Sabay-sabay kaming umiling. We promised to each other na hindi kami uuwi sa province hangga't wala pa kaming mga job titles.

"Sila mama pupunta dito next week." sagot ko.

"Same." sabay na wika ni El at Von.

"Nasa hotel na sina mommy." -Steff.

"Baka next week din sina mama." saad naman ni Rachel na kakalabas lang galing sa banyo.

Nagkatinginan kaming lima. Inilibot ko ang paningin ko sa flat namin. Makalat ang mga gamit pero malinis.

"Oplan: General Cleaning." seryosong wika ko sa kanila.

Ganoon nga ang ginawa namin. We cleaned
every corner of the house. Disposed what needed to be disposed. After 4 hours of cleaning nagpahinga kami.

I checked my mail and read the context of the email from the university. Full scholarship daw and after ng board exam we can apply at the UN.

"Sam, samahan mo ako sa grocery. Ikaw din El." ma-awtoridad na wika ni Rachel.

"Ha? May gagaw--aray! Oo na eto na." hindi naituloy ni Sam ang reklamo niya dahil hinila ni Rachel ang kaniyang tainga.

Nilista ko ang ingredients ng graham at carbonara para next week. We've decided to held a small party here for us and our family. 

Bumalik ako sa aking kwarto upang kunin yung mga madumi konh damit. Pinalabas ko na rin yung mga damit nitong mga kasama ko para maisabay na namin. 

"Ako mag-sasabon." wika ko kina- Von.

"Ako sa unang banlaw. Si Zy sa ikalawa. At ikaw
Von, magdryer at magsampay."turo ni Steff.

Nagsimula kaming maglaba sa labas kahit na sobrang lamig. Mabilis lang namin natapos ang paglalaba at dahil sa dami nito parang ukay-ukay ang eksena sa rooftop kung saan kami nagsampay.

Alas dose na nang makabalik ang tatlo galing sa grocery. Nagulat ako nang pumasok si Kyro habang may dalang mga pagkaing binili sa fast food.

"Ano yan ha?" tanong ko dito.

"Para sa inyong lahat hehe. Ipagpapaalam ko sana si Ellaine."nakangiting tugon niya.

"Aba naman. Haba ng buhok ha." pang-aasar namin kay El.

Sinenyasan kong maupo muna si Kyro sa sofa habang inaayos namin ang pagkain. Hanep mahal tong mga to ah.

Si El naman ay pumumta sa kwarto niya upang mag-ayos ng sarili. Hindi pa kasi naliligo yon mula kahapon.

"Ang effort mo naman masiyado magpa-alam. Ang mahal ng mga ito." wika ni Steff.

Galing kasi sa isang sikat na 5-star hotel dito sa baguio itong mga binili niya. Swerte din nitong si El.

"Ah iyan ba? Libre lang yan. Sa amin naman yung resto."

"Ha?!" sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya
Napakamot nalang siya sa batok niya habang nakangiti. Inaya na lang namin siyang sabayan kaming kumain habang hinihintay si El.

"So saan ka magta-take ng LLB mo?" tanong ni Zy sa kaniya.

"Diyan sa SMU pa rin." sagot niya.

"Loyal mo naman, tol. Parang kami." biro ni Von.
Uminom siya ng tubig bago sumagot. Pinapanood lang namin itong big time na manlikigaw ni El.

"Eh lolo ko yung university president  hehe. Nakakahiya namang lumipat."

Our jaw dropped when we heard his response. Tumayo ako at kumuha ng pamaypay at pabirong pinaypayan siya.

"Ah gusto niyo po bang linisan ko ang mga kuko niyo?" tanong ni Von.

Natawa nalang kami bago magpatuloy sa pagkain. Hindi ko ka-close itong si Kyro dahil hindi naman ako masiyadong maingay sa school. At siya ay iilan lang din ang mga kaibigan.

"Ano bang nagustuhan mo diyan kay El?" tanong ni Rachel sa kaniya.

Ngumiti siya habang hinihiwa ang steak niya. Malakas nga tama nito.

"She's cute, pretty and bubbly. I always stare at her whenever she's around. She's so different from other girls. Kung si Dia, sobrang fierce,calm at ang classy magdala. Ikaw Rachel, maporma at medyo bubbly. Steffi, you are talkative." tumigil siya sa pagsasalita saglit.

"She, Ellaine. Parang pinagsama-samang kayo. She can be serious and bubbly at the same time. She dress classy but can be super porma also. But her smiles and eyes melted my heart. Fck! Nakakabading." patuloy niya at tumawa.

Hindi kami nakapagsalita ng ilang minuto hanggang sa dumating na si El. Hinatid namin sila sa labas kung nasaan ang sasakyan ni Kyro.
Pianuna niyang pinasakay si El bago humarap sa amin. He thanked us for letting him date El.

"Pre, ingatan mo yan. Babangasan ko mukha mo kahit big time ka kapag yan sinaktan mo." banta sa kaniya ni Sam.

"I won't. I promise." aniya bago sumakay.
I can see his sincerity in every word he just said a while ago. He's lucky if El will really date him.

A wish: 11:11Where stories live. Discover now