"HAYOP KA! MAMATAY KANA SANA! MAMATAY NA SANA 'YANG ANAK MO!"

Lumaki ang tainga ni Illyza sa huling mga sinabi ng ina. Awtomatikong napigilan niya ang dalawang kamay nito at nasampal ng malakas.

"HINDI KO NA HAHAYAAN PA NA SAKTAN MO PA AKO O PAGSALITAAN MO NG MASASAKIT NA MGA SALITA ANG ANAK KO! BAYAD NA LAHAT NG UTANG NA LOOB KO SA'YO 'NAY!" She pointed her in rage at bumilis ang paghinga dahil sa galit. "Sa susunod na gawin mo pa ito ulit, aasahan mong sa korte na tayo mag-aabot!" Singhal niya.

Nanlaki ang mga mata at galit na galit siyang tinignan ni Veronica. "Matapang kana ngayon?! Anong pinagmamalaki mo?! Isa kalang namang babaeng desgrasyada! Nabuntisan ng kung sino at walang hiya!"

Tumango siya, ipinagpasalamat niya ang hindi pagluha sa puntong ito. Unang beses itong nangyari. Huminga siya ng malalim. "Salamat. Lubos kong ipinagpasalamat lahat ng ginawa mo sa akin 'nay, marami akong natutunan sa'yo." Sabi niya nang may halong sarkasmo.

"Anong pinagsasasabi mo?! Nababaliw kanang babae ka!"

Muli siya nitong sinugod. Pinagsasampal at hinihila ang buhok pero patuloy parin siyang lumalaban at pinipigilan ang mga kamay nang may biglang umawat.

"Tigil!"

The woman didn't use force to stop them. Just one simple word.

Nanlaki ang mga mata nilang dalawa ng kanyang ina nang makita kung sino ang babae, may kasama itong dalawang nurses at dalawang guards.

Illyza looked deeply in her eyes. Awa ang nakikita niya. Ngumiti ito sa kanya. There, sobra nitong ganda na animoy parang anghel na kabababa lang ng langit. She's wearing a white elegant dress with her angelic smile. How lucky is her man.

"Ano ba!! Bitiwan niyo nga ako!!" Bumalik siya sa kasalukuyan nang marinig ang sigaw ng ina na nakatayo sa kanyang tabi. Sinusubukan itong hilahin palabas ng mga guards. "Ano ba!! Hindi niyo ba alam na ako ang ina ng pasyente?! Ako si mommy Ve! Wala akong ginagawang masama kaya bitaw! Pwede ko kayong kasuhan dito sa ginagawa niyo!! Ano ba! Sabi ng bitaw nga!"

"Mawalang galang na po, ma'am. Sa nakikita po namin kanina ay sinasaktan niyo po ang anak niyo. Hindi naman po siguro tama 'yon lalo't alam niyong buntis ang anak niyo at bawal sa kanya ang ma-stress." Magalang na sabi ng babae pagkatapos ay yumuko. "Pasensya na po,"

Tumawa ng malademonyo si Veronica. "Ano naman sa'yo? Sa inyo? Anak ko 'yan! Natural lang naman na pagalitan ang anak lalo na't may nagawang mali!" Tinignan nito si Illyza at sinubukang turuin. "Yang anak ko, malandi! Nagpabuntis sa kung sino kaya ko sinasaktan! Dinidisiplina ko lang ang anak ko kaya 'wag kayong makialam!" Sabi nito habang sinusubukang makawala sa mga guards.

"Pasensya na po ma'am pero bawal sa pasyente ang ma-stress lalo na at sinasaktan niyo po siya physically." Ani ng isang nurse.

"Ano ba!! Mga walang hiya kayo! Walang mudo! Hindi kayo marunong rumespeto sa mas nakakatanda sa inyo! Nakakahiya kayo! Bitaw sabi! Ano ba!! Sinabing bitiwan niyo 'ko ano ba!" Paulit-ulit itong sumisigaw at sinubukang kumawala sa mga guards pero wala itong nagawa hanggang sa makalabas ito ng kwarto.

Nang masara ang pinto ay do'n lang nakahinga ng maluwag si Illyza. Nilapitan siya ng isa pang nurse.

"Ayos lang po ba kayo, ma'am?"

Tumango siya. "Oo, salamat."

"Sa'n po ang masakit para matignan ko, ma'am?"

"Huh?" She smiled tightly. "Okay lang talaga ako, salamat. No need to worry..." She took a glimpse of the woman behind the nurse. "Pwede niyo ba kaming... iwan muna?"

SERIES 2: Trapped In SadnessМесто, где живут истории. Откройте их для себя