"Ano pang hindi ko maintindihan?! Ano pang kailangan kong intindihin?! Asang-asa ako sayo, Tale. Nagpakasasa ako sayo sa kama ng ilang ulit at umaasang mahalin mo rin ako. Nagpakatanga ako sayo. Naging martyr ako ng ilang ulit para lang sayo." Saglit akong tumigil. Pilit na kinalma muna ang sarili sa pamamagitan ng pagbuntong-hininga. "Pero natauhan na ako. Siguro nga hindi ko kayang pantayan diyan sa puso mo si Veronica. Siguro nga hindi ako sapat tulad ni Natalie para paniwalaan mo. Siguro nga wala lang ako kumpara sa kanila. I've had enough, Tale. Ayoko na."

Nang mga oras na 'yon ay naisip kong ito na nga siguro ang pagkakataon para palayain ko ang sarili ko mula kay Tale. Sapat na ang mga sakit na ininda ko para sa kanya. Sapat na siguro ang mga luhang sinayang ko para sa kanya. Pinagmukha ko lang tanga ang sarili ko dahil sa kanya. Siguro masasabi ko sa sarili ko balang araw na hindi siya kawalan - na hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Balak ko na sana siyang talikuran at umalis na kahit gusto ko pa man manatili at makasama ang mga magulang ko, nang maramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa pulsuhan ko. Matatalim ang mata na tinapunan ko siya ng tingin.

"Bitawan mo ako." Nagtitimpi kong utos sa kanya.

"Mark. Let me explain. Just this time, maniwala ka naman sa akin." Tila naging sarado na ang isip ko upang paniwalaan pa ang mga sasabihin niya. Kapag hinayaan ko pang pasukin niya muli ang buhay ko, baka ikamatay ko na.

"Ayoko nang marinig ang mga sasabihihin mo, Tale." Pinilit kong ikalas ang kamay niya sa akin ngunit laking gulat ko nang mahigpit niya akong ikinulong sa pagitan ng mga braso niya.

"Bitawan mo ako!" Malakas kong sigaw. Pinipilit na itulak siya palayo sa akin. Ngunit masyadong malaki ang katawan niya at hindi man lang siya natinag sa ginagawa ko.

"Don't do this to me, Mark. Kung kailangan kong gumamit ng dahas para lang mapasakin ka ulit, gagawin ko." Saglit akong natigil sa pagtutulak sa kanya at nanatili na lamang ang pareho kong kamay sa ibabaw ng kanyang maumbok na dibdib dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin ang mga 'yon.

Nanlaki ang aking mga mata nang mas humigpit ang yakap niya sa akin. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan nang bumulong siya sa akin. Damang-dama ko ang mainit na hangin na humalik sa balat ko.

"You can't do this to me." Ang kaninang nagmamakaawa niyang boses ay ultimong naglaho. Hindi ko maipaliwanag ang dating ng boses niya, pero parang nagbabanta ito.

Inipon ko ang buong lakas para makaalis sa mga bisig ni Tale na napagtagumpayan ko naman. Wala akong sinayang na pagkakataon at buong lakas ko siyang sinampal.

Napabaling patagilid ang kanyang mukha. Mababakas ang pamumula nito dahil sa ginawa ko.

"Baliw ka na! Hindi mo na ako laruan, Tale. Hindi mo ako pag-aari para diktahan kung kailan mo gusto. Baka nakakalimutan may kasalanan ka sa akin? Pwedeng-pwede kitang ipakulong dahil sa ginawa mo sa akin." Gusto niya ng hamunan? Pwes! Pagbibigyan ko siya. Ito ba ang gusto niyang mangyari sa aming dalawa?

"Go ahead!" Napadaing ako nang muli niyang nahawakan ang braso ko. "Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan. I know to myself that I didn't do that you." Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa umaalab niyang mga mata.

Muling nang-init ang palad ko at buong pwersa siyang sinampal muli. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi man lang nabaling ang mukha niya.

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora