"Please welcome, Silent Sanctfuary!"
Host announced at lahat kame nag-sigawan, welcoming the band na mag pe-perform that night. Nagtatalunan, nag-sasaya, sumasabay sa mga liriko ng kanta, binibigyan ng kalayaan ang isa't-isa.
"You know what's fan about attending this kind of party?" Nasa isang coffee shop na ako, coffee after gig ang amats ko, ewan, sobrang nakaka-kalma lang. Hindi mo na gu-gustohing umuwi sa bahay niyo.
"Ano?" tumingin ako sakaniya, yung smile niya, sobrang ganda... kaso hindi umaabot sa mata.
" 'Yong pag-uwi mo, bukod sa nakalimutan mo na nga saglit ang problema mo, may madadagdag pa sa playlist mo" He laughed.
He's Marc, I don't actually know him. I just met him dito, sa mismong event. Isa sa masarap sa pag punta sa mga ganitong party ay ang makakilala ng iba't-ibang klase ng tao. Masaya ako doon, lalo na wala naman akong kaibigan sa school o sa bahay, walang nag i-stay. At isa siya sa mga taong kaka-kilala ko palang pero ang gaan kasama, alam mong safe ka, may sense kausap, pero alam mong malalim yung personality niya.
"Talaga? Ako kasi after ng gigs parang ayaw ko na umuwi. I mean, ito ang life HAHA dito ka malaya."
Hindi ko alam kung anong meron sakanya pero parang libre akong mag kuwento ng kung ano-ano sakaniya.
"Kahit gaano kadilim ang tahanan, kahit halos hindi ka na makagalaw sa kadiliman... na feeling mo hindi ka na uusad, na hanggang dyan ka nalang, kailangan parin nating umuwi. Gaano man kasaya sa labas, gaano man kalungkot, sa tahanan parin natin ang ending"
Well, tama naman siya. Dahil kahit anong ayaw ko sa bahay namin, umuuwi parin naman ako roon at the end of the day.
"Okay, edi uuwi na ko haha akala ko ikaw daddy ko" I just finished eating my bread at iuuwi ko nalang itong kape ko.
"Sure. See you again soon. Good talk, Tes."
Ampucha. Gwapo sana makakalimutin lang. Or baka masyado lang akong maganda kaya nakalimutan niya? Tumawa ako.
"Ok bye. Btw, It's Tiff."
Iniwan ko siyang napapahiya sa sarili niyang ginawa.
It actually happens. Makakita ng bagong kaibigan, makakilala ng kung sino-sino, makausap panandalian pero after ng Gig, wala na, hindi na ulit mag-tatagpo ang landas niyo. Pero may mapupulot ka parin aral kahit papaano.
Pero iba 'tong Marco Jose na 'to. Ewan ko kung bakit palagi kaming nag kikita sa kung saan-saang events ng hindi kame nag uusap. I don't even know his social media accounts. Hindi ko rin sinubukang hanapin.
"Ano? Nag paalam ka naman ba sa Dad mo?"
Sa ilang buwang pag-kikita namin, nakakapagkwentuhan na rin kame about life ng isa't isa. Siya, pressured sa family niya, palibhasa panganay mataas ang expectation sakaniya. Ayaw niya sa course niya and hindi na siya masaya. Pero ginagawa niya, para sa family niya. Ako naman, nasasakal. Pero kasalanan ko rin dahil nag papasakal ako, lagi akong may choice pero ayoko ng nadi-disappoint sila. Kaya go lang para sa pangarap nila. Kahit na hindi ako makahakbang para sa sarili kong pangarap.
This is how I escape from reality. Pumunta sa kung saan-saang gigs ng kung sino-sinong banda para maging malaya. Kahit hindi pinapayagan, tumatakas. I love music, pero may mga tao talagang hahadlang sa pag-mamahal mo. Palagi.
"Alam mo, ang mahalaga, nandito ako hahaha"
He would ask me to take me home pero ayoko talaga, baka ano pang isipin ng daddy ko 'no. Lalo pang mag higpit.
