Pagkarating namin sa star city, may sumalubong sa amin.

"This way, Sir."

"VIP," I whispered to him. He looked at me and just smirked.

Nang tuluyan na kaming makapasok, kinalabit ko si Gov habang busy ako kakatingin sa mga bata. Shit, iilan lang ang nakikita kong matanda!

"Tornado," sabi ko nang 'di nakatingin sa kanya.

"Researcher, ha."

Napatingin ako kay Gov. He flashed a smirk kaya bahagya kong sinuntok ang upper arm niya.

"Of course, I did some research. And I think Tornado will be fun to ride."

He chuckled and pulled me as he led the way to Tornado ride. Hinila ko siya nang akmang didi-diritsu siya sa unahan.

"It's better if we fall-in-line."

Nakangiting tumango siya. Tinanggal naman niya ang kamay niya sa'kin at inakbayan ako. He snaked his arm on my neck and softly pulled me as he kissed the top of my head.

"You never fail to amuse me."

"Para kasi fair," I answered as I looked at him. He nodded and bit his lower lip.

Gov held my left hand again as we sat down. Tiningnan ko siya at hihilahin sana kamay ko nang higpitan niya. He looked at me and smirked. Aish, kakasmirk ng gago, lalo siyang gumagwapo, shit.

Pabirong inirapan ko na lang siya at hinarap ang magkatabing magcouple. Sa amin kasi wala pa rin kaming label kaya ayon sila lang ang couple.

The ride started. Ramdam ko naman ang paghigpit ng pagkakawak ni Gov sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Ngumiti ako nang lumingon siya sa'kin.

Is he scared? Shit. I chuckled with my own thought.

It was fun. Nakakahilo pero natatawa ako dahil sa kaholding hands kong nanlalamig. Yes, nanlamig siya! Ang lamig ng kamay niya kaya tinanong ko agad siya pagbaba namin.

"Are you okay?"

"Hmm."

"Hindi ka ba sanay?"

Inakbayan niya uli ako. "Yeah, but it's okay as long as I can make you happy."

Pabiro kong kinurot ang tagiliran niya. "Ang lamig kaya ng kamay mo!"

"Okay nga lang. Titigan lang kita, nawawala panlalamig ko."

"Gago ka."

Hinawakan ko kamay niya at hinila siya patungong bump car smash. Ayoko namang himatayin siya o 'di kaya'y sumuka. Pagkatapos, lumipat kami sa bump car rave kung saan kami natagalan. Gustong-gusto ng gago na binabangga ako e, panay iwas naman ako.

"Let's try viking." Umiling ako at hindi nagpatinag. "Come on, I wanna try it too."

Nilingon ko siya at pinaningkitan ng mga mata. "Sigurado ka?" He nodded. "Okay, tara."

Ako na mismo ang humila sa kanya since kita ko naman ang viking ride. I turned my head and looked at him. Nakangiti siya kaya napapangiti rin ako.

Napatingin naman ako sa kaliwang banda nang makarinig ng tilian. A group of young girls are looking at Gov.

"Ang gwapo, besh!"

"Sana all si ate gurl, ang haba ng hair."

"Hoy, hinaan niyo, nakatingin na si ate girl sa atin."

I quickly averted my gaze and tried so hard not to smile. And since, I'm good at this, hindi ako napangiti.

"Ang gwapo ko raw," bulong ng gago. Kinurot ko nga, tumawa lang naman siya.

Agent J4Where stories live. Discover now