TDT - 3

143 22 4
                                    

XIAN'S POV

Alas kwatro ng hapon na ngayon.
2 days after noong nagpunta kami sa medical mission, hindi na kami bumalik. Nakakuha na naman si nanay ng gamot na kailangan niya so ok na ko. Hindi ko na kailangan pang pumunta doon dahil alam ko naman na wala nang mangyayari

Busy ako sa pagwawalis, kung may nawawalis man

“Dito na ko” saad ni nanay na galing sa palengke

“kamusta nay? Kamusta palengke? Ikaw? May masakit ba sayo?” tanong ko sa kanya

Usually kasi pag uuwi si nanay ay laging masakit ang kanyang paa o kaya naman ay braso dahil sa maghapong pagkakatayo sa palengke at pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay

“Ayos lang ako anak. Siya nga pala, may bisita tayo” masayang saad niya

“Bisita? Bakit nay? Nakabingwit