▶︎[ 05 ] ♡

741 59 120
                                    


Felix Augustine's POV

August 08, 2021

“Hoy, 'wag kang iiyak! Parang tanga 'to.”

Walang hiya talaga 'tong si East. Palibhasa sinagot na siya ni Keira. Comfort nang comfort sa'kin, pero tumatawa naman. Siraulo talaga.

“Kapag umiyak ka, hindi ka talaga sasagutin ni Sera. Hahaha!” tawa niya pa.

Naluluha lang mata ko, pero hindi naman ako iiyak. Kinakabahan lang, kaya siguro ganito.

“Wag mo na kasing takutin, Theo. Mas lalong kinakabahan si Augustine.” wika ni Yuri at muling nag-cellphone.

Nasa labas talaga kami ng bahay nina Sera. Manliligaw ako sa harap niya at ng buong pamilya niya. Kakatapos lang kasi ng quarantine ng kuya niya galing abroad, kaya manliligaw ulit ako. Pero sana, this time sagutin na niya ako.

Three months and a week na rin simula noong pinayagan niya akong ligawan siya. Minsan ay pinanghihinaan ako ng loob dahil sa pananakot ni Theo na hindi ako sasagutin ni Sera. At sa pag-oobserve ko rin, ay mukhang wala namang sign na sasagutin niya ako.

Yung pag-uusap namin ay para lang kaming magkaibigan. O minsan nga ay para kaming magkapatid. Kung hindi lang sa mga flirty remarks ko ay hindi ko talaga masasabing manliligaw niya ako.

I became her human diary. Araw-araw meron siyang entry. Sa halos tatlong buwan na panliligaw ko, puro siya rants sa buhay, lagi siyang stress at lagi lang din akong nasa tabi niya. Kahit sa totoo lang ay pareho naman kaming nahihirapan sa mga problema namin sa buhay. I just don't feel like to share mine because I can handle it alone anyway. Ang makausap ko lang siya at malaman na okay lang siya ay nakakapag-pagaan naman na ng loob ko.

As long as I make her smile and laugh, then I'll be okay too. Pero hindi rin talaga maiiwasan na mapagod at sumuko. Ilang beses ko ring nararamdaman yun at para bang ayoko na lang ituloy ang panliligaw sa kanya. Nandoon nga ang challenges para sa isang manliligaw. Ako mismo ay naranasan lahat 'yon.

But at the end, I'm still here, courting her and hoping that we'll be finally in a relationship.

Kung talagang mahal mo yung tao, hindi mo siya basta-basta susukuan.

Sa tuwing pinanghihinaan ako, binabalikan ko lang yung araw na pinayagan niya akong ligawan siya. How both our tears fell because of the genuine joy we're feeling.

Sa totoo lang ay tutol pareho ang mga magulang namin ni Sera tungkol sa relationship, kasi nga para sa kanila ay bata pa naman kami. At kahit sabihing eighteen na kami pareho, masyado pa rin daw kaming bata para pumasok sa relasyon.

We're both aware of it. Mahal ko naman talaga si Sera, at wala naman sigurong pinipiling edad ang magmahal 'di ba?

“Pre, you're spacing out!”

Muntikan na akong mahulog sa kinauupuan ng dahil sa pagsigaw ni East.

“East naman!” sigaw ko.

Tumawa lang ang hinayupak.

“Kailan pa ba tayo magsisimula? Nagugutom na 'ko.” iritableng ani ni Yuri.

#3 | Admin, Not FunnyWhere stories live. Discover now