Escaping Reality (ONE SHOT)

7 1 0
                                        


"What are you looking at?"

Pumangalumbaba ako at hindi pinansin ang katabi ko. Tamad na pinagmasdan ko ang bawat mukha ng mga kaklase ko at napangiwi. Isinubsob ko ang mukha ko sa desk at naalala yung minsang may nagtanong sa akin kung ano raw bang tipo ko sa lalaki. Hindi ko napigilang matawa dahil sa biglaang naalala.

"Ano bang tipo mo sa lalaki, Lyra?" tanong nito habang matamang nakatitig sa magiging reaksyon ko.

Pinagmasdan ko siya mula ulo mukhang paa at pinigilan ang sariling mapangisi. Tinakpan ko ang labi ko gamit ang kamay ko para itago ang pagngisi. Naalala ko sa kanya iyong isang lalaki sa librong binasa ko. Choco.

I shrugged and answered proudly, "Simple lang." Basta hindi ikaw. Gusto ko sanang idagdag kaya lang ay pinigilan ko ang sarili ko.

I chuckled.

"T-Talaga?" pasigaw na saad ng kaharap ko, mukhang nagulat.

Nagliwanang ang mukha niya. Bahagya pang nanlaki ang mga mata niya at napanganga. Narinig ko ang mumunting pag-asa sa boses nito bago sinulyapan ang natatawa niyang mga kaibigan.

I pursed my lips and tried to suppress a smile, "Oo naman." kunwari'y inosenteng sagot ko. "Hindi naman ako mapili sa lalaki." I added, smiling a bit now.

He took a step forward and when he was about to hold my hand, iniwas ko ang kamay ko at humakbang paatras para layuan siya. I even glare at him.

Tumikhim ito, animo'y napahiya. "P-Pwede mo bang s-sabihin sa akin kung ano iyon?" utal na sabi nito.

Bumuntong hininga ako at pinigilan ang sariling mapairap. I couldn't smile now. I'm starting to get pissed. Daming tanong. Ang daming sinasabi. Kaasar.

I nodded, "Okay." I answered seriously.

Inilibot ko ang tingin sa mukha ng mga kasama niya at napatigil nang makita ang pamilyar na pares ng mga matang kasalukuyang nakatingin sa akin. Nagtagal ang tingin ko sa taong iyon at nang matauhan ay tumikhim ako at iniwas ang tingin.

Napakurap ako at pinilit pakalmahin ang sarili. I looked at the person in front of me again and answered. "G-Gusto ko yung matangkad. Maganda at malalim ang mga mata. May mahabang pilikmata. Matangos ang ilong. Mapula ang labi at..." napangisi ako at inimagine ang itsura ng mga lalaki sa mga nabasa ko ng libro. "Gusto ko yung umiigting ang panga. Iyon lang naman."

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maimagine ang itsura nila. Gosh, ang gwapo. Bumagsak ang balikat ng lalaking kaharap ko. Nawala ang pag-asa sa mga mata nito at parang napapasong napahakbang paatras sa akin.

"P-Pero ang sabi mo s-simple lang?" mababa ang boses na tanong nito.

Ngumiwi ako at tinawanan siya. Hindi ko na nga dinagdag na kung pwede rin ay CEO ng isang kumpanya para hindi na siya mapahiya.

I chuckled, "Simple lang naman talaga, diba?" nakangiting tanong ko. "Okay nga lang sa akin ang mangingisda, construction worker, kargador, hardinero, at bodyguard." dagdag ko pa.

Nang hindi na siya sumagot ay umayos ako ng tayo at tinapik ang balikat niya. Humakbang ako palapit sa kanya at saka ibinulong, "Ang tipo ko sa mga lalaki ay iyong mga nasa libro. The greatest turn on for me is when a guy is fictional. Guys in reality doesn't attract me. Not at all." 

I smirked. Parang napapaso siyang lumayo sa akin na ipinagkibit balikat ko lang. Naglakad na ako paalis at inilagay ang magkabilang kamay sa bulsa. Sinubukan kong magmukhang seryoso kagaya ng paborito kong character sa libro kaya lang ay natatawa talaga ako. Iss, kaasar. Yaan na nga. Di bagay sa akin magmukhang seryoso. Mukha akong tanga.

Escaping Reality (ONE SHOT)Where stories live. Discover now