01

7 2 0
                                    

KAT's POV

Junior High School

"Hoy Kat crush mo oh" -sabi sakin ni Lex tas hinampas pa yung likod ko parang ewan ansakit sakit eh.

Pero oo nga tama sya andyan na crush ko. Si Christopher Chan. Nakakapang selos nga lang kase andaming nag papapicture sa kanya. Famous kase sya na Junior High School vlogger eh. Pero iniisip ko narin na swerte ako kase classmate ko sya. Kahit di nya ako pinapansin.

"Hi Chris"- bati ko sa kanya nung malapit na sya sa kinauupuan namin nila Alexia, Natalia, Julia at Steven.

"Hello"- tipid na bati nya sakin saka pumasok na sa room namin kasama mga kaibigan nya. Angwapo nya nakakainis.

"Example of nabasted HAHAHA kababaeng tao tas di napapansin ng crush"-Steven. Parang baliw eh tinatawanan nila ako lagi kapag di ako masyadong napapansin ni Chris.

"Parang hindi ko kayo kaibigan lagi nyo nalang ako ginaganyan, hindi ko kayo ililibre mamaya"- Sabi ko tapos agad naman tumabi sakin si Lex.

"Ikaw naman di mabiro angganda ganda mo. Alam mo one day mapapansin ka rin ni Chris not now but never"- Sabi nya tapos sabay sabay sila nag tawanan.

Tumigil rin sila sa pagtawa nung dumating na Professor namin. Kung di pa dadating di sila titigil mga loko loko talaga.

Senior High School

"Grabe kaklase ko parin sya ng senior high school" sobrang saya ko nung nalaman ko na kasama parin sya sa section namin. At hindi lang yun pati mga kaibigan ko rin kasama ko parin.

Iba rin talaga yung saya pag yung mga kaibigan mo lagi mong kasama sa iisang section lang lalo pa't kasama rin yung crush ko.

"Eh samin di ka natutuwa?"- Tanong ni Tal habang naka kunot ang noo.

"Syempre natutuwa rin noh. May kaklase nanaman akong Julia Choi na matalino, Alexia Yoo na Buraot, Steven Guevara na siraulo at syempre Natalia Lim na tahimik pa sa patay"- sabi ko sa kanila habang sila di tanggap mga sinabi ko HAHAHAHA.

"Alam mo masaya parin naman kami eh syempre may kaklase ulit kami na Isabella Katrina Tanaka na-"-(Steven)di ko sya pinatapos sa sasabihin nya.

"Sige ano!?"- tinaasan ko sya ng kilay

"Na maganda hahaha"-Sabi nya habang ginugulo yung buhok ko.

Andito kami ngayon sa canteen habang iniintay yung pagkain. Tsaka hinihintay ko rin si Chris.  Maya maya lang dumating na sya kasama parin mga kaibigan nya.

"Hello Kat"- Bati nya sakin sabay kindat. Para akong hihimatayin sa kilig paki saksak nalang ako kung totoo ba. Charot.

"Ah- he-hello Chris" nauutal kong bati sa kanya. Umupo sya sa kabilang table sa right side ng table namin.

Alam kong kayo rin napapansin nyo pag may naka tingin sa inyo. Oo! Shet nakatingin sya sakin hindi ko alam kung kanina pa pero pag tumitingin ako sa kanya nginingitian nya ako. Kinikilig nanaman ako ng wala sa oras.

First Year College

Hindi na kami magkaklase ni Chris kase sa ibang school na pala sya nag college akala ko kahit college magkakasama parin kami.

"Oh para kang binagsakan ng langit at lupa Isabella Katrina"- Lex

"Wala si Chris"-Tal

"Kaya HAHAHA oh magbasa ka nalang ng encyclopedia para makalimutan mo sya"-Lia

"Para namang napaka laking problema nun sayo. Halika maglakad lakad tayo bago mag last subject"-Steve

Every pagtapos kase ng isang subject may 20 minutes break time kami kaya sumama ako sa kanila maglakad lakad. May nakita akong pamilyar na lalake sa may waiting area ng univ nilapitan namin sya para mas makilala. AT SHET! BAKIT NANDITO SI CHRIS.

BY YOUR SIDE [BISEXUAL]Where stories live. Discover now