SIMULA

30.8K 599 44
                                    

Habang palapit ako sa nakaawang na pintuan ng kwarto naming mag-asawa, tila ba mas dumoble ang kabang nararamdaman ko magmula pa nung pumasok ako ng bahay. Ewan ko ba kung bakit bigla na lamang akong kinutuban ng masama, na para bang may hindi magandang mangyayari.

Dahan-dahan akong pumasok at nanlaki agad ang mga mata ko sa eksenang nadatnan ko, my husband is lying with another woman on his side to OUR own bed! He f*cking cheated AGAIN! Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman pero sapat na siguro ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko para ilarawan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dapat sanay na ako sa mga ganitong eksena kase araw-araw niyang pinapamukha sa akin na wala akong ipinagkaiba sa mga babaeng ikinakama niya, na wala akong halaga sa kanya at kailanman hindi niya ako magagawang mahalin at tanggapin bilang asawa niya.

But this time? Kakaiba yung sakit, this pain is just too much and hurts so much! Para bang bigla akong napagod at natauhan, tila ba luminaw kaagad ang paningin at pandinig ko na matagal-tagal ko ding isinara para sa pagmamahal ko para sa kanya.

He didn't even respect me, he didn't respect the promises that we made at the front of the altar years ago. How could he do this to me over and over again? Am I really stupid? Am I too blind and deaf? Love can really destroy a person.

Pakiramdam ko paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa eksenang nadatnan ko ngayon, tila ba unti-unti nitong pinapatay ang buong pagkatao ko at para bang kay hirap ng bumangon sa pagkakadapa ko ngayon. For so many years, nagbingi-bingihan at nagbulag-bulagan ako para sa pagmamahal ko sa kanya but I had enough! This should be stop now, hindi ako ipinanganak para panghabang buhay na magtanga-tangahan para sa lalakeng wala namang paki-alam sa akin.

"I had enough, hindi ko na kaya" who would have thought na darating yung araw na lalabas ang mga katagang ito mula sa sarili kong bibig? Maraming taon din akong nagtiis at nagpaka-martyr, kailangan ko na ding magpahinga. I need to rest from all of this cause I am so f*cking tired of everything.

I didn't even try waking them up dahil binubusog ko pa ang mga mata ko sa napaka-sakit na eksenang nakikita ko ngayon. Noong unang beses na nahuli ko siyang may ka-sex, right after our marriage sobra akong nasaktan noon hanggang sa unti-unti na akong nasasanay, yung tipong iiyak lang ako ng isang oras at pagkatapos nun okay na ulit ang lahat sa akin. Dahil sa kanya, paulit-ulit akong nagpapatawad at nag-iintindi pero hindi ko namalayan na dahil pala sa sobra kong pagmamahal sa kanya, paulit-ulit ko na ding napapatay yung puso ko kaya ngayong nagising ako sa katotohanan, sobrang sakit ng tama sa akin.

Ok lang sana na makipagsex sya sa ibang babae pero hindi ko matanggap na sa mismong kama pa namin sila gumawa ng milagro, hindi man lang sila nahiya, hindi man lang niya ako nirespeto bilang asawa niya. Sana man lang nirespeto niya ako bilang tao pero hindi! Kase sobrang lamig at tigas ng puso niya, masyado na siyang nabubulag ng sakit, galit at lungkot kaya nagbago na yung lalaking minahal ko ng sobra-sobra.

I can't talk right now, it felt like I suddely lost my voice and all I just want to do right now is to run away and leave everything behind, yung tipong wala ng lingon-lingon. I want to get away from him na wala ng ibang ginawa kundi saktan ako at pagmukhain akong tanga at bobo.

I didn't even notice that I am already walking backwards, ni hindi ko man lamang namalayan na nasagi ko na pala ang isa sa malalaking vase na nasa gilid ng pintuan namin, the vase that was given by him, nung akala ko okay na kami.

"P*tang*na ano ba—" from being irritated, his eyes suddenly widened when he saw me at the door of our room looking at them with a very sad eyes. He didn't even had the chance to finish his sentence marahil sa gulat.

I look at him intently asking why did he do this to me again? Bakit sa kama namin? Bakit sa lugar pa na sobrang sagrado para sa aming mag-asawa?

"Sino ba yung ist—" Even the girl on his side didn't get the chance to finish talking dahil bigla niya sigurong narealize ang mga nangyayari ngayon pero hindi yun ang tuluyang nakapagpahina sa akin kundi ang pagkatao ng babaeng ikinama ng asawa ko sa mismong kama namin.

MY EX-HUSBAND { kathniel } RevisingWhere stories live. Discover now