Chapter 11: Accident

Start from the beginning
                                    

"May emergency patient ba ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakauwi?" Mahinang tanong ko sa sarili at naupo sa may sofa. Inilabas ko ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Veron. Nagdadalawang-isip pa ako kung tatawagan  ko ba ito o hindi pero sa huli, mabilis kong pinindot ang call button at inilagay sa tenga ang telepono ko.

Hindi sinagot ni Veron ang unang tawag ko sa kanya. Napakunot ang noo ko at muling tinawagan ito. Umayos ako nang pagkakaupo at mayamaya lang ay sinagot na rin ni Veron ang tawag ko.

"Hello?" Natigilan ako sa kinauupuan noong marining ang boses ni Veron. Nanliit ang mga mata ko noong makarinig ako ng malalakas at iba't-ibang ingay sa background nito.

Where is he? Wala na ito sa ospital?

"Veron, si Amari ito," wika ko at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

"Oh, hi, babe! Sorry, maingay ngayon dito!" aniya na siyang ikinagat ko ng pang-ibabang labi. Wala nga ito sa ospital ngayon! Looks like nasa isang bar ito. "Uuwi kasi si Douglas sa Philippines sa makalawa kaya nagyayang lumabas muna kaming dalawa!"

"I see," simpleng sambit ko at napabuntong-hininga na lamang. "Kapag tapos na kayo riyan, umuwi ka na. Huwag kang maglasing masyado. Drive safely."

"I will," wika nito sa kabilang linya at nagpaalam na ako sa kanya. Maingat kong inalis sa tenga ang cellphone ko at inilapag ito sa ibabaw ng mesa.

Siguro'y tama lang na sumama muna ito sa kaibigan niya ngayon. Para naman mabawasan ang mga problema nito. Ilang linggo ko na rin kasi itong hindi kinakausap nang maayos. Kahit bago kami matulog ay halos hindi kami nagkikibuan. Nagiging normal lang kaming dalawa kapag kasama namin si Ayah.

Veron tried to spoke to me but I just immediately cut him off. Hindi ko rin kasi magawang makausap ito nang maayos. Tuwing napag-uusapan namin ang mga ginawa nito sa akin, ang pagsisinungaling nito sa akin ay nababalot ako ng galit sa kanya at ayaw kong magkasagutan na naman kami dahil dito. Ayah is here with us. Alam kong maririnig nito ang mga boses namin at ayaw kong mag-alala na naman ang bata sa amin. Hindi kasi talaga maiiwasang hindi kami magkasagutan lalo na kung nauumpisahan namin ang usapan tungkol sa nakaraan ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo. Maingat akong naglakad patungo sa silid namin ni Veron at napagdesisyunan nang magpahinga. Gustuhin ko mang hintayin ang pag-uwi ni Veron ay hindi ko na lang iyon ginawa. Hindi ko rin naman ito kakausapin kaya mas mabuting magpahinga na lamang ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Naalimpungtan na lamang ako noong marinig ang tunog ng cellphone ko na nasa ibabaw ng bedside table namin. Kinusot ko ang mga mata at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Veron?" tanong ko sarili at natigilan noong makitang ala-una na pala ng madaling araw. Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at sinagot ang tawag nito sa akin. "Hello, Veron..."

"Amari! Thank God you answered!" Napakunot ang noo ko sa boses na narinig mula sa kabilang linya.

"Sasa?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. "What's happening? Bakit nasa sa'yo ang cellphone ni Veron?"

"It's an emergency, Amari. Pumunta ka na dito sa ospital!" Natatarantang utos nito sa akin. Bigla akong kinabahan sa tono ng boses ni Sasa kaya naman ay wala sa sarili akong umalis sa kama. Nagsimula na akong maglakad patungo sa closet ko at kumuha ng jacket doon.

"Tell me what happened? Nasaan si Veron? Si Douglas? Magkasama sila kanina, Sasa!"

"I know. One of Douglas friend called us earlier. At ngayon ay nasa ospital na kami ni Xavi. Amari, naaksidente ang dalawa. You need to come here quick!"

Napako ako sa kinatatayuan at hindi nakapagsalita. Tila binuhusan ako ng isang malamig na tubig at ngayon ay ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng buong katawan ko.

No way!

"Amari! You still there? Amari?"

Napakurap-kurap ako at mabilis na tinampal ang kanang pisngi ko. Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Sasa sa pangalan ko kaya naman ay napakagat ako ng pang-ibabang labi ko.

"Pupunta na ako riyan, Sasa. Uhm, I'll just check Ayah at tatawagan ko na rin iyong nagbabantay sa kanya noon. Hindi maaring mag-isa lang ang bata dito sa unit!" Natatarantang wika ko at lumabas na sa silid namin. Mabilis akong nagtungo sa silid ni Ayah at noong makitang mapayapa itong natutulog, napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga.

"I'll send Xavi, Amari. Siya na ang susundo sa'yo. Tawagan mo na iyong magbabantay kay Ayah para naman pagdating ni Xavi riyan ay aalis na agad kayo. You need to be here as soon as possible, Amari."

"I will, Sasa." Napapikit ako at nagpasalamat na sa kaibigan. Ibinaba ko ang cellphone ko at tinawagan ang dating nagbabantay kay Ayah tuwing na-co-confine ako sa ospital noon. Mabuti na lang ay malapit lang ito dito sa unit namin at agad na pumayag sa nais ko. Minuto lang ay nasa unit na namin ito at hindi ko pa nabibilin sa kanya ang dapat gawin ay dumating na si Xavi.

"Pumasok ka muna," wika ko sa lalaki at muling kinausap iyong magbabantay sa anak.

"Ako na ang bahala dito, Amari. Huwag ka nang mag-alala sa anak mo."

"Maraming salamat, Ate Olivia. Uuwi rin ako agad kapag nakita ko na ang sitwasyon ni Veron sa ospital." Nagmamadali kong dinampot ang bag kong inihanda kanina at binalingan na si Xavi. Tinanguhan ko ito at muling binalingan si Ate Olivia. "Kayo na po ang bahala kay Ayah. Aalis na kami."

"Mag-iingat kayo sa biyahe, Amari," muling paalala nito sa akin at tuluyan na akong lumabas sa unit namin.

Tahimik kaming dalawa ni Xavi hanggang sa makasakay na kami sa kotse nito.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko kaya naman ay tiyak kong napansin ito ni Xavi. Mayamaya lang ay may inabot ito sa akin na siyang ikinatigil ko. It's a scarf!

"Malamig sa labas. Wear that," aniya habang nasa daan pa rin ang buong atensiyon. "Kay Sasa iyan. Siya mismo ang nagbigay niyan sa akin kanina. Looks like alam nitong magmamadali ka sa pag-alis sa unit niyo at hindi mo na bibigyang pansin pa ang sarili mo."

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at napayuko na lamang.

"Hindi maganda ang kondisyon ni Veron at Douglas," malamig na turan ni Xavi na siyang ikinadurog nang pag-asang naramdam ko kanina. "Just prepare yourself, Amari. This will be a tough night for you."

Tahimik akong tumango kay Xavi at tumingin na lamang sa labas ng sasakyan.

Veron, please, you can't do this to me! Hindi mo puwedeng gawin ito sa akin at sa anak mo!

Napabuntong-hininga na lamang ako at ikinalma ang sarili. Panay ang pisil ko sa mga kamay ko habang nasa biyahe pa kami at noong matanaw ko na ang ospital na pinagtratrabahuan ni Veron ay mabilis akong napaayos nang pagkakaupo. Agad na ipinarada ni Xavi ang sasakyan nito at noong tuluyang nakahinto na ito, hindi na ako nag-abala pang lingunin ang kasama. Agad kong inalis ang seatbelt sa katawan at dali-daling bumaba sa sasakyan nito.

Agad akong pumasok sa main entrance ng ospital at nagtungo sa may emergency room.

Si Sasa agad ang namataan ko sa entrance ng ER kaya naman ay malalaking hakbang ang ginawa ko para makalapit agad ako dito. At noong mapansin ako ni Sasa, mabilis itong umayos sa pagkakatayo at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"How's Veron? Si Douglas? Kumusta ang kalagayan nilang dalawa, Sasa?" Natatarantang tanong ko sa kaibigan at pilit na sinisilip ang loob ng emergency room. Ramdam ko ang panginginig ni Sasa kaya naman ay natigilan ako. "Sasa... tell me. Kumusta ang kalagayan ng dalawa?"

Dahan-dahang kumalas sa pagkayakap sa akin si Sasa at malungkot na tiningnan ako. Kita ko ang namumulang mga mata nito at mabilis nag-iwas sa akin ng tingin.

"Sasa..."

"Nasa operating room ngayon ang pinsan ko. Head surgery. Napasama ang tama ng ulo nito kaya naman ay isinugod ito agad sa operating room," anito at humugot ng isang malalim na hininga.

"And Veron? Kumusta ang asawa ko? Kumusta ang kalagayan nito?" Halos walang tinig na tanong ko dito.

"He... he was pronounced dead a couple of minutes ago, Amari. I'm sorry."

IAH2: Remembering The First BeatWhere stories live. Discover now