Chapter 5: Something New by Diane

53 5 0
                                        

"Sorry Mrs. Emmantacadia, but your daughter is suffering from Retrograde Amnesia. It is the inability to retrieve information that was acquired before a particular date, usually the date of an accident. Kaya wala syang maalala bago sya maaksidente."

It's been 5 months since the accident happened. Hanggang ngayon wala pa rin akong maalala. Pag pinipilit kong alalahanin, sumasakit lang ang ulo ko.

Ngayong araw na rin kami uuwi sa Pilipinas. After the accident, napilitan sila mama na dito ako ipagamot sa America. Simula kasi ng gumising ako matapos ang aksidente ay hindi daw ako nagsasalita at kumakain.

The doctor concluded na nakaranas daw ako ng traumatic experience kaya ganon daw ang effect. 2 linggo rin akong ganon kaya ipinagamot na ako dito. But kaya daw hanggang ngayon hindi ko pa maalala ay dahil ayaw ko daw maalala. Ganyan lagi ang sinasabi ng doktor.

Pinagmasdan ko ang langit. Parang uulan.

"Anak, tara na."

Sumakay na ako. Habang bumabyahe kami papunta sa airport ay bumuhos ang ulan.

I don't know why but I always like rainy season. It gives me joy.

--

Pagkarating namin ng NAIA sumalubong sa amin sina tita at ang pinsan kong si Sandra na may kasamang lalaki.

"Hi Natasha, It is nice to see you again. You look beautiful." Bati ni Tita sa akin at humalik.

I give her a small smile. "Hello rin po. It is also nice to see, tita. And also to you, my dearest cousin."

Hindi ko alam pero parang ang bigat ng loob ko kay insan. We used to be close before.

"Osya, umuwi na tayo." Aniya.

Nagkaroon ng onting salu-salo sa dati naming bahay. Mga pamilya at close friends lang namin ang dumalo.

Nakaupo ako sa sofa at kumakain ng naramdaman ko na may tao sa harap ko.

"Natasha, how are you?" Sandra with her boyfriend, i guess.

"I'm good." I forced a smile. Tumingin ako sa boyfriend nya.

"By the way, It's rude to stare" Nagulat sya nang sabihin ko yun. Umiwas sya ng tingin.

Sandra hold his hand. "Hon, si Natasha pinsan ko. Natasha si Thunder fiance ko."

Thunder? San ko ba yan narinig?

Biglang sumakit ang ulo ko.

"Uy Sandra! Hahaha siya pala si Thunder. Baby si Sandra pinsan ko."

"Hi Thunder. It's nice to meet you." I gave him my sweetest smile. After that I excused myself and run to my room.

What was that?

Sumakit ulit ang ulo ko sa kakaisip sa biglang lumitaw na scene. I decided to sleep.

After 5 days

Nagbihis ako dahil gusto kong pumunta ng mall. Bumaba ako at hinanap si mama.

"Mama! Lalakwatsa muna ako!" sigaw ko habang nagsusuklay.

"Oo, sige. Layas!" Tumakbo na ako papuntang pintuan. Hindi ko muna gagamiting ang kotse.

Sumakay ako ng jeep. Siksikan, as usually. "Oh, dalawa pa! Dalawa pa!" Sigaw ni manong.

Putspa! Siksikan na nga magpapasakay pa. Konyatan ko to e.

Nakarating na ako ng mall. Gusto ko lang gumala. Nang nagsawa na kong maglakad, na bored na ko.

Saktong may dumaan na magsyota sa harapan ko at may naisip akong kalokohan.

Ready. Set. Go.

Sumigaw ako ng pagkalakas-lakas at tumakbo. "Walang Forever!"

Lumabas ako ng mall na hingal na hingal. That was fantastic! Pumunta na rin ako ng Starbucks para umorder then lumabas.

Naglalakad ako papunta sa pilahan ng jeep habang umiinom ng inorder ko ng maramdaman kong pumapatak ang ulan.

Kahit gustong gusto ko ang ulan, ayoko pa ring mabasa ngayon. May nakita akong waiting shed na walang tao. Tumakbo ako papunta roon para sumilong.

Maya-maya may naramdaman akong sumilong. Siguro wala rin siyang payong na dala.

"Tadhana sa Ulan."

"Natasha Kerr Emmantacadia" Kahit na parang bulong lang ang pagkakasambit nun, narinig ko pa rin.

Nilingon ko kung sino yun. That familiar face. And that familiar smile. Ngumiti ako at tumulo ang luha ko.

"Rain."

It Started with a LieWhere stories live. Discover now