▶︎[ 01 ] ♡

907 57 181
                                    


Felix Augustine's POV

Cold and short replies, seen, message react and like zoned. — ganoon lang ang response ni Sera sa akin mula noong nakikipag-usap na ako sa kanya gamit ang personal account ko. I bear with it for a month.

She's really that serious. Mahirap paamuhin, mahirap biruin, mahirap palambutin. Hindi ko alam kung ganyan lang talaga pinapakita niya para i-test ako o natural lang talaga sa kanya. May mga oras na nawawalan ako ng gana, napapagod sa pagme-message dahil nga sa uri ng responses niya. Syempre, first time kong makakilala ng tulad niya. Hindi ako sanay na hindi ko ka-vibes o hindi nakakasabay sa mga trip at ugali kong dini-describe nila na too extroverted, maingay, o loko-loko. Anyway, 'di ko matanggap yung last word. May pagkakatulad naman ang ugali nila ni Yuri pero si Yuri kasi may soft spot at nakikisakay naman. Si Sera... consistent sa pagiging nonchalant. Sa kabila no'n, pinili ko pa rin ang manatili at hindi bumitaw sa pakikipag-usap sa kanya. I don't know, it's just... I still enjoy it all though. Hindi rin naman ako yung uri na, porket cold siya sa'kin, magiging cold na rin ako sa kanya.

Everyday, I always greet her a "good morning" message syempre may kasunod yun na mga nakaw lang na science and math related banats at mga lyrics ng kanta. Kapag tanghali, binabati ko pa rin siya hanggang mapa-gabi o hanggang sa pagtulog. At lagi ko rin siyang kinukumusta. Nakasanayan ko na rin masyado, ganoon lang naman talaga ako sa mga tinuturing kong special sa'kin.

March 22, 2021. Nagising ako sa paulit-ulit na ingay ng cellphone ko at nang damputin ko ito, ay puno na ng missed calls galing sa isang unknown number. Ilang segundo akong nakatitig doon hanggang sa mabulabog akong muli nang tumawag na naman ang unknown number. Sinagot ko ito dahil curious din ako kung sino, at nabigla ako sa narinig.

“Good morning, Augustine!”

Boses babae, malambot at malumanay ang boses. Ang cute!

Hindi ako sumagot dahil iniisip ko kung sino ang babaeng tumawag. Sa buong buhay ko, wala pa akong naririnig na boses ng tulad sa kaniya. Wala namang ibang nakakaalam ng number ko kundi ang mga relatives at mha kaibigan ko. Kaya... sino naman 'to?

“Augustine? Is this you? Right?”

Mas lumalim ang pag-iisip ko sa kung sino ang tumawag. Ang sarap pa naman sa pandinig ng pagkakabigkas niya sa pangalan ko! Jusko, Sera ko forgive me!

“This is Felix Augustine Oineza. Care to introduce yourself?” sagot ko.

Grabe, first time ko atang sumagot ng seryoso sa tawag at English pa! Feel ko lang na foreigner ‘to base na rin sa uri ng bigkas niya. Kaya use English na dahil iyon naman ang World's language!

“This is Cessly Seraphie Acosta!”

At dahil oa ako, nabitawan ko ang cellphone. Umilag pa ako rito at tinitigang maigi ang unknown number sa screen na nagpakilalang, siya si Sera ko!

Is this true? Lord, pinakinggan niyo na po ba ang dasal ko?

“Augustine? Feli? I mean, Felix? Hello?”

Dinampot kong muli ang cellphone at excited na lumabas ng veranda.

Ay, wala pala kaming veranda. Yung bintana... binuksan ko.

“Yes, behbeh ko! I'm here!”

Taena, auto switch on ang kilig ko!

“Uhm, hello! Sorry, naistorbo ba kita?”

Ang sarap naman sumigaw...

Mga kapitbahay! May sunog!

#3 | Admin, Not FunnyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon