Chapter 12: Death

Start from the beginning
                                    

"Veron." Halos walang tinig kong tawag sa pangalan nito. "Veron," ulit ko at dahan-dahang inangat ang kamay. Hinawakan ko ang telang nakatakip sa mukha nito at maingat na hinila ito pababa.

Napaatras ako ng isang beses at mabilis na ipinikit ang mga mata. Umawang ang labi ko at panibagong mga hikbi na naman ang kumawala sa bibig ko.

It's him! It's my husband's dead body! Oh my God!

Napayuko ako at muling napaluhod dahil sa panghihina. Tiningnan kong muli ang mukha ni Veron at marahang inabot ang mukha nito. Kahit nanginginig ay nagawa ko pa ring haplusin ang malamig na mukha ng asawa ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagpatuloy sa pag-iyak.

"What happened, Veron? Bakit sa ganitong sitwasyon na kita nakita?" Nanghihinang tanong ko dito habang hinahaplos pa rin ang mukha nito. "I'm so sorry, babe. I'm so sorry!" Hagulhol kong muli. "I'm so sorry for not talking to you. I'm sorry for being cold towards you, for ignoring you! No, Veron...I'm not mad at you. I'm not mad at you." Paulit-ulit na sambit ko dito at napahagulhol muli sa tabi nito. "I will never get mad at you... So, please... you can't leave us like this. Not like this, Veron. Please! Nakikiusap ako sa'yo. I can't... I just can't accept this!"

Oo! Kahit na nagsinungaling sa akin si Veron tungkol sa pagkatao ko ay hindi ko pa rin nagawang tuluyang magalit dito. He was good to me. Naging mabuting asawa ito sa akin kahit hindi totoong ikinasal talaga kaming dalawa. He gave me my new life, my new home and my new family. He gave me his daughter and he gave me his love.

He was sincere. His feelings were all true. Ramdam ko iyon at kahit wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko! Ginawa niya ang lahat para maging komportable akong kasama silang dalawa ni Ayah.

I loves me. And I know that I love him, too!

Minahal ko silang dalawa ni Ayah. Minahal ko sila na kahit noong nalaman ko na ang totoo tungkol sa pagkatao ko ay hindi ko magawang iwan silang dalawa. They're my family now and I planned to stay with or without my memories! Pamilya ko na silang dalawa kahit anong mangyari sa akin!

Iyon ang plano ko pero hindi ko iyon magawang sabihin kay Veron. I was disappointed with his decision that's why I can't face him without asking him whys all over again! I just need time alone! I just need to clear my mind. Gusto kong mawala muna ang disappointment ko dito bago ko ito kausaping muli! I want a new and clean start for us, for our family and this... this happened!

Bakit?

Bakit nangyayari ito sa akin? Bakit kailangang mawala ito sa akin?

Bakit si Veron pa? Bakit ang taong nagmamahal pa sa akin?

He was a good man, a good father and a good husband! He's not perfect but he was a good person! So, why?

Tulala akong lumabas sa silid at halos wala na ring lakas na maglakad pa.

Agad na lumapit sa akin si Sasa at Xavi at inalalayan ako sa pag-upo. Wala akong emosyong nakatingin sa kawalan habang inaalala ang itsura ni Veron kanina. Mukha lang itong natutulog. Mukha lang itong tulog at hinihintay ang paggising ko sa kanya. Pero... Ilang beses kong tinawag ang pangalan nito kanina. Ilang beses akong nakiusap pero hindi niya ako dininig. Hindi na ito magigising pa at hindi ko na maririnig ang pagtawag nito sa pangalan ko.

Veron, my husband, is really dead. He's gone and I will never see him again.

"Destiny Amari..."

"Xavi, please, not now. Hayaan na lang muna natin si Amari."

"I'll get some water," rinig kong wika ni Xavi at iniwan na kami ni Sasa. Napakurap-kurap ako at napabuntong-hininga na lamang.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko. Iyong sakit na naramdaman ko kanina habang umiiyak sa harapan ng katawan ni Veron.

Wala sa sarili kong itinaas ang kanang kamay ko at inilagay ito sa may dibdib ko.

