10

116 6 0
                                    

Chapter 10

Nandito na kami sa beach, medyo nag-aalala pa ako kay Owem dahil sa pag dugo ng ilong niya nung nakaraang araw pero sabi niya okay lang naman daw siya kaya tumulong kami.


Nasa dalampasigan kami ngayon at hinihintay mag sunset. Ginawa na namin to dati at ito ang pinaka paborito ko ang manood ng sunset kasama si Owem.


Wala masyadong tao sa dalampasigan kaya medyo tahimik lang, tangin tunog lang ng mga alon ang naririnig namin.



"4th year na tayo sa pasukan babe." sabi ko.



"Oo nga, palapit na ng palapit ung pagiging doctor mo." sabi ni Owem.



Pero wait? Pagiging doctor ko? diba dapat namin?



"Oo, malapit na tayong maging doctor." sabi ko at diniinan ang salitang 'tayo'.



"Paano kung hindi ako makapag-doctor? Paano kung ikaw lang ung maging doctor in the future?" tanong niya.



Ano ba ung sinasabi niya? Anong ako lang ung magiging doctor? Bakit hindi siya magiging doctor? Bakit niya sinasabi ngayon to?



"Ano ka ba, wag mo ngang sabihin yan! Magdo-doctor tayo ng sabay, okay?" sabi ko.



Marahan muna siyang natawa bago sumagot. "Okay."



Hindi na ako nag salita at tumingin na lang sa palubog na araw.



Nang mawala ang araw ay niyaya ko na si Owem na bumalik sa hotel.



"Tara na, gumagabi na din." yaya ko.



Tumayo na siya at nag-umpisa na kaming mag-lakad pabalik. Nakakailang hakbang pa lang kami ay biglang nahimatay si Owem nang tignan ko siya ay dumudugo na naman ang ilong niya.

________________________________________________________________________________________________________________________________

:):

Until We Meet Again Onde as histórias ganham vida. Descobre agora