw one of the member of 0X1 kanina! May shoot sila malapit sa bahay!”

Napataas ang kilay ko nang marinig ang usapan ng dalawang teenager sa tabi ko, mukhang mga highschool pa lang sila based on their uniform. Mukhang nagtitingin lang sila ng Wattpad Books dito sa NBS.

“Sobrang gwapo pala talaga ng vocalist nila! Ngayon ko lang siya nakita nang malapitan, geez!!”

Are they talking about Javin?  Right, he’s the main vocalist, at siya lang naman ang pampered ng photoshoots, e.

I heave a deep sigh before going to another row of shelves. Kumuha lang ako ng complete set of sketch pencils at sketch pad bago pumila sa may counter.

Habang naghihintay sa pila, binuksan ko ang phone ko para tingnan ang sinasabi ng teenager kanina na myday raw ng OX1 Vocalist. Pagka-search ko sa username ni Jav, bumungad sa akin ang picture niya that posted two hours ago, naka-heart sign and there’s a text attached says, for mi amor.

“Pero alam mo ba may something ganap kanina!”

“Ano? Ano?”

“Nasa set iyong gf niya, iyong Sielly ba ’yon?”

Let The Song CryWhere stories live. Discover now