PANIMULA:

15 4 0
                                    

Ako si Amira Panganiban,ang babaeng mahilig bumalik sa nakaraan.

Isa lamang naman akong tao na kahit anong mangyari ang sasabihin ko lamang ay "Okay lang akong masaktan."

Kahit pa sa loob-loob ko ay halo-halo na ang aking nararamdaman.

Pero patuloy ko lamang iyong hinahayaan.

Pinagpapatuloy ko lamang ang aking kabutihan.

Kahit pa sa mga taong walang pakealam sa aking nararamdaman.

Kahit pa sa mga taong patuloy na ikinakalat ang aking kahinaan.

Lahat naman tayo ay nakakaranas ng kapighatian.

Lahat tayo ay nakakaramdam ng matinding kalungkutan.

Ng problemang may sobrang kabigatan.

Pero ayos lang,sapagkat nalalaman ko na sa kabila ng sakit,lungkot,pagdurusa at bigat....nasa likuran non ang isang damakmak na kasiyahan at kaginhawan sapagkat ang proseso ay sinunod mo lamang.

Aakalain mo bang ang iniwan mo palang tao noon ay sya din palang bubuo sayo sa mga oras na hindi mo maintindihan ang sarili mo.

Sa mga oras na ang puso mo ay nahati sa dalawa.

Hayaan mo lang na mag bigay ka lang ng mag bigay ng pag-asa sa kanila dahil malay mo isa sa kanila ang papangakuan mo ng katagang "Magsasama tayo sa hirap man o ginhawa."

Hayaan mong tunghayan ang aking kwento na kung saan sa pag bibigay mo pala ng panibang tyansa,sa pagbabalik mo pala duon sa una mong nadama ay syang magbibigay sayo ng tunay na kahulugan ng ligaya at ng walang dulot na pangamba.

COMEBACK AND SAY I DO. Where stories live. Discover now