Bakit nga ba may mga taong mahilig mag take advantage sa kahinaan ng iba? Yung tipong ico comfort ka sa mga panahong kailangan mo ng taong karamay. Tapos ipaparamdam din sayo na mahalaga ka, yun pala hindi naman. At ikaw naman si Tanga, nagpadala naman kaagad.
Sabi nila, matalino daw ako pero ewan ko ba kung bakit pagdating sa pag-ibig ay naging tanga ako. Puso kasi ang pinapairal, hindi ang utak. Okay lang sana kung isang beses lang, eh hindi eh. Pangalawa na. Once is enough, twice or more is not. Choice mo ng magpaloko kapag ganon.
Take Risks? Ilang beses na ba akong nag take risk? Pero palagi din akong bigo. Ganon naman ang buhay diba? Kailangan mong sumugal, na despite of all kailangan mong lumaban kahit wala kang assurance na mananalo ka.
Hanggang kailan ba ko magiging ganito? Ang gusto ko lang naman ay ang makahanap ng taong makakaunawa saakin. Yung dadamayan ako sa tuwing hinang hina na ako sa mga nangyayari sa buhay ko?
Ang hanap ko ay taong makakaramay, hindi taong magbibigay saakin ng walang kamatayang trauma. Kung hindi naman pala sigurado sayo, bat ba dadating sa buhay mo? Bat magbibigay ng motibo kung hindi naman pala sasaluhin kapag nahulog ang loob sayo. Hay nako life. This is not so fetch!!!
YOU ARE READING
PA FALL
Teen FictionSweet words? Late Night Conversations? Yung effort na effort mag chat o magtext sayo kahit busy siya? Yung sasabihan ka ng "Good Morning", "Kumain ka na", "Mag iingat ka" "Good Night" Tapos akala mo, SPECIAL KA NA? NA MAY SOMETHING NA SAINYONG DALAW...
