Chapter 18 - Meet your Fiancee

643 14 15
                                    

Pat.. your friend will come?

Kanina ko pa sya tinatawagan di sya sumasagot. Teka bakit ka ba tanong ng tanong? Pinapahamak mo na nga yung tao tapos ngayon umaasa ka pang dadalo yun? baka nagbago na ang desisyon nya.

Wala lang..baka kasi magbabago na  sya ng desisyon. Na baka papayag na syang magpanggap na asawa ko para di na ako mapilitang makasal sa kung sinu sinong babae. Never in his mind na mag settledown at the age of 18 mahinang sambit nya sa sarili di naman maririnig ni Pat sa lakas ng sounds.

Of what insan??

Never mind! ~ Alec

Teka lang may sinabi ka eh.. may napagkasunduan ba kayo ng di ko nalalaman?

Lec, balik ka na dito.. tawag sa kanya ni Ryan, tinanguan lang nya ito.

Wala! tinatawag na ako ng barkada ko.

HMmmm.. kakaloka tong dalawa ah! parang nahuli na ako sa kaganapan! Kahapon lang ako nag absent parang.. matawagan nga si Jai.

Jyra.. salamat naman at sinagot mo. Ano papunta ka na dito?

Pasensya na Pat di na ako makakapunta.

Bakit? dahil ba andito si Alec? tayo naman ang magkasama eh!

Pasensya na talaga.. gustuhin ko man pero hindi pwede may sakit ang ate ko. Papa ko naman nasa ospital inatake.

Anoo? ganun ba? okay lang yun sigurado namang magkikita pa rin tayo sa bakasyon diba?

OO naman.. Cge enjoy ka nalang dyan idaan ko nalang bukas ang christmas gift ko sayo sa school. 

Wow I do have a gift?? yay!  Thank you!! sige kita nalang tayo bukas.. bye!

Tinitingnan tingnan pa rin ni Alec ang pinsan nya. Baka si Jyra na kausap niya sa phone? 

Lec, sino bang tinitingnan mo? kanina ka pa wala sa sarili ah. Ah kaya pala!

Bakit Rye? Anong kaya pala?

ex mo andito kasama si Vincent..

Hindi nya nakita yun ah.. parang kakarating lang nila! 

Alam mo ba lec? may narinig akong balita na buntis daw yang si Kathy? pero di si Vincent ang ama.

Saan mo naman yan nasagap?

Eh saan pa kay Joemar yung kateam ko sa soccer... sa kanya ko rin nalaman na sya ang ama pero ang alam ko nagdrop na sya sa school natin ang sabi nya kasalanan daw nya.

Kathy..kung di mo ako pinagpalit sa iba malamang....... sa isip isip nya.

Di ka pa rin maka move on sa Kathy mo? Hey andito naman ako I make sure hindi kita ipagpalit sa iba saad Diane sa kanya.

To the hell I care! matagal na kaming hiwalay sabay tungga ng beer.

Mabuti naman kung ganun Babe.. napangisi si Diane sa narinig I'll make sure akin ka lang Alec.

Saglit lang Rye.. CR lang ako paalam nya sa kaibigan.

Palabas na sana sya sa may pintuan ng marinig nya ang pag uusap ng dalawang lalaki sa labas.

O Vince bakit ibang babae na kasama mo ngayon? Asaan ba si Jyra? 

ikaw naman kung makababae ka pare parang di mo naman kilala si Kathy! Wala! inatake sa puso ang papa nya kaya di ko sya kasama.

Ah ganun ba.. regards nalang ako sa sweetie mo! tukoy nito sa kasintahan nyang si Kathy.

Sure!! pero wag kang maingay kay Jyra  na nakita mo ko. Nasabi ko na kasing tulog na ako eh wala magawa nag ayang lumabas si Kathy. May gusto daw kakainin dito. Alam mo na!

Mr. Mayabang VS. Ms. Palaban (JALEC FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon