Special Chapter (A Tribute for the Graduates)

Depuis le début
                                    

"Hindi, sila ang nakakaistorbo sa atin,"

"Balik na lang ako mamaya, mukhang busy kayo eh!"

"Hindi nga,"

"Oo busy 'yan si Philcan, 'di pa tapos niyan 'yong report niya,"

"See? Sige mamaya na lang,"

"No, dito ka lang, malapit na rin naman akong matapos, hintayin mo na ako,"

"Okay,"

"Dito ka maupo sa tabi ko Abby, magkwentuhan tayo!"

"No, he will sit on my lap while I'm finishing my report!"

"Pwede ba tumigil nga kayong dalawa, dito ako mauupo, huwag niyo akong pangunahan,"

"Philcan, ako'y mauuna na,"

"Hahaha, oh Abby inunahan ka na ni Zion,"

"Che!"

"Ako'y mauuna sapagkat kailangan ko pang tagpuin ang mga look-out beta, ikaw Cerus, hindi ka pa ba tutungo?"

"Lintik na tutungo 'yan! nagka-brain freeze ata ako, Hahaha, hindi pa ako tutungo aking kaibigan batid mo namang hinihintay ko pa ang ulat nitong hepe ng mga beta sa namumukod tangi ang kakayahan, wooh! hirap ng sitwasyon ko!"

"Ikaw ang bahala. Abby, ako'y mauuna na,"

"Bye Zion! Smile though your heart is aching and take care cause I care!"

"Salamat,"

"Baliw talaga ang kleinos mo Philcan!"

"Nagsalita ang matino ang pag-iisip!"

"Hehe"

Mayamaya pagkatapos umalis ni Zion.

"Abby, ikaw ba noong nag-aaral ka ano 'yong mga naranasan mo?"

"Wala talaga sa vocabulary mo ang salitang 'silence' 'no?"

"Oo nga!"

"Wala talaga! Boring 'yon eh! So, matalino ka ba n'ong nag-aaral ka?"

"Hindi ako matalino, masipag lang ako at kung sa mga experiences lang n'ong panahon na nag-aaral ako naku pang-MMK ang drama ko,"

"Anong MMK?"

"MMK, teka ano nga bang ibig sabihin n'on Mahirap Man Kaya yan ata! basta palabas 'yon na karamihan ay hinanakit sa buhay ang parating tema, so 'yon nga, noong nag-aaral ako n'on sa high school, alam mo bang hindi ako kumakain ng lunch minsan para lang makabili ako ng mga school materials at kung anu-anong paraphernalia sa school, saktong pamasahe at pagkain lang ang ibinibigay sa akin n'on, nilalakad ko na nga lang imbes na sasakay ako ng tricycle papasok sa school compound para may extra pa ako. Naging working student naman ako n'ong college, minsan ako pa ang nagbabayad sa tuition ko kapag walang maibigay ang tiyahin ko,"

"Bakit hindi ka na lang umalis sa puder ng tiyahin mo tutal naman nagtatrabaho ka na ng mga panahong iyon?"

"Mahirap ang mag-isa sa buhay Cerus kapag nasa Pilipinas ka, ikaw ang magbabayad ng tubig, kuryente, renta at pagkain mo sa araw-araw, kulang ang kita ko sa pagtatrabaho tapos nag-aaral pa ako, tiniis ko talagang manatili sa puder ng tiyahin ko hanggang sa makapagtapos ako, nasa isip ko n'on hangga't may tinitirahan akong libre makakabawas iyon sa pasanin ko at kapag minsan mabait ang tiyahin ko binibigyan niya naman ako ng pera kahit kulang, kahit papano malaki rin naman ang naitulong nila sa akin, hindi naman sila 'yong nang-aapi. Garapal nga lang pagdating sa pera, inisip ko na lang na lahat ng sakripisyo ko may magandang kahihinatnan balang araw, sabi nga nila, every cloud has a silver lining. Na-iinggit nga ako n'on sa mga kaklase ko na nakakapag-aral ng walang masyadong problema, inaalala lang nila eh 'yong mga homeworks, exam, at kung pa'no sila makakaganti sa prof, pero gan'on talaga ang buhay kaya bilib ako sa mga estudyanteng may prinsipyo sa buhay, mayaman man o mahirap, dahil naniniwala ako hindi lang sa kung anong meron nasusukat ang pagkatao ng isang nilalang kundi sa kung paano niya nakikita ang tunay na kahulugan ng sakripisyo,"

"Wooh! Palakpakan! Pang-beauty queen ang sagot!...Oy! Philcan! Saan ka pupunta? Ano?..Oh no! hindi mo matatapos ang report mo niyan eh! Nagkukwento lang si Abby, nakayakap ka na agad!"

"Nararamdaman ko kasing malungkot ang kleinos ko ngayon,"

"Nge, hindi, sa tuwing naaalala ko lang ang mga sakripisyo ko para makapagtapos, may konting lungkot lang, konti lang naman pero thank you, napaka-thoughtful naman ng philetor ko,"

"Oh siya siya, tama na 'yan lovebirds!, tapusin mo na 'yong ginagawa mo Philcan,"

"Huwag mo nga akong utusan! Tapos ko na, transfer mo na lang 'yon file,"

"Okay!"

"Simula ngayon hindi mo na mararanasan ang mga iyon my kleinos, I will take care of you from now on until forever!"

"Tengene! Walang forever Philcan! Idagdag mo na rin 'yon sa vocabulary ko Abby, walang forever!"

"Ang bitter mo pare 'no? Hindi mo pa kasi nakikita ang iyong forever, ako kasi nasa harap ko na siya,"

"Ang corny mo!"

"Bilisan mo na nga ang pagtatransfer niyan! Para makaalis ka na! Istorbo!"

"Hahahaha. Magsesex kayo rito? Tengene telege!"

"Gago!"

"Prrrt..Awat na!"

"Huwag na nga nating pansinin 'yan si Cerus my kleinos, inggit lang 'yan sa atin kasi tayo may forever!"

"Hihihi, bolero!"

"Pinapasaya lang kita, puro na lang kasi pagdurusa, pighati, kalungkutan, puot, sakripisyo at hinagpis ang naranasan mo sa buhay,"

"Sobra ka naman, hindi naman, OA mo! Masaya ako dahil naranasan ko 'yon kanya kanya lang tayo ng karanasan, 'yong sa akin nga lang eh medyo mabigat, pero alam kong may mas mabigat pa kumpara sa akin, ang mahalaga we survive, on the first place that's the reason of our existence is to survive"

"May masaya ring pangyayari sa'yo during academy days?"

"Oo naman, nariyan 'yong madapa-dapa ka sa pagtakbo dahil sa mali-late ka na kasi nasa kabilang dulo ng campus ang sunod mong klase, masaya ring magfood trip sa mga turo-turo lalo na kung libre ng isa mong kaklase na nakakaluwag-luwag sa buhay kasi 500 araw-araw ang baon, tapos makakameet ka ng mga professor na iba-ibang species, may zombie, walang buhay sa klase, mayr'on namang the flash, 3 oras ang klase pero 1 hour pa lang dismissed na, mayr'on ding mga Rare, minsan lang magpakita, mayr'on namang kamag-anak ni Hitler, kung makapanakot wagas, pero ang nakakatuwa sa lahat ay ang mga fashionista, lahat ata ng klase ng bag ay dala, shoulder bag, handbag, computer bag, sling bag, eco bag at back pack. Kayo ano ang masayang experience niyo sa pag-aaral? Comment kayo! Masayang balikan at alalahanin ang buhay ng isang estudyante!"

My Alien Soulmate (boyxboy) [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant