"That's kind of annoying." Wika nito na sinang-ayunan naman niya. "Hindi ba kayo naiinis?"

"Syempre naiinis. Sino ba namang hindi." Aniya. Ito ang rason kung bakit hindi mahilig umalis ng bahay ang pamilya nila. Dahil sila ang sentro ng usapan sa lugar nila. "Basta huwag mo na lang silang pansinin."

Lumipas ang anim na minutong paglalakad at pagtitiis sa mga bulungan ng mga kapit-bahay nilang kala mo wala sa harapan ang pinag-uusapan, nakarating na rin sila sa lugar nila.

Tahimik dito sa lugar. Ito na ata ang pinakatahimik na lugar dito sa lugar nila. Walang mga kapit-bahay na tsismoso at tsismosa at malawak rin ang lupain.

Naglakad siya papasok sa maliit nilang gate na gawa sa kawayan. Walang tao sa labas kaya alam niyang nasa loob ang pamilya niya.

"Huwag kayong maingay kasi gusto ko silang surpresahin." Wika niya sa dalawang asungot niya saka lumapit sa pintuan ng bahay nila. Kumatok siya ng dalawang beses. Lumipas ang ilang segundo, bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Yako na mukhang bagong gising lang. "Hi, Yako."

Tumigil ito sa pagkusot sa sariling mata at dahan-dahang tumingin sa kanya at nanlaki ang mga mata. "Ate Sanie! Nay, tay, ate Kera! Andito na si ate Sanie!"

Malakas siyang natawa dahil sa lakas ng boses nito. "Kahit kailan talaga ang lakas ng boses mo."

"Ate!"

"Sanie."

"Anak ko."

Nagtaas siya ng tingin at nakita ang kapatid niya pati na rin ang nanay at tatay niyang kumakaway sa kanya.

"Namiss ko kayong lahat." Wika niya at isa-isang niyakap ang mga ito. "Kumusta kayo?"

"Ayos lang po, ate." Sagot ni Kera. Lumingon ito sa likod niya at biglang kumunot ang nuo. "Ate, sino yang dalawang lalaki na kasama mo?"

Nilingon niya sila Lucas at Xylyx na halata sa mukha ang kaba. Mahina naman siyang natawa. Nilapitan niya ang dalawa saka hinila papasok ng bahay.

"Nay, tay, Yako at Kera, this is my boss. Xylyx Soreman." Pakilala niya kay Xylyx.

"It's nice to finally meet Sanie's family." Wika nito na bahagya pang yumuko.

"Ito naman ang kaibigan ko, Lucas Perez." Pakilala naman niya kay Lucas.

Yumuko at nang mag-angat ng tingin, ngumiti ito. "I'm so happy to meet all of you."

"Kera Reyes." Pakilala ng kapatid niya. "I'm single by the way."

"Kera!" She hissed to her sister. Ngumuso naman agad ito. "Pasensya na sa kapatid ko."

"Yako nga pala, mga pare." Pakilala naman ni Yako. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang pagkaseryoso sa mukha at ang tindig nito.

"Pasensya na kayo sa mga kapatid ni Sanie." Paumanhin ng ina niya at bahagyang natawa. "Oh siya, pumasok na kayo at maupo. Magluluto lang ako. Hindi ka naman kasi nagsabi na uuwi ka pala ngayon at may kasama ka pa."

"Gusto ko kasi kayong surpresahin, nay." Aniya at niyakap ang ina. "Tay, namiss kita."

"Namiss din kita, anak." Anito saka niyakap rin siya. "Anak, wala ka bang kasintahan ni isa sa mga yan?"

"Tay, naman e." Wika niya at bahagya itong pinalo sa braso. "Wala ho. Hindi rin ho ako nagbabalak na magkagusto sa mga yan."

"Gwapo naman silang dalawa ah, pero para sakin mas gwapo yung amo mo, anak." Pabulong na wika ng kanyang ama na ikinamula ng pisngi niya. "Anak, tandaan mo na suportado ako sa relasyon mo."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now