Maging ang samahan namin nila Papa at Mama ay hindi pa rin ganon na maayos. Palagi pa rin akong ilag at iwas sa kanila kahit na nararamdaman at may nagsasabi na sa loob loob ko na kausapin ko silang dalawa. Pero ewan ko ba kung bakit ang tigas tigas ng dibdib ko!

"Ano nanaman yang iniisip mo?" Dinig ko na tanong ni Kuya Harvey sakin ng makita niya akong nakatingin sa malayo. He walk towards on me and silently standing beside in front of the railings roon ay sunod niyang ipinatong ang kanyang mga kamay. While looking at me with his face curious. Nandito kasi kami ngayon sa terrace at hindi pa ako ganon na dinadalaw ng antok. "Late ka na umuwi ah?"

Tumingin ako sa kanya matapos ko magpakawala ng isang buntong hininga. "Chandria and the others invited me to had a party." Tumawa ako ng bigla kong maalala ang mga pinag gagawa namin kanina bago inalis sa kanya ang paningin ko at ilipat 'yon sa maganda, maliwanag, at bilog na buwan. "Pero alam mo yon, I thought we will ended it with a happy moments. Pero nagkamali ako dahil lahat sila," Tumingin ulit ako kay Kuya Harvey at pagkatapos ay bahagya ko siyang nginitian. "mukhang na broken."


Umiling siya at hindi nagtagal ay tumawa rin. Nakita ko pa ng bahagya niyang iangat ang kilay niya. Hindi makapaniwala. "Really huh?"


Pinili ko na ibahin nalang din kaagad ang usapan dahil ayokong mag aalala nanaman siya sakin.

Tumango ako at nginitian siya. "Oo. Baka hindi ka pa nga makapaniwala kung sasabihin ko sayo na nag iiyak si Yvette habang si Bea naman ay maoy ng kumakanta kanina bago ko siya hinatid sa dorm niya."

"Hindi rin pala loko loko yang mga kaibigan mo e no?" He said playfully. Ganito lang ang bonding namin ni Kuya Harvey kapag nagkikita kami dito sa bahay at pag wala na siyang gaano na ginagawa sa trabaho niya. Hindi ko nga rin lubos maisip na sa eksaktong laki ng bahay namin ay minsan nalang kaming magkitang dalawa.

"Pero alam mo yon Kuya? Hindi ko rin maisip na makita ko minsan sa kanila yung sarili ko nung mga panahon na iniiyakan ko si Kiel non." Bigla akong natulala at natigilan ng maalala ko siya. Magsasalita pa sana ulit ako pero ng masalubong ko ang tingin ni Kuya ay awtomatiko na akong tumahimik at bumuntong hininga.

"Did you still love him?" Seryoso niyang tanong. Kita ko sa mga mata niya na kahit hindi niya sabihin ay nababasa ko roon na hanggang ngayon ay galit pa rin siya kay Kiel. Umiwas ako ng tingin at mabilis na umiling iling tinumbok ko nalang rin ang paningin ko kay Goffer na ngayon ay tahimik ng nakahiga sa paanan ko.

"I just remember him Kuys, but I don't have any feelings for him already." Lumuhod ako at pagkatapos ay kinuha si Goffer para kargahin. Sa sobrang pag iisip ko sa kung ano ano ay ngayon ko nalang din siya naharap muli at naasikaso. Muntikan ko ng makalimutan na may alaga nga pala akong pusa.

Tahimik ko na hinaplos haplos ang balahibo ni Goffer habang nakatingin ako sa labas ng bahay. Kuya Harvey was also started to sitting down beside the chair that has over there. Pagkatapos niyang humiga ay mabilis niya na kinuha sunod ang libro para magbasa.

Bumuntong hininga nalang rin ako at tahimik na kinuha ang phone ko para i-chat sila Aiofe sa gc kung lahat ba sila ay nakauwi ng maayos sa kani-kanilang bahay pwera kay Bea na alam kong tulog na tulog na magpa hanggang ngayon.


Natigilan lang ako sa pagtitipa ng maramdaman ko ang tingin sakin ni Kuya Harvey. Napalingon ako sa kanya at mabilis ko siyang pinagtaasan ng kilay. Inalis niya ang paningin sakin at sunod na nilipat sa phone ko.

"I did not chat Kiel. Kaya wag kang nega jan Kuya." Masungit ko na sabi sa kanya at mabilis na inangat ang phone ko at ipinakita iyon sa kanya. I thought he was going to say something after that but then I only heard him letting a heavy sighed and go back to read the book that he was handed.


The Odious Doxy (Flight Attendant Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