Disclaimer: This is a work of fiction. The names, places and events mentioned is not affiliated in anything, anywho or anyhow(charot). Be aware that this story may contain words and actions that may not be suitable for young readers. Read at your own risk.
_______________________________
"Ako muna ang magpe-prescribe sayo ng kailangan mong vitamins at gamot, Mrs—"
"Fernandez po, Doc. Alice Fernandez. Asawa ko po si Dr. Elias Fernandez."
Tinitigan ko lang ang babaeng nasa harap ko nang kumatok sa nakabukas na pintuan si Dr. Ricafort.
"Mukhang nagugutom ka na Doc ah, ako na jan." Sabi niya at kinuha ang papel na sinulatan ko kanina at ipinagpatuloy ang pagre-reseta ng vitamins at gamot.
Nakatitig pa rin ako sa babaeng buntis na ngayo'y nakatuon ang pansin at tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ni Darius. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya dahil naaalala ko ang galit, poot at sakit na naranasan ko dahil sa batang dinadala niya. It's been months pero wala yata siyang kahit anong clue kung sino ako.
Wala siyang ka malay-malay kung sino ako maliban sa pagiging doktor na magpapa-anak sa kanya.
She's so genuine and calm yet she looks so weak.
Looking at her now, hindi ko pa rin masagot-sagot ang nag-iisang katanungan na bumabagabag sa isipan ko ever since.
Bakit hindi ako?
It has been months since binaon ko ang natitirang mga ala-ala. For months, I tried to understand and forgive pero wala. Hindi ko talaga kayang magpatawad. Hindi ko kayang patawarin siya.
If only he'd told me the real reason why, then maybe I'd understand. Kung siguro sinabi niya lang agad, hindi hahantong sa ganitong kinamumuhian ko siya.
"Good morning, Is my wife here?" ani ng isang pamilyar na baritonong boses.
At pumasok ang magaling na si Dr. Elias Fernandez habang nakatingin sa akin.
Great. Just great.
"Oh, Doc Fernandez! Your wife is here. Haha." Pagsagip ni Darius sa nakakaubos-hangin na atmosphere.
Hindi parin inalis ni Elias ang tingin sa akin kaya naman tinawag siya ng kanyang misis na nasa likuran niya.
"Hub! I'm here!" ani nito.
Hindi parin niya inalis ang mga titig na may halu-halong emosyon. Kung kaya ay nagsalita na ako kasabay ang pagtayo.
"Dr. Fernandez, your wife." Sabi ko at inimuwestra ang mga kamay patungo kay Alice. "Darius, I'll take my break. Excuse me." At lumabas na ako sa sarili kong opisina.
Ako lang ba? O talagang awkward nga ang set-up na iyon. I mean, imagine meeting your ex – whom you still did not get over with – and his wife – who is your patient. Ang lucky ko naman siguro sa araw na ito oh! Late na nga, ito pa ang nadatnan.
Dumiretso ako sa labas ng hospital and true to my words, I took my break and ate my brunch. Buti nalang siguro at nakalabas ako dun, saktong-sakto gutom na ako.
Mag-iisang oras na nang naisipan kong bumili muna ng kape pampakalma – ironically. Binilhan ko din si Darius para macompensate ang pagiging active niya kanina.
Doon ako sa nirerenovate na building ng hospital dumaan para walang masyadong tao at for sure, hindi dito dadaan ang ex ko at ang asawa niya. May structure na ang building ang nilalagyan na lamang ng wiring. May mga construction worker din na bumabati kaya bow lang ako ng bow at smile ng kaonti.
YOU ARE READING
Pocketful of Whys
Teen FictionWhy? -Hardest of all the hardest questions one could never answer. Two people meets halfway around their own world, fell inlove and conquered. That's the typical romance story, isn't it? But this isn't. They did met halfway, fell inlove and conquer...
