My Wish

37 11 19
                                    

Dedicated to: RedDragon2020

"ANG KYUUUT KYUT KYUT MO TALAGA”

“ARAAAY, ANO BA RD MASAKET!” pisil nya sa pisngi ko.

“PFFT! HAHAHAHA KYUT MO KASE MAINIS, OH BASTA WAG KA MAWAWALA SA BIRTHDAY KO HA.”

“Sorry, may lakad ako.”

“WHAT?! HINDE PWEDE! IPAGPALIBAN MO MUNA YANG LAKAD MO PWEDE?, mas importante ba yan kesa sakin?” pfft! HAHAHAHA gusto kong humagalpak ng tawa dahil sa itsura nyang nakabusangot.

Cute s'ya.

“WOI!”

“ARAY! ANG SAKIT NUN HA!” Bigla nya kaseng pinitik noo ko.

“EH IKAW KASE E, KUNG ANO ANO NANG INI-IMAGINE MO JAN, AH BASTA WAG KANG MAWAWALA, HA.”

“Oo na po, sige na sige na."

“Yown! Oh sige alis nako, puntahan ko pa barkada ko.”

“Sige."

Siya si RD, ang nag iisang lalaking bumihag ng puso ko, ewan ko ba kay kupido kung bakit sakanya pa ako tinamaan. E, mortal enemy ko iyan e, pero ngayon best buddy na kami.

Sa Birthday n'ya, plano ko nang ipagtapat itong nararamdaman ko para sakanya.

Kasalukuyan akong nasa canteen, nililinisan 'tong pinagkainan ko.

"Mav!"

I felt a hand tapped my shoulder. It was Kassy, my bestfriend.

"Oh kumusta na 'yang plano mo? Tuloy pa ba? 'Wag ka nang mag ba back out ha?"

"Oo naman hindi na. Sasabihin ko na talaga kay RD."

"Ganyan  nga bes! Go for it! Sayang nga hindi kita masasamahan don. Alam mo namang birthday din yon ni lola."

"Ano ka ba, ayos lang yon 'no. Sapat na sa'kin ang supporta mo.  Ku kwentuhan nalang kita sa ganap."

"Napaka understanding mo talaga. Yieee ang swerte naman ng magiging boyfriend mo." Sabi niya sabay pisil sa pisngi ko.

"Ayan ka na naman sa boyfriend boyfriend na 'yan bes. Balik na nga tayo sa classroom. May gagawin pa tayo 'di ba?"

"Oo nga pala. Tara na nga."

---

Friday night. Birthday party na ni RD.

"O paka busog ka. Alam kong gusto mo ng letchon manok. May cake at ice cream din."

Nilagyan ko ng kanin, letchon manok, pancit, fried chicken at iba pang ulam ang plato ko.

"Hinay hinay lang. Tataba ang pisngi mo niyan HAHAHA."

"Baka ikaw. Ang lakas mo kayang kumain. Mawawala yang pogi face mo. Hindi ka makakapanligaw niyan HAHAHA."

"Oo  nga pala may sasabihin ako sa'yo. Naalala mo pa ba si RJ?"

"Hmm. Yung STEM student? Crush mo ata yon noon eh."

"Kuya  may bisita ka!"  Sigaw ni Rya. Nakababatang kapatid ni RD.

"Mamaya na nga lang. Paka busog ka diyan ah?"

"Oo na. Sige puntahan mo muna mga bisita mo."

Pumwesto ako sa gilid at kumain. Iniisip ko na rin ang sasabihin ko mamaya. Pinapractice ko sa isipan ko para hindi ako magka problema.

Natapos nakong kumain. Kumuha na'ko ng cake na nasa mesa at sinisumulan ko na itong kainin nang lumapit si RD. Kasama ang isang babae. Hmm, she looks familiar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon