Tumango siya. "Sure."

Mukhang hindi niya matitikman ang katahimikan ngayon. Pinagpatuloy na lang niya ang pagbabasa habang ito ay may kinakalikot sa cellphone. Lumipas ang isang minuto ay may lumapit sa kanila.

Nagtaas siya ng tingin at nakita ang babaeng naghatid sa kanya ng order niya kanina. May hawak itong tray na may laman rin pagkain at nilapag iyon sa harap ng binata.

"Mahilig ka palang magbasa?" Tanong nito habang nakatingin sa librong hawak niya. "Don't you find it boring?"

"I read books to relieve my stress sometimes, so its not boring." Wika niya at nilapag sa mesa ang hawak na libro. "Bakit? Hindi ka ba mahilig magbasa?"

Lucas smile. "Hindi naman. Nagbabasa din ako minsan pero kapag gusto ko lang o hindi kaya kapag wala akong magawa. Its like, uhm, an option. I'm not a bookworm exactly."

"Masaya naman magbasa ng mga libro especially kung gusto mo yung content." Aniya at pinakita rito ang librong hawak. "This book's content is about love. A love between rich and poor. This exactly what i want to read."

Napatango-tango ito at kinuha ang libro niya na nakalapag lang sa ibabaw ng mesa. "I use to read some of this before. Pero ngayon hindi na kasi masyado na akong busy sa trabaho."

Speaking of work. Hindi niya pa alam kung anong trabaho nito.

"Ano palang trabaho mo?" Tanong niya at napatigil naman ito sa pagbuklat ng libro habang gulat na nakatingin sa kanya. "Ayos ka lang?"

"A-ah, yeah." Sagot nito at bahagya pang tumango. "Manager ako sa isang hotel."

"Wow. You must be so good at your work, huh?" Wika niya at binigyan ito ng malapad na ngiti. "Anong hotel ba yan?"

"Secret." Natatawang wika nito at humigop ng kapeng inorder nito. "Baka mamaya puntahan mo ako."

Natawa siya sa sinabi nito. Mahangin pala 'tong lalaking 'to. She thought herself.

"Having fun, i see." Para siyang kinapos ng hininga at parang naubos lahat ng dugo niya nang marinig niya ang baritonong boses ng isang taong gusto niyang iwasan ngayon. "I thought you just want to buy a hot latte and you'll be back after a minute?"

Kaagad siyang napatayo at humarap rito. "S-sir Xylyx. Ano hong ginagawa niyo rito?"

"I was looking for you but i saw you talking with this." Sagot nito na may madilim na mukhang nakatingin kay Lucas habang si Lucas naman ay nakangiti lang na para bang baliwa rito ang masamang tingin ni Xylyx rito. "Who is he? Is he Lucas?"

"I'm Lucas Perez." Tumayo si Lucas at nilahad ang kamay sa harap ni Xylyx. "Nice to meet you."

"I don't give a fuck." Xylyx said harshly. Nanlaki ang mga mata niya sa inasal nito at napalingon siya kay Lucas na nakangiti lang habang pinasok sa loob ng bulsa ang kamay. "Lets go. I'm hungry."

"H-ha?" Nagtataka niyang tanong. "Pwede ka namang umor–"

"Gusto kong kumain sa restaurant." Putol nito sa iba niyang sasabihin. "Come on."

"Teka, pano si Lucas?" Tanong niya at mas lalo pang dumilim ang aura nito. What's with this guy? Tumingin siya kay Lucas at ngumiti. "Sumama ka na lang samin, Lucas."

"What?" Agad siyang napalingon kay Xylyx na halata ang pagka-disgusto nito sa sinabi niya. "No way."

"Don't be so mean." Bulong niya rito at pinanlakihan ito ng mata bago tumigin muli kay Lucas. "Ayos lang ba sayo na sumama samin?"

"That would be my pleasure." Nakangiting sagot nito. Ayaw naman kasi niya maging ignorante lalo na kaibigan na rin ang turing niya kay Lucas. "I have my own car. Sunod na lang ako sa inyo."

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now