Nakita ko namang may isang magandang babae na tancha ko eh kaedad kolang at isang matandang babae na parang lola na sa loob ng ginagawang boutique.

"Magandang umaga ho nay, almusal ho baka gusto niyo" alok ko sa matanda

Lumingon naman silang dalawa saken ng may ngiti. Napaka ganda ng babae.

"Magkano yan?" Tanong saken ng magandang babae,

"sampo ho isang balot maam" tugon ko

"Ilang piraso nalang ba yan?" Tanong naman nito

"Sampong palabok pa ho, limang spaghetti at tatlong balot ng pansit" tugon ko.

"Ok i'll get them all" tugon nito.

Nanlaki ang mata ko sa tinuran nito."T-talaga ho maam?" Di makapaniwala kong sagot.

"Oum, tsaka wag mona ko i maam eighteen palang naman ako" wika nito habang dumudukot sa wallet nito.

"Ayy magkaedad ho pala tayo ma--"

"I said dont call me maam, magkaedad nga lang tayo tsaka wag mo ng lagyan ng ho, parehas lang naman tayo" wika nito at iniabot na sa akin ang bayad nito.

"Nakoo maam, anlaki naman ho niyan, saglit lang ho ipapabarya ko lang ho ito dun sa barberya" aalis na sana ako para ipabarya ang isang libo na binayad niya ng pigilan niya ako at hinawakan sa braso.

"No need, keep the change" sabe niya sa akin.

Napatango naman ako, bihira kalang talaga makakita ng mababait na mayaman,

"maam eto ano ho ayy.... ahmm..... ano ba ang pangalan niyo?"

Napangiti naman ang babae, "I'm Admiran, and this is my mom, Almira" wika nito at itinuro si nanay na katabi nito.

"Ayyy parang magkambal lang ang pangalan niyo Ms. Admiran" tugon ko na ikinailing naman ni Admiran.

"Remove the Ms. Masyadong formal, Admiran nalang" tugon niya.

"Ok Admiran, malaking tulong to para saken maraming salamat talaga."

"Wala yon, naranasan ko naring magtinda noon, at alam ko ang hirap non kaya Im here to help, and if you need help, im just here" ngumiti nanaman ito.

Nakaka adik pagmasdan ang ngiti nito. Naaalala ko sakanya si Mira, ang kababata ko na ang tamis tamis lage ng ngiti.

"Ikaw ba ang may ari ng Glam Boutique?" Tanong ko rito.

"Ahh, yeah" tugon niya na napakamot pa sa batok na para bang nahihiya ito,

"but I dont see myself as a bussiness woman, ginawa ko lang naman ang boutique na to para atleast may income ako, mama here" itinuro niya ang mama niya "loves to sketch gowns and dresses and other clothes thats why I made her a boutique where all the clothes we sell is sketch and made by mama"

"Ohhhhhhh" napatango tango ako sa sinabe nito. "napaka bait mo naman na anak" sagot ko

"Yeah, you too, mabait karin kase nagtitinda ka ng almusal para makatulong sa pamilya mo right?"

"Oum, wala kaseng trabaho ang nanay at tatay ko kaya bilang panganay ako nalang ang magtatrabaho" ani ko.

"Dika nagaaral?" Parang gulat niyang tanong.

"Nag aaral, hapon pa naman ang pasok ko

"Ohhh I see, paano yan, kasya ba ang benta mo para pantustos sa pamilya mo at pag aaral mo?" Tanong niya saken.

"Hindi, kaya nga sumideline din ako sa school na pinapasukan ko bilang tagaluto tapos pag tapos naman ng klase ko papasok ako call center sa BTC" Bakas ang gulat at pagkamangha sa mukha ni Admiran sa mga tinuran ko.

AMANDA  (Girl Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now