Mamang Payaso

23 1 0
                                    

"Hahahahahahahha!"


"Bwahahaha!"


"Hehehehe!"


Iyan ang palaging maririnig sa baryo ng Sagip sa tuwing mayroong batang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Tawanan rito, hagiggikan doon. Kaya naman hindi maiiwasan ang mapatingin o mapasilip sa handaan sa may tabi ng kalsada. Babanat pa ng isang mahika ang Payaso na siyang dahilan kung bakit mamamangha ang sino 'mang dumungaw rito. 


"Wow!" bungad ni Aya ng mapadpad sa isang may kaarawan. 


Agad nagliwanag ang mga mata niya at sabay na napatawa sa nakakatawang aksyon ng Mamang Payaso. Ngunit napawi ang saya niya ng magumpisang kumain ang mga nasa handaan, pinaalis kasi ang mga 'di imbitado at isa siya roon. 


Bukod sa kahit manghingi siya ay hindi siya bibigyan, sa amoy pa lang niya lahat ay lumalayo na para ba siya'y may nakakahawang sakit. Bagsak ang balikat na umalis si Aya roon. Habang naglalakad naalala niya ang pagpapatawa ni Mamang Payaso na dahilan kung bakit siya ay muling napangite. 


"Mahusay, magaling." manghang bulong ni Aya sa sarili. Sa buhay na mayroon si Aya ang pagsaya ay tila isang handa sa kaniya na minsan lamang matikman. Mas uunahin niya kasi ang paghahanp ng bote o pako 'man lang upang may ipangbili ng pagkain para sa sarili. 


"Mapalad na Mamang Payaso, laging masaya ang kaniyang buhay. Laging nakangite. Nais ko ring maramdan na laging masaya." Malungkot na bulalas niya ulit sa sarili.



Ilang araw ang lumipas muli niyang nakita si Mamang Payaso. Nagalak ang puso ni Aya, mabilis ang pagtibok ng kaniyang puso sa saya ng matanaw ang makulay na mukha ni Mamang Payaso. Ngiteng pulang-pula na umaabot sa mga tenga at puting-puti na mukha at malalaking masasayang mata. Iyon lagi ang nasa isip ni Aya sa mga nagdaang mga araw dahil na rin sa sabik siyang maging masaya. Sabik na makalimutan ang araw-araw niyang problema, pagkain at makakain. Patalon-talon siya ng lumapit doon. 


"Sinong nais ditong pumunta rito sa harap?" tinignan ni Aya ang paligid ng wala agad nag taas ng kamay sa tanong ni Mamang Payaso. "Ako po, Mamang Payaso!" magiliw na presenta ni Aya. Ngunit kaniya ring binaba agad ang kamay ng magtawanan ang mga tao na tila ba siya ang payaso. 


Nasaktan siya, ngunit masaya nang tawagin siya ni Mamang Payaso, lalapit na dapat si Aya nang pigilan ang payaso ng magulang ng may kaarawan. "Nako! Hindi 'yan imbitado." "Alis dito, madikitan mo pa ang mga bata," pagpapaalis nito sa kaniya. 


Alam ni Aya na lahat ng taga-baryo ay papaalisin o lalayuan siya tuwing nais niyang lumapit upang humingi kahit 'man lang ng tubig na maiinom.



Tumutulo ang luha, nasa gilid nakayuko, hawak sa kanang kamay ang sako ng kaniyang kalakal. 


Binubulong ni Aya sa sarili, "Nais ko lang sumaya tulad ng ibang bata. Nais kong maramdaman ang matuwa at humalakhak tulad ng ibang bata. Nais kong makipaglaro sa kanila. Nais ko ring maramdaman ang nararamdaman ng mapapalad na bata." 

Mamang Payasoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن