Chapter One:

6 2 0
                                    

Lahat tayo ay naghahanap ng isang tao na kaya tayong mahalin ng wagas.

Pero ilang dahon pa ba ang malalagas?

Ilang beses mo pa sasabihing "nandyan na yun bukas?"

Gaano kadaming sama ng loob pa ang mailalabas?

At higit sa lahat, kailan mo mahahanap at matatagpuan ang matagal mo ng pingapangarap?

Nandito ako ngayon sa isang kwarto na sobrang binabalot ng kadiliman, habang patuloy na binabalikan ang mga nangyari sa akin noong mga nakaraan. Tinatanong sa sarili "sino ba talaga ang sa aki'y nakalaan?" ,"anong mga paraan at hakbang?" ang maari kong gawin para mapunta sa taong makakasama ko hanaggang sa dulo ng walang hanggan.

Itong kwarto na ito ang tinatawag kong WAR ROOM. Ang kwartong pinaglalabasan ko ng hinanakit,lungkot at lalo na ng galit.Madalas akong nandito,kadalasan sumisigaw mag-isa kahit wala naman talaga dito ang taong naging dahilan ng pag kainis ko.

Minsan tinatawanan ko na din ang sarili ko kasi hindi ko lubusang maisip na kung bakit ako nag kakaganito. Pero isang araw nagising nalang ako na nakulong na pala ako sa nakaraan ko. Hindi ko pala makalimutan at mabitawan ang mga nangyaring mapapait sa akin noon.

Tanging ang liwanag at sikat ng araw lamang ang nagsisilbi kong ilaw sa tuwing nandidito ako. Sa ngayon,naka dungaw ako sa bintana at pinagmamasdan ang napaka gandang sunset at nahihibang na naman habang ngumingiti ng mag-isa ng biglang.... may mga ala-alang sumagi sa aking isipan.

Mga Katagang;

"Liligawan kita kapag tama na ang panahon."

"Kung hindi ganito ang sitwasyon ko ngayon siguro madami na tayong nabuong matatamis na ala-ala."

"Mahal din kita, pero sa ngayon bilang kaibigan nalang muna."

"Maaari tayong mag mahal ng ibang tao sa loob ng dalawang taon, pero sana kapag tama na ang panahon ay bumalik ka sa mga pangako natin noon."

Ilan lang yan sa mga ala-alang umiikot ngayon sa utak ko kasabay ng pagtibok ng puso ko ng malakas na ani mo'y may nagawang kasalanan dahil sa kaba na nararamdaman ko. Dahil siguro ito sa mga ala-alang nag mula sa taong nangako sa akin noon,pero naglaho na na parang bula ngayon......si Kian.

Ilang buwan na din ang nakalipas nung ako ay kanyang lisanin at iwanan sa dilim. Gustuhin ko mang bumili ng bagong bumbilya para muling mag liwanag at tanging ang magagandang nangyari sa buhay ko ang maalala....ngunit wala akong magawa. Hindi ko maintindihan at hindi ko malaman ang paraan kung paano makawala sa mapait na nakaraan.

COMEBACK AND SAY I DO. Where stories live. Discover now