PROLOGUE

21 0 0
                                    

Kung ang pagiging tanga ay mataas na grado sa pag-ibig siguro halos lahat ng tao ay di lang pasado kundi mga topnotcher pa. Sinong pinagpala ang di naging tanga pagdating sa pag-ibig? Aba kung may meron man, eh di Wow! Eh sa fictional stories pa nga lang uso na ang pagpapakatanga partida edited na yun ha, paano pa kaya sa totoong buhay?

Iyon nga lang, okay lang maging tanga, wag lang papasobra baka sa mental hospital na ang yung punta. Believe me, I’m speaking from experience. Ang shete lang kasi eh. Nagmahal ka lang naman pero ano pang napala mo?

Iiyak, magmumokmok, mamumugto ang mga mata, makikinig sa mga hugot lines ni Madam Bertud, magwa-walling pero at the end of the day, sawi pa rin ang puso mo. Ang OA di ba? But wait ‘til you fall in love. Yeah, love sucks.

“Nasaan ang hustisya?!” sigaw ng mga pusong wasak at sawi. Baka andun sa backpack na dala ni Dora sa paglalakwatsa. Haynaku! Kaya ako nadala na. Minsan na rin ako nagmahal, pero sa huli naiwan pa rin pala akong luhaan.

FOOLISH HEARTSWhere stories live. Discover now