CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Hindi ko siya pinansin at nilayuan nang ilang araw pagkatapos ng nangyare.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito pero nasasaktan ako.
Sabi ni Jelay mas mabuti na daw na umamin siya sa'kin kesa naman paasahin lang daw niya ako at ganun din ang sinabe sakin ni Mama.
Alam ko namang mas mabuti na Yung umamin agad siya sakin pero Ewan ko ba napakaarte ko siguro.

Sa mga araw na Hindi ko siya nakasama at kinausap ay parang may kulang sakin. Minsan nagkakasabay kami sa elevator pero lagi ko siyang Hindi kinakausap kahit na nagsosorry siya sakin. Kaya naguguilty tuloy ako.

Mali ba ko  na pinagtatabuyan ko siya?
Na Hindi ako pumayag sa panliligaw niya?

Kasi Naman eh! Baka umasa ako na siya na tapos ganun din mangyayare sakin! Maiiwan nanaman ako!
Hays bahala na! Bahala siya!

Nasa canteen ako mag-isa at bumibili ng Ice cream. Pansin niyo ba? Paborito ko talaga ang ice cream hihi.

"Miss Isang corneto."
"Ate Isang corneto."

Nagulat ako sa kasabay Kong bumili dahil sabay kaming nagsalita at ganun din ang bibilhin.
Lumingon ako sa katabi ko at putek ang tangkad niya. Hmm Basketball player.

Pawis na pawis siya at umiinom ng tubig.
Ang wafuu mga beh!
Hmm mga tipo ni Jelay hihi

"Hi miss. Ako si Kurt."

"Ahh hello. I'm Avi."

"Kilala na Kita. Kaibigan mo si Angeline diba?"

"Ahh oo si Jelay. Bakit?"

"Haha sabihin mo crush ko siya."

Ngii? Sakin talaga?

"Haha baliw! bat ko Naman sasabihin? Bakit hindi Nalang ikaw?"

"Nahihiya ako eh"

"Wow ha! nahiya kapa sa lagay na Yan."

"Miss eto ang corneto mo."

"Bayad po ate"

Ibinigay ko na Ang Bayad ko at binigay Naman ni ate ang para Kay Kurt.
Aalis na Sana ako ng tawagin ako ni Kurt.

"Avi Teka lang!"

"Oh bakit?"

"Tulungan mo Naman ako oh kay Jelay. Please?."

"Wow ha close ba tayo?"

"Hindi pa pero papunta na doon. Sige na, ang sungit Kasi ng kaibigan mo tapos idagdag mo pang nakakatakot niyang Kuya."

"Alam mo Hindi ko na problema Yun. Kung ayaw sayo ng kaibigan ko layuan mo siya dahil ako mismo bubogbog sayo."

"Gusto ko talaga ang kaibigan mo kaya pwedi mo ba akong tulungan? Please huhu"

"Teka nga sinadya mo bang bumili ng ice cream para lang makausap ako? Ha?!"

"Hindi noh. Bibili talaga ako para Kay Jelay hihi" oo nga paborito rin ni Jelay Ang Ice cream.

Ano bato parang bakla! Siya ata ang kinikilig kesa Kay Jelay!

At Teka nga?! Ayaw ni Jelay? Eh eto ang mga type niyang mga lalake ah?

"Pag-iisipan ko."

"Sure na yan ha? Wala ng bawian?"

"Haha gago oo nga"

"Sige mamaya pupuntahan Kita sa room niyo at sasamahan mo ako Kay Jelay."

"Oo na bahala ka."

"Sige babye Avi. Thankyuuu!"

Ang ingay ng mokong! At ayun nagtatakbo na siya palabas ng Canteen. Pupuntahan siguro si Jelay. Hay nako ang bespren ko ang choosy!

Bumalik na ako sa room ko at wala pa doon ang prof namin at pati bespren ko wala pa dito.

NapaOo na kaya ni Kurt Yun?
Bat di niya ata nakwento sakin?
Makasabi Naman siya saking maarte eh ganun din siya! Kurutin ko singit nun eh!

"Good morning class"

Dumating na nga ang prof namin at sabay ding dumating Ang bespren ko.

"Oh? San ka galing?"

"Sa canteen."

"Sinungaling! Eh galing ako doon."

"Class quite"

Hindi ko na ulit siya kinulit dahil narinig ata ng prof namin. Apaka chismosa churr hihi

"Okay prepare for a long quiz tomorrow. Bye class"

"Bye ma'am."

"Hay nako. Nakakastress ngayon ah! Puro Nalang quiz bukas." Jelay

"Ganun talaga studyante ka eh."

"Ewan ko sayo Tara NBS tayo. May bibilhin ako"

"Ayoko uuwi ako agad ngayon"

"Ngii.. Hindi Naman magtatagal Yun eh."

"Alam mo Jelay andami nating Quiz para bukas kaya magreview kalang muna."

"Ayaw mo talaga kahit libre ko?"

"Ayoko."

"Dalawang libro?"

"Hmm sige tsaka Isang milktea at siomai ha. Arat na." Sabay takbo ko ng mabilis

"Gago! 2 libro lang hoy!" Narinig ko pang Sabi Niya at binelatan ko lang siya.

Minsan Ang sarap pikunin ni Jelay haha

Nasa labas na ako ng room para hintayin si Jelay dahil inaayos pa niya mga gamit niya at nandito na pala ang mokong.

"Hello Avi!"

"Hays. Ngayon pala yun? Akala ko bukas?"

"Oo ngayon yun. Nasan si Jelay nasa lo-"

Hindi ko na natapos Ang sasabihin ko dahil sa ginawa niya.
Inakbayan ba Naman ako! Napakafeeling close talaga nito!

"Avi."

Nanigas ata ang katawan ko sa narinig Kong baritonong boses.
Feeling ko tinawag Ako sa recitation at kinakabahan ako nang husto na hindi ko alam Ang sasagutin ko.
Si Tristan lang Naman Yan eh? Ano Naman kung inakbayan ako ni Kurt! Hays bahala na!

Lumingon kami Kay Tristan na seryoso ang tingin saming dalawa ni Kurt.
At timing Naman na lumabas SI Jelay na nakasaksi sa aming tatlo.

O M to the G!
Bat feeling ko may kasalanan ako?!
ETW na ba? As in End of the world na? Char! Joke lang hihi!

...

Shengkitmae 💙

Undying Love🥀Where stories live. Discover now