Raket pa More

4 0 0
                                    

"Anak..."

Naalimpungatan ako sa boses ni tatay. Alas sinko na pala ng umaga. Kailangan nang bumangon para sa pangarap. Ooooooppssss.... hindi ang pangarap ko ang tinutukoy ko kundi ang pangarap ng mga kapatid kong makapagtapos. Ako kasi ang katulong ni tatay sa pagtataguyod para makapagtapos sila eh kaya kailangang dumiskarte and rumaket. Para sa pangarap ng mga kapatid ko at ni tatay. Dahil pag masaya sila, happy na rin ako. 😂

Ako, ang pangarap ko naman ay....... Pffft. Dibale na lang.

Habang humihikab ay pinagbuksan ko ng pinto si tatay sabay sabing, "Tay?"

"Oh anak aalis na ko para bumyahe. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Ito ang 200 na budget nyo at baon nila. Ikaw na bahalang maghati-hati." Habang inaabot ni tatay ay ibinalik ko agad sa kanila ang pera. "Naku! Para sa inyo na po yan Tay. Nagkaraket ako kahapon, ako na po bahala para sa ngayong araw." Sabay kindat kay tatay.

"Sigurado ka anak? Aba sige kung ganun. Salamat anak hah. Nga pala may lakad ka ba ngayon?"

"Opo Tay may raket po kami ni Yong."

"Ah sige anak ingat ka hah."

"Opo Tay ingat din po kayo."

Umalis na si Tatay. Ako naman pumunta na sa banyo para maligo. Ano kayang raket namin ngayon ni Yong. Sino si Yong? Sya lang naman ang bespren ko mula Kinder. Siya si Aljon Bartolome. Siya ang raket partner ko. At...... pogi yun noh! Parehas kaming hanggang 2nd year college lang ang natapos dahil kinailangan na naming kumayod para sa pamilya. Childhood crush ko yun. Eh pano, pogi na mabait pa! So san kapa? Pero secret lang natin na crush ko sya hah. Hihi.

"Ate Nad!! Di ka ba tapos, baka malate kami ni Bobby." Haaay naku... sa kaiisip ko kay Yong di ko namalayan na sobrang tagal ko na dito sa CR. Baka nga malate na ang mga kapatid ko. Tsk! Agad na kong lumabas sa CR at nagmamadaling pumunta sa kwarto para magbihis. Pero sa kasamaang palad, bago pa man ako makarating sa kwarto ko, "Bagggg!!!!!" Ang sakit ng pwet ko. Hinaplos ko ang pwet ko bago tumayo. Ang sakit!

"Oh ang aga-aga sinisira mo na ang bahay nyo." Sabi ng malalim na boses na sobrang pamilyar sakin. Pag-angat ko ng tingin, nakita ko ang lalaking nagpipigil ng tawa. Agad kong binawi ang kahihiyan ko, ibinaba ang mukha na sobrang pula na at sumagot, "Ang aga mo yata." Tinulungan ako ni Yong para tumayo. Ang gentleman ano? Hihi. "Oo eh makikikape sana ako dito sa inyo. May dala akong tinapay." Sabi nya nang makatayo na ako. Pero bigla syang nag-iwas ng tingin at medyo namula ang mukha nya. Saka ko lang din napagtanto na nakatwalya lang pala ako. Naku po, ang malas naman ng umpisa na araw ko.

"Ahhh, b-bihis muna ako. U-upo ka muna."

Pagkatapos kong magbihis, nakapagtimpla na si Yong ng kape para sa aming apat. At sabay-sabay kaming nag-almusal.

"Ate una na po kami." Sabi ni Benny habang nagbubutones ng kanyang kulang green na uniform. Siya ang sumunod sakin at si Bobby naman ang bunso saming tatlo. 3rd year college na si Benny sa kurso nyang BS Civil Engineering. Dalawang taon na lang, graduate na si Ben. Kaya sobra kami kung kumayod ni Tatay. Nagkasundo kami ni Tatay na sa kanya ang araw-araw na baon ni Benny at Bobby at sakin naman ang tuition. Si Bobby naman Grade 12 na pero sa public sya nag-aaral kaya di namin problema ang tuition nya. Pero malapit na rin syang magkolehiyo kaya kung dati double time ako sa pagtatrabaho, siguro ngayon magtitriple time na ko para makaipon-ipon na rin.

"Sige sige, oh ito ang 100 na baon mo Ben at 50 naman sayo Bob. Tapos itong 50, ibili nyo mamaya ng ulam hah. Maaga kayong umuwi nang makapagsaing kayo.

"Ate, 50 lang?" Reklamo ni Bobby. Etong kapatid kong si Bobby, may pagkapilyo. Panay din ang reklamo sa baon. Buti na lang maayos ang grades neto. Kung hindi, makakatikim sakin ito.

"Oo, Bob. Matuto kang magtipid hah. Hayaan mo pag kolehiyo ka na rin madadagdagan din yang baon mo."

"Sige ate alis na po kami. Salamat po." Sabi ni Benny. Buti na lang to kahit papano matured na ring mag-isip.

"Oh, Yong anong raket natin ngayon?" Sabi ko habang tinatapos ang paginom sa kape ko.

Agad naman nitong hinila ang kape ko kaya muntik nang matapon sakin kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Bespren, kakailanganin natin ng mahabang pasensya rito kaya wag mo nang ubusin yang kape mo baka kasi magpalpitate ka pagka nabadtrip ka." Sabay tawa ng malakas.

Ano kayang pinagsasabi nito?

Kung anumang raket namin ni Yong kahit gano pa kahirap, titiisin ko lalo na't matindi ang pangangailangan namin ngayon.

Touching a Broken GlassWhere stories live. Discover now