"Nakakapanibago ka, ano?" it was Bianca.

"Ano na naman?" taas-kilay kong tanong.

Kasalukuyan kaming magkakaibigan na narito sa 90's Best. Today's Monday. Kanina ko pa tahimik na pinapanood si Chano dahil mukha siyang seryoso habang nagtatrabaho. Hindi ko alam ang problem na naman niya. We talked yesterday. Iyon lang ang pag-uusap namin matapos kong maka-uwi.

"Wala lang. Nagpapaka-mommy ka na at asawa, e," Bianca said with a smirk. Kaagad na tumaas ang kilay ko dahil doon.

"No, I'm not," usal ko.

"Sinong niloloko mo?" nangingiting tanong ni Ericka.

"Binilisan niya ng balik mula sa trip nila kasi nag-aalala sa mga bata," bulong naman ni Gab. Lantaran ko na silang inirapan dahil doon.

"Yuck! Ano bang sinasabi n'yo—"

"Sus!" ani Jonah at bigla akong sinubuan ng napakalaking tinapay sa bibig. Mabilis ko siyang kinurot dahil doon. "Aray!"

"Gago ka!" sigaw ko sa mukha niya nang makahinga ako. Akma ko siyang babatukan nang may humawak sa braso ko para pigilan ako.

Kaagad akong sumimangot nang makita kong si Reego iyon, kasama ang ka-banda niya.

"Bakit naman kayo narito?" tanong ko. Nagtinginan ang magkakabanda, nilingon ko naman si Chano na nakatingin sa akin. Nang makita niya na nakatingin din ako sa kaniya ay kaagad siyang mabilis na iwas at nagpaka-abala sa trabaho.

"Ang gagong lito," rinig kong pagkausap ni Reegs sa kaniyang sarili. Kay Chano rin pala nakatingin.

"Sino?" usisa ko. He smirked at me.

"Wala. Chismosa—"

"Liah!" biglang tawag sa akin ni Rando.

"Bakit sinisigawan mo ako? Magkatapatan lang tayo Caraig!" pag-irap ko. Muli kong nilingon si Chano. Nakita kong abala siya sa pakikipag-usap kay... Zoey ngayon.

"May gig kami sa huwebes. Payag ka?" he then raise his eyebrows. Nilingon ko si Reego, he shrugged.

"Saan? Bakit?" tanong ko. 

"Restobar sa may Valdemor," tinapik ako ni Rando sa balikat kaya tumango-tango ako. Nanatili sa balikat ko ang kamay niya. Nakita kong tumaas anh kilay ni Reego dahil doon. "Ano, g? Second gig na namin 'to. Si Chano lang naglasing last time, e. Ikaw na pumili ng kakantahin mo."

"Anong order n'yo, mga pare?"

Natigil ang aming usapan nang biglang dumating si Chano. Hinayaan ko siyang gawin ang kaniyang trabaho bago ko hinarap si Rando. "Bukas kaagad?"

"Oo. Kung free ka lang naman," tumango si Rando. Inalis niya ang kamay niya sa aking balikat.

"Ang order nami'y—"

"Ah, doon pala ako sa kabilang table," putol ni Chano kay Mavie. Para siyang tanga na lumipat sa kabilang table. What the heck?

"Anong problema no'n?" nagtatakang tanong ni Drake.

"Umalis na kasi nakitang inalis na yung kamay," si Reego ang sumagot. Lahat kami'y clueless siyang nilingon.

"Ha?"

"Wala," tumatawang sabi ni Reegs. Humalukipkip pa ito. "May mga bagay na kaming anim lang magkakaunawaan," he then winked. Bigla siyang tumayo.

"Hoy, anong kanta ba?" usisa ko kay Rando.

"Whatever you feel or say," Reego. Sinenyasan niya ang mga kabanda niya na aalis na sila. "By seven dapat ay naroon na."

Tumango ako sa sinabi ni Reegs. Nilingon ko si Chano. "Isama ko si Chano," sagot ko naman kay Reego.

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now