CHAPTER 43 ~ Shadows ~

Start bij het begin
                                    

Umikot ako para humarap sa lamesa at nagulat pa ako ng makita kong nandon na yung dalawang bata. Nilalantakan na nila yung pagkain.

Ngumiti sakin si Hermes at nag thumbs up. Nag thumbs up din si Adonis at ngumiti.

Muka ngang masarap ang pagkakaluto ni Yale. Well..kailan ba hindi? Hmmm..kung sabagay may pagkakataon na hindi masarap yung luto ni Yale.

Yun yung mga panahon na nalaman ni Eika na agent siya at ng mga panahon na naging agents si Eika. Kinaladkad namin siya palabas ng kusina dahil iba talaga ang lasa ng luto niya that time.

"Nasan po si Tito- papa?"-adonis

"Hindi ko nga alam kung saan na naman nagpunta ang lagalag na kaluluwa non. Baka nadapo yon sa kung saan at hindi na makabalik-"

Tumigil na ako ng makita kong natakot sila sa mga pinagsasasabi ko. Nag peace sign ako at ibinaba ko yung juice sa harapan nila. Ayokong kumain.

Hindi ako makakakain ngayon parang binabaliktad-baligtd ang utak ko kasabay ng tiyan ko dahil sa pag-iisip kung anong ginagawa ngayon ni Craige. Dapat kasi nagpumilit akong sumama eh.

"Pagkatapos niyong kumain iwan niyo na lang sa lababo ha? Ako na ang maghuhugas mamaya."-me

"Hindi ka kakain Mama?"

Umiling ako at ngumiti. Lumabas na ako at naglakad-lakad. Baka sakaling kumalma ako at hindi na ako magpakapraning kay Craige.

"I'm JUST a princess, this ain't a fairy taleeeeeee! I AM the one you'll sweep off her feet, Lead her up the stairweeeelll!

This ain't Hollywood, this is a small town, I was a dreamer before you went and BREAK me HAARD, Now it's too late for you, YOU STUPID FROG PRINCE to come aroundddd!"

Napatakip ako san tenga ko. New version niya ng White Horse.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Kapag lumipat si Quin kay Hade siguradong mabibingi ang tenga ko. Hindi pa nga siya lumilipat ng lagay na yan eh.

The Camp: He's A Secret Agent and I'm His Slave (Book 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu