CHAPTER FIVE: KNOWING HER

Začít od začátku
                                    

" Nice one player. Yan naba best banat mo?"

" What? Should I call you baby, babe, sugarplum, my sweetipie, humpy Dumpty, Honeybunch, sugarplum?" She laughed at my silliness.

" Dami mo knows."

" Dami mo knows" I mocked her then laugh. She sounds so expensive!

" I should go home na." She dismissed the topic.

"Nope. Maligo kana Frances. Dito ang mga damit ko na pwedi mo suotin. Pero medyo malaki mga damit ko. May boxer din ako dyan. You're drunk and I'm too tired to drive you home. Dito kana muna."

" I can manage. I'll just book a grab or angkas na lang" she said while holding her phone na agad niya ring ibinaba when she find out na low batt na ito.  " Why now pa?!" Inis pa na sabi niya saka ipinatong ito sa bedside table ko.

Napangiti ako habang pinapanood siyang mainis. Ewan ko bat ngiti ako ng ngiti sa harapan niya. Parang ang gaan nang pakiramdam ko  kapag nasa paligid lang siya.

" So? "

"I'll stay for the night." She sighed. Tinanguan ko na ito.

Agad na akong lumabas ng kwarto ko para linisin ang kabilang kwarto. I won't sleep beside her that's okay for me pero sa kaniya ewan ko na lang.
Matapos kong maglinis ay nagshower na rin ako ng mabilis dahil sa antok na antok narin ako.

" Hey let me go! It's me!"  Impit na sigaw niya ng pumaibabaw ako sa kaniya at nakaamba na ang isang kamay ko para suntukin siya. Her dark brown eyes meet mine. Agad kong na mukhaan ito kaya mabilis ko din siyang pinakawalan. Tinatapik niya kasi kaniya ako sa mukha kaya akala ko kung sino na. Wala rin kasi akong kasama dito sa condo ko kaya ganon na lang ang reflexes ko.

Napasapo ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito sa biglang pagkilos ko mula sa pagkakatulog.

Hindi ko namalayan kanina ng matapos kong ihanda ang kama ay nakatulog pala ako at hindi ko na puntahan pa si Frances. Kaya heto siya ngayon sa gilid ko at mariin akong tinitignan.

"I'm sorry. Nagulat ako dahil sa pagtapik mo, reflex ganon."

" It's fine. Can I borrow an extra ahm.."  she said without looking at me. Her cheeks are becoming red.

" Borrow what Frances?"

" Extra underwear. " She said in a very low voice saka naging malikot ang mata. Natawa ako na ginagawa niya.

Pinagmasdan ko siya dahil nakasuot lang ito ng robe at basa pa ang buhok niya. May iilang butil ng tubig ang dumadaloy sa leeg pa papuntang collar bone niya. Napalunok ako at agad na nag iwas ng tingin.

" Let's go sa kwarto ko nandoon ang mga unused undergarments ko. Same size lang naman siguro tayo. " Saka nauna na akong maglakad at nakasunod naman ito saakin.

Agad kong kinuha ang mga kailangan niya sa loob ng cabinet at inilapag ito sa bed.

" If may kilangan ka pa nasa kabilang kwarto lang ako ha. Wag ka mahiyang gisingin ako. " I smiled at her.

" Thank you for this. "

Lumabas na ako ng kwarto pagkasarado ko ng pinto ay nagtungo ako sa kitchen para uminom ng tubig. Pagbukas ko ng ref ay bumungad saakin ang mga beer in can kaya ito na lang ang kinuha ko imbes na tubig.

Kumuha ako ng limang can at inilagay lahat sa table saka ako na upo at sinimulang ubusin lahat. Hindi ako makatulog sa gabi kapag hindi ako lasing. Nakakatulog naman ako pero super late na talaga inaabot ako ng 3am kakahanap ng magandang pwesto sa kama makatulog lang.

Operation: Breaking Jaydee Garcia's Heart [UNDER REVISION]Kde žijí příběhy. Začni objevovat