"I love him," mahinang turan ko habang nakatingin pa rin sa kawalan. "Kahit na nagsinungaling ito. Kahit na hindi ito ang totoong asawa ko, minahal ko si Veron. He was with me and never leave me when I lost everything."

"He loves you too, Amari. So much that he only wanted what was the best for you. He lied for you," marahang sambit ni Sasa sa tabi ko at hinawakan ang isang kamay kong nasa may hita ko. "The way he protected you to us, to Xavi, alam naming mahal na mahal ka ni Veron. It was like a possessive kind of love but I know it was true, sincere and deep. Na kahit gusto naming sabihin kay Von Sirius na nakita ka na namin dito ay hindi namin iyon ginawa ni Xavi dahil alam naming isang mabuting tao  si Veron. He loves you so much, Amari, and I'm sorry for losing someone like him. He doesn't deserved this but we can't do anything about it. Aksidente ito at wala tayong kontrol sa mga ganitong bagay."

Napapikit na lamang ako at marahang napayuko.

Gustuhin ko mang umiyak ay hindi ko na ito magawa pa. Tila naubos na ang mga luha ko at ngayon ay wala na akong mailabas pa. I wanted to cry again for my dead husband but my body is betraying me right now. Pagod na ito at ayaw nang umiyak pa.

Mayamaya pa'y bumalik na si Xavi at inabutan ako ng isang bote ng tubig. Maingat ko itong tinanggap at walang ingay na uminom. Halos maubos ko ang laman ng bote at noong matapos ako sa pag-inom ay nagpasalamat ako dito. Muli akong bumaling sa pinto kung saan naroon ang katawan ni Veron at noong may narinig akong pamilyar na boses, agad akong natigilan.

Napalingon ako sa bagong dating at namataan ang paglapit ni Cristina Fajardo, iyong kakambal ng dating asawa ni Veron. Natigil ito sa paghakbang noong tuluyang nakalapit na ito sa puwesto namin ni Sasa.

"Is it true?" mahinang tanong ni Cristina at binalingan ang pinto ng silid kong nasaan ang katawan ni Veron. "Such a jerk," bulalas nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko. "Pagkatapos niya sabihin sa akin na nakalimutan na niya ang kapatid ko at masaya na siya sa pamilya niya ngayon.... damn this! Pagkatapos ng lahat-lahat, ganito ang mangyayari sa kanya?"

"It was an accident, Cristina. Douglas is still in critical condition. Wala pang balita tungkol sa surgery nito," ani Sasa at binalingan ako. "You okay now? Kailangan mo pa ba ng tubig?"

Umiling ako dito at itinuon ang paningin kay Cristina. Nakita ko ang pang-iling nito at pag-alis ng mga luha nito sa pisngi.

"Ngayong araw ang death anniversary ni Charlotte," turan nito na siyang ikinatigil ko. Charlotte... Veron's ex-wife and Ayah's biological mother. "A day before her death anniversary, umiinom ito kasama kami ni Douglas. But today's different. Dahil sa nalaman ni Amari, naging doble ang sakit na naramdaman nito ngayon. When my sister died, he blamed himself and now he blamed again himself because of what he did to you, Amari. It was like a never ending cycle for him."

Napayuko ako at muling nakaramdam ng kirot sa dibdib ko.

"That jerk... Kahit kailan talaga ay hindi ko ito maintindihan. I thought he was finally free from that guilt. Ngayon... nasaan siya ngayon? Talagang sinundan na niya ang kapatid ko." Naiiling na sambit ni Cristina at tinawag muli ang pansin ko. Muli akong napatingin sa kanya at kinagat muli ang labi noong magtagpo ang mga mata namin. "Mahirap ang mawalan ng isang taong malapit sa'yo, isang taong mahal mo. Veron told me before that you're stronger than my sister. Na kaya mong lagpasan ang lahat. At sana nga'y tama ito. Fight, Amari. Labanan at lagpasan mo ito. For the sake of my sister, for that jerk man and for Ayah, fight and survive."

Ang akala ko'y ubos na ang mga luha ko sa katawan ngunit hindi pa pala.

Sa mga salitang binitawan ni Cristina, nag-unahan na naman ang mga luha ko. Mariin kong kinagat ang labi ko at marahang tumango sa babae.

"I will, Cristina. I will fight and survive."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now