C12: ONE GREAT LOVE

Start from the beginning
                                    

" SURPRISEEEE!!!!." Sambit niya tapos pinagbabaril kami galing sa malayo buti nalang nakailag at nakadapa kami agad ni Rai.

" HAYUP KA! LUMAPIT KA DITO! DUWAG!!!." Sambit ni Marsela

Kaya dahan na naglakad palapit sa amin ang babae at nang makalapit na siya...

" A-ABELAINE????!!!!!."

Rai's P.O.V

" A-ABELAINE????!!!!!."

Bu-buhay siya?? tila di ako makagalaw sa nakikita ko, si Abby ba talaga toh? Bakit siya ganito ka galit samen?

" Bu-buhay ka???." Sambit ko

" Oh Yes Sweetheart, Ganito yata siguro pag may misyon pa akong di natatapos, Kailangan ko munang mabuhay para tapusin kayo!." Sa pagkakasabi niya nun ay nagpaputok na naman siya na agad naman naming naiwasan ni Gabb

" Abelaine sandale! hindi mo kami kalaban!." Sambit ni Gabb

" Preach Skribikin, anong hindi? Talagang nagmamalinis pa kayo?!!!."

Walang salitang lumalabas sa bibig ko dahil hindi pa rin ako makapaniwalang buhay siya.

" Ano Marsela? Bakit tila nakakita ka ng multo? Masyado naman yata akong maganda para maging multo." Sambit niya

" Gusto mong makipaglaban? Sige magtuos tayo! pero walang armas! tingnan lang natin kung sino ang mauuna sa Impyerno nito." Sambit ko

" Sese hindi natin siya pwedeng kalabanin, biktima lang siya." Sambit ni Gabb

" ANONG BIKTIMA PINAGSASABI MO SKRIBIKIN??? O BAKA NAMAN NATATAKOT KA LANG NA MATALO KO KAYO." sambit ni Mie kay Gabb

" ABELAINE hindi mo ba talaga kami nakikilala? Lalo na siya?." Sambit ni Gabb sabay turo saken

" TAMA NA YAN!. MAGLABAN NA TAYO!." pumwesto na ako para labanan si Abelaine

Naglalabanan na kami ngayon, at tila itong si Gabb nagdadalawang isip pa rin na labanan si Abelaine.

" Mie tigilan mo na toh. Hindi mo kami kalaban. Dati mo kaming mga kaibigan." Sambit ni Gabb

" TUMAHIMIK KA! MATAPOS NIYONG WALANG AWANG PASLANGIN ANG AKING INA? MATATAWAG PA BA KAYONG KAIBIGAN?? AT AKUSAHAN ANG AMA KO SA KASALANANG DI NIYA GINAWA???."

" ANONG PINAGSASABI MO??? MATAGAL NANG PATAY ANG INA MO, NAKWENTO MO SAMEN YAN. BUKSAN MO PUSO MO KILALANIN MO KAMI KUNG SINO TALAGA KAMI!." sambit ni Gabb, natigilan ako sa sinabi ni Gabb kaya nahawakan ako ni Mie sa leeg.

" Napakadali naman palang mapasakamay ko itong Singkit nato. Are you ready to die Marsela?." Sambit ni Mie at inilabas ang kutsilyo

Saka naman nagsidatingan ang ibang myembro ng SAF

" WALANG MAGPAPAPUTOK! PLEASE WALANG MAGPAPAPUTOK!." sambit ni Gabb

" Patayin mo na ako Abelaine kung yan ang ikatatahimik mo!." Sambit ko

" Waaag Abelaine! Matindi ang pagsising mangyayare sayo pag pinaslang mo siya!." Sambit ni Gabb

" TUMAHIMIK KA! BUHAY NIYO KAPALIT NG BUHAY NG INA KO!."

Omar's P.O.V

Buti nalang at nalaman namin nang mas maaga na si Ate Abelaine pala ang kalaban namin, kaya nakabuo kami agad ng plano. Kasama ko si Jehan at dala ang projector itinapat namin ito sa puting wall kung saan nakaharap si Ate Mie, agad naming plinay ang videos and pictures nila noon ni Ate Rai.

Mie's P.O.V

" Ano pang hinihintay mo Abelaine? Gilitan mo na ako sa leeg nang maging masaya ka na. Tutal diyan naman kayo magagaling diba? ANG SAKTAN AKO??!!!." sambit ni Marsela habang nakatingin sameng dalawa ni Gabb

HEART ARREST II (PAGSUKO O PAGSUGAL?)Where stories live. Discover now