"Pwede naman na dito kana lang magtrabaho sa kompanya natin anak." segunda naman ng kanyang ama.

"Dad I love my work there. Alam niyo naman na gusto kung maging successful sa larangan ng napili kung trabaho in my own." sagot niya sa ama at tumingin sa kanyang anak habang abala ito sa paglalaro, kamukhang kamukha nito ang kanyang ama

Biglang pumasok sa kanyang isipin ang ginawa niya noon no'ng nalaman na buntis siya. Alam niyang mali ang ginawa niyang pagpapalaglag sa bata pero hindi niyo naman siya masisisi dahil sa lahat ng pinagdaanan niya masyadong masakit 'yon para sa kanya, iniisip niya na baka hindi niya kayang mabuhay ito dahil bunga ito ng kawalanghiyaan ng kanyang asawa.

Nang maisilang niya si Storm ay labis siyang nahirapan mabuti na lang at nandiyan si Monique nakaalalay sa kanya pati na rin ang kaibigang si Cain.

At nang tumagal ay tinapos nito ang kanyang pag aaral at naging isang ganap na chief, nakapagpatayo na rin siya ng restaurant sa Canada at nagpaplano na magtayo dito sa Pilipinas ng branch, naging modelo rin siya ng halos isang taon sa mga bagong labas na damit ng botique ni Monique. Naging maayos at stable ang kanilang buhay ng kanyang anak na si Storm.

Habang lumilipas ang mga araw ay nagiging busy siya sa kanyang trabaho kaya naghanap ito ng yaya para sa kanyang anak para kahit paano ay mayroong mag alaga dito.

"Eh ano ang sinasabi mong iiwan mo dito ang apo ko. Are you sure about it Jewel?" tanong ulit ng kanyang ina.

"Eliza pakiakyat na muna si Storm sa taas, mag uusap lang kami dito." utos ng kanyang ama

Agad namang napatingin si Storm sa kanyang lolo na animo'y naiintindihan ang sinasabi nito. Matalinong bata ito at sa edad na tatlong taon ay mabilis na ito makaintindi sa mga bagay bagay. Diretso na rin ito king magsalita. Minsan may pagkasuplado din ito na kuhang kuha sa kanyang ama.

Mabilis na lumapit sa kanya si Storm. "Mom I don't want to go upstairs." the little boy said

Nagulat naman siya dahil sa ginawa ng bata.

"Mom if you go back to Canada I'll come with you. Ayaw kung iwan mo ako dito." dagdag pa ni Storm

"Just go to your room, okay? Mag uusap lang kami ng lola at lolo mo. You go to your yaya first." wika ni Jewel ay sinenyasan si Eliza na kunin mo na si Storm.

Mabilis namang sumunod si Eliza at lumapit sa batang lalaki, may ibunulong pa ito dito at agad naman na sumama sa kanya paakyat sa itaas.

"What are thinking Jewel? Bakit mo iiwan dito ang anak mo?" aniya ng kanyang ina pagkaalis ng kanyang apo.

"Mom that's what you want right? Pero hindi ako pwedeng magtagal dito. Kaya nga ang sabi ko iiwan ko na lang si Storm muna sa inyo." bulalas ng dalaga

"Paano mo nakakaya na sabihing iiwan mo dito ang anak mo? Hindi ka namin pinapalaki ng daddy mo para maging ganyan. Anak mo 'yon Jewel! Pero bakit kaya mong mawalay sa kanya?" diin na anas ng kanyang ina.

"Mom I love my son, I love Storm. Hindi porket iiwan ko siya rito iisipin niyong balewala lang sa akin 'yon." giit nito

"You love your son? We all know na hindi buo ang pagmamahal mo sa anak mo. Huwag na tayong maglokohan dito Jewel." galit na saad ng ina

"At ano sa tingin niyo ang dapat kung gawin mom? Sige nga. Alam niyo ang pinagdaanan ko, hindi madali sa akin na magkaroon ng anak lalong lalo na pag nakikita ko si Storm ay nakikita ko sa kanya si Thunder!" bulalas nito

"I'm so disappointed to you Jewel. Muntikan mo na siyang ipalaglag noon tapos ngayon plano mo pa siyang iwan dito?" singit ng kanyang ama

"I know dad, alam kung mali ang nagawa ko noon pero masisisi niyo ba ako no'ng mga panahon na 'yon? Hindi ko alam ang gagawin ko, naiisip ko pa lang na nagbunga ang ginawa sa akin ni Thunder nahihirapan na ako. Pero itinama ko naman 'yon diba? Binuhay ko ang bata, inalagaan at minahal ko siya." paliwanag ng dalaga

"Binuhay, pinakain at inayusan mo lang siya Jewel. Pero alam mo sa sarili mong marami kang pagkukulang sa anak mo. Alam mong kulang ang pag aalaga at pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Inaasa mo lahat kay Eliza na yaya niya ang mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa dahil ikaw ang ina niya." mahabang litanya ng kanyang ama

"Tandaan mo ito Jewel, hindi siya si Thunder! Huwag mong idamay ang bata sa kasalanan ng kanyang ama. Kayo ni Thunder ang may problema, labas na doon si Storm." galit na sabi ng ina

"Unti unti ka ng nagbabago, kinakain kana naman ng galit mo. Gusto mong bumalik mag isa sa Canada? Sige bumalik ka, tama ka nga iwan mo dito si Storm para maramdaman naman ng bata ang totoong pagmamahal na hindi mo naibibigay sa kanya ng buo." dagdag pa ng ina bago umalis ng tuluyan at umakyat na sa taas

Napaupo na lang si Jewel, panay hilot niya sa kanyang sentido. Hindi niya inaasahan na ito ang bubungad sa kanya pag uwi pa lang.

"Ayusin mo ang buhay mo anak, hindi deserve ni Storm ito. Kailangan niya ng ina na mamahalin siya ng buong buo." anas ng ama bago sundan ang kanyang ina

'Ano bang maling nagawa ko? Binibigay ko naman lahat sa anak ko. Oo alam ko minsan may pagkukulang din ako, pero hindi ko maatim na makasama ng matagal o madalas si Storm dahil havang lumalaki siya ay nagiging kamukha niya si Thunder, pero kahit na ganoon pa man ay mahal niya naman ang anak.' - isip nito

Unwanted Wife (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon