Napakurap-kurap siya. What just happened?

Ipinilig niya ang ulo saka nilapitan ang table. Kinuha niya ang bag niya saka inayos ang table. Sanay siyang mag-iwan ng gamit dito sa tuwing aalis siya pero dahil kasam niya ngayong umalis ang binata, iniisip niya na baka hindi na siya makabalik rito sa opisina.

Mas okay na yung sigurado.

"Lets go." Anito nang makalabas sa opisina. Tumango lang siya bilang sagot. Pinagsiklop muli nito ang kamay nila at masuyo siyang hinila patungong elevator.

Nang bumukas ang pinto, tahimik silang sumakay. Walang lakas loob na nagsalita sa kanila. Pareho lang silang nakatingin sa pinto ng elevator na akala mo ay may interesanteng bagay dun.

She can't take this anymore. Tumikhin siya. "Ahm, X-Xylyx."

Tumingin ito sa kanya. "Yes?"

"Yung kamay ko." Aniya sabay turo sa magkasiklop nilang kamay. Tinignan din iyon ng binata. "Pwede mo ng bitawan."

"Want to hold you." Wika nito at mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Hindi naman iyon sobrang higpit para masaktan siya. Sinubukan niyang bawiin ang kamay pero hindi siya nito hinayaan. "Don't."

Napabuntong hininga na lang siya saka hinayaan ito sa gusto. Hindi niya dapat kalimutan na si Xylyx ang kasama niya. Kapag gusto nito, wala na siyang magagawa para pigilan ito. Tulad na lang ng pagsama nito ngayon sa kanya at ang pagsama nito papungang probinsya nila.

That's Xylyx Soreman.

Bumukas na ang elevator at nasa tamang floor na sila kaya naman sabay na silang lumabas. Napayuko na lang siya nang makita na halos lahat yata ng tao sa lobby ay nakatingin sa kanilang dalawa at alam niyang expose ngayon ang magkahawak nilang kamay.

Hindi na siya magugulat kung siya na ang maging headline ng tsismis ngayon. Kasalanan talaga ito ni Xylyx. Masyado siyang PDA.

"Hop in." Napatingin siya rito at hindi niya namalayang nakarating na pala sila sa sasakyan nito. "Come on."

Inirapan niya ito bago sumakay sa sasakyan at nagsuot ng seatbelt. Umikot ito patungo sa driver's seat. Nang makasakay ito, tumingin ito sa kanya at ngumiti. Inirapan niya lang ito.

"Magiging headline ako ng tsismis ngayon." Aniya at pinukol ito ng masamang tingin. "All thanks to you."

"You're welcome then." Nakangiting wika nito. "Sikat ka na."

Argh!

Bakit ba kasi umaasa siyang matino niyang makakausap si Xylyx? Pinagkrus niya ang braso sa dibdib saka tumingin sa labas ng bintana. Wala siyang mapapala kung kakausapin niya si Xylyx.

Baka mauwi siya sa mental hospital dahil rito. Masyado siyang maganda para mapunta sa mental hospital.

Not gonna happen.

After minutes of driving, nakarating na rin sila sa mall. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito ng pinto at agad na siyang bumaba. Iniunat niya ang katawan saka napatingin sa entrance ng mall.

Marami rin ang taong pumapasok sa mall at karamihan dun ay couples.

Mga walang respeto sa single.

"Huwag mo silang patayin sa titig mo." Tumingin siya sa gilid niya at nakita ang binata na nakatayo na sa tabi niya habang nakatingin din sa mga magkasintahan na pumapasok sa mall. Hinawakan nito ang kamay niya at nginitian siya. "Halika na sa loob."

"Required ba talagang hawakan mo kamay ko?" Taas kilay niyang tanong. "Pwede naman tayong maglakad na hindi naka-holding hands."

"I like to you hold your hand." Wika nito at pinagsiklop na naman ang kamay nila saka hinila siya papasok. "Anong store ba?"

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now