NWTSG - #2

23 0 0
                                    

Sorry kung hindi ganun kaganda yung last chapter............ganun lang talaga ako magsulat ng story. Pasensya na po............. x)

---------------------

#2

Kanina pa kami nag-uusap dito ni Ellyse....masarap syang kausap......hindi katulad nung ibang mga tao na puro nonsense lang ang sinasabi...

"Ahh. Mahilig ka din pala sa anime. Special A favorite ko simula pa nung umpisa." Sabi nya sakin. Mahilig din kasi ako sa anime....

"Oh? Talaga? Ako din eh. Paborito ko din sya dati....pero ngayon konti na lang...." ngumiti na lang sya as a sign of response. Ngumiti na lang din ako. Ilang minuto nagkaroon ng katahimikan. Halos lahat nga ng nasa paligid namin ay unti unting tumatahimik. 

"Sige. Next time na lang ah. Kailangan ko na kasi umuwi eh. Eto nga pala number ko kung kailangan mo ng kausap. Sige. Bye ^___^"v" Nagpaalam na sya sakin. Hinatid ko sya sa may gate at naisipan na din umuwi.

Tinignan ko yung papel na inabot nya sakin. 09*********

Habang nasa tricycle ako sinave ko yung number nya sa cellphone ko. 

Oo, sa tricycle ako nakasakay....sa probinsya kasi kami nakatira kaya madaming tricycle dito.

"Manong bayad po." Sinabi ko yun nung pagkababa ko sa tricycle. Umalis na ko at pumasok na sa bahay.

"O anak.....bakit ngayon ka lang nakauwi?" tanong sakin ni mama. Medyo gabi na nga pala ako nakauwi dahil sa pag-uusap namin ni Ellyse.

"Ah ma, may kinausap lang po ksi ako kanina eh. Sorry po napagabi ako ng uwi...." 

"Ok lang yun anak. Sige na, magbihis ka na sa kwarto mo. Maghahanda na ko ng hapunan" sabi ni mama. Dumirecho naman ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Humiga ako sandali sa kama ko at tinignan yung messages ko sa cellphone. 

Wala namang bago kundi yung araw-araw na text sakin nung isang babae sa tabi tabi. Yung isa sa mga babaeng lapit ng lapit sakin? Psh. Nakakairita na sila =__=

To: Ellyse 

 Hi Ellyse :) Ingat ka sa pag-uwi ah. 

Sent 6:07 pm




Sinend ko na yung message kay Ellyse. Malayo-layo kasi yung bahay nila sa school....siguro 30-45 minutes yung biyahe. 

From: Ellyse

Thanks ^_^ Traffic dito eh.....wala naman akong magawa. Haay....ikaw anong ginagawa mo?" 

Sent 6:09 pm



To: Ellyse

Wala naman....nakahiga lang ako dito sa kama....kakauwi ko lang eh....sige ah....be safe :)

Sent 6:10 pm





Hindi na sya nagreply pagkatapos nun. Bumaba na lang ako papuntang dining room at kumain na kasabay si mama at yung kapatid kong sila Silver at Skye Storm.

----------

Never Wanted To Say GoodbyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon