“Ba’t di mo ako ginising?” Pagtatanong ko sa kanya habang pinapagapang ko ang daliri ko sa pawis niyang dibdib. Napansin ko ang paggalaw ng kanyang adams apple dahil sa ginawa ko. Napakagat ako sa aking labi dahil sa kalokohang ginawa.

“Stop that, Mark.” Nauutal niyang pigil sa akin. Pinahid ko ang pawis sa kanyang leeg gamit ang likod ng aking kamay. Mariin siyang napapikit ngunit agad niya ring inalis ang kamay ko doon.

“Nagugutom na ako. Hindi mo man lang ako pinakain ng dinner kagabi bago mo ako dalhin dito.” Turan ko sa kanya nang makaramdam ng gutom. Sa totoo naman talaga.

“I did.” Nakakagat-labi niyang sagot sa’kin. Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

He did? Eh wala nga akong maalala na kumain ako kagabi. Pinagloloko na naman ba ako ng lalaking ‘to?

“You did? Kailan?” Ako ngayon ay nagtataka nang pagak niya lamang akong pinagtawanan. Tsaka ko lang napagtanto na ang tinutukoy niya pala ay ang naging mainit naming pagniniig kagabi. Bigla akong pinamulahan nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

“Ang bastos mo talaga!” Pinalo ko siya sa dibdib pero pinagtawanan niya lang ako. Kumalas ako sa pagkakahawak niya sa akin at nakahalukipkip na nilisan ang kwartong ‘yon.

Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at tumungo na lang sa dining area nitong bahay upang kumain na ng almusal. Kanina pa kasi nagrereklamo ang tiyan ko at gusto nang kumain.

“We’re eating breakfast outside.” Natigilan ako sa paghakbang pababa ng hagdan nang magsalita siya sa likuran ko. Nagtataka ko siyang nilingon.

“Huh? Eh paano ‘yong niluto mong breakfast? Sayang naman.” Medyo naiilang ako sa paraan ng pagpupunas niya ng pawis sa kanyang katawan. Parang may kung anong kumiliti sa tiyan ko sa tanawing nakikita ko ngayon.

“We’re going somewhere after we eat breakfast. Besides, malamig na ‘yong niluto ko.” Pagdadahilan niya sa’kin habang patuloy pa rin sa ginagawa.

“Pwede naman nating initin na lang.”

“Not buts, Mark. Just get ready.” Pinal niyang sabi bago tumungo sa kanyang kwarto.

Napakamot na lang ako. Kahit kailan talaga ay hindi ako mananalo sa pakikipag-argumento kay Tale. Napabuntong-hininga na lang ako at dumiretso na lang din sa kwarto ko para maghanda.
Napapikit ako ng mata nang dumaloy sa aking katawan ang mainit-init na tubig mula sa shower. Maingat kong hinaplos ang aking katawan gamit ang strawberry bath soap. Binilisan ko lang ang ginawang pagligo upang makaalis na kami agad at makakain na ng almusal. Kanina pa kasi ako nagugutom. Ang dami kasing alam ni Tale eh. Pwede naman kasing dito na lang kumain. May nalalaman pang sa labas kumain. Mga mayayaman nga naman. Pwede naman kasing dito na lang kumain ng almusal eh.

Patapos na ako maligo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto nitong comfort room. Nanlaki ang aking mata nang matanaw si Tale na hubo’t-hubad na naglalakad papalapit sa’kin. Tila nag-uunahan pababa sa kanyang katawan ang tubig na pumapatak galing sa basa niyang buhok.

“Anong ginagawa mo dito, Tale?” Gulat kong tanong sa kanya. Mas lalo pa atang nanlaki ang mata ko nang mapansin ang naninigas niya nang pagkalalaki sa pagitan ng kanyang hita. Tila mas lumaki pa ito kumpara noon. Shocks! Ganyan na ba kalaki ang pinasok niya sa loob ko kagabi?

“You turned me on, Mark and you have to do something about this.” Hindi pa man ako nakakapagsalita nang mabilis niya na akong sinunggaban ng halik. Muntikan pa akong madulas at mabuti na lang ay nagawa kong makahawak sa kanyang batok.

Nang makabawi mula sa pagkagulat ay nagawa ko nang makatugon sa uhaw niyang mga halik sa akin. Mahina akong napaungol nang pumaibaba ang kanyang halik sa aking panga pababa pa sa aking leeg.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Where stories live. Discover now