*Marco Jose Pineda sent you a friend request*
"Para makapag-plano naman tayo kung mag-kikita tayo, hindi yung bigla ka nalang mamaso ng yosi kapag nakita mo 'ko"
"HAHAHAHA Ok, accepted na. OA mo sa paso, hindi ko iyon sinadya."
Simula noon halos every week kaming nag kikita. Sabay kaming nag papakabaliw sa musika. Minsan kahit hindi niya kilala yung banda nakiki-talon siya. All those months na mag kasama kame, simula nung nag kita kame sa coffee shop na 'yon, ang saya saya ko. Pakiramdam ko may kakampi ako, at last may nakakaintindi sa nararamdaman ko.
" Third year college na ko next week, Tiff, pero hindi ko parin makita yung future na sinasabi nilang meron ako dito." palagi siyang totoo sa mga sinasabi niya. At alam ko namang hindi talaga siya masaya, pero ano pa nga ba, wala naman kameng magagawa.
"Alam mo, kaya natin 'to. One day ga-graduate tayo sa kursong gusto talaga natin." Lagi ko nalang pinapalakas ang loob niya, ayun nalang ang mabibigay namin sa isa't-isa.
"I think I life you Tiffany." Habang nanonood kame ng sunset isang hapon noong linggo ring 'yon bigla nalang siyang nag confess. Hindi na ako nagulat, sa sobrang confident ko, alam kong gusto niya na ko una palang hahahah emez.
"I know right, and I feel the same way. Pero masaya naman tayo na nasasandalan natin yung isa't-isa diba? Hindi natin puwedeng isabay 'to kung may pinaglalaban pa tayo sa pamilya natin." Kahit ako na gusto na siya hindi ko nagawang mag-tapat. Nakakatakot, walang permanente sa mundo, kung papalya pa kami dito dahil lang sa nararamdaman namin para sa isa't-isa, sino nalang ang kakapitan namin? diba?
"Tignan mo, kahit gusto natin ang isa't-isa mas naiisip parin natin yung pamilya natin. Whatta life."
Ewan ko kung sobrang mature na namin kaya wala kaming naging problema about doon. Alam namin ang mga priorities namin sa buhay at willing kaming ihuli yung sarili namin. Ang lungkot lang, at the same time ang saya na same vibes parin kame, na hindi siya mawawala sakin kasi parehas kame ng naiisip.
"Puwede ka bang magpa-tattoo?"
"Puwede naman, mag-boyfriend bawal HAHAHA"
"Tss"
Out of nowhere bigla niya nalang naisip na mag patattoo kame.
Keep Going sign sa wrist yung saakin, butterfly naman sa wrist yung kaniya.
"Bakit semi collon?" tanong niya.
"para maremind ako to keep going..."
na kahit gaano kahirap magpapatuloy ako.
"Ikaw bakit butterfly? Omg! Sign ba 'to na mag a-out ka?" Humawak pa ko sa bibig ko para mas maasar siya lalo.
"Maganda ka pero tanga. Ikaw yan..."
"Yung butterfly?"
"Oo" hinahawakan niya yung tattoo na medyo namumula pa.
"Bakit butterfly? Isa ba yan sa mga butterfly na nabibigay ko sa'yo?" kakasama ko sakaniya ang korni ko na rin.
"Hmm pwede... Hahahaha, I don't want to hurt this butterfly as well as I don't want seeing you in pain. Ayaw kita masaktan. At kapag nasaktan ko 'tong butterfly na 'to, katapusan na natin... katapusan ko na."
See? Ang lalim. Ni hindi ko inisip na ayun ang ibig sabihen niya.
After a few months ng paglaban sa pangarap ng pamilya niya para sa kaniya... at sa araw-araw na pag laban para sana sa pangarap naman niya. He just hurt two butterflies before He became a Butterfly. One on his wrist and the other one was me, his butterfly.
Fly high, my Butterfly.
DU LIEST GERADE
Butterfly
SachbücherA one shot story of Tiff and Marc. Nagka-kilala sila sa isang coffee shop after watching a same gig. They saw each other again every other week unexpectedly until they became friends and be the person na mag-sisilbing upuan nila kapag pagod na sila.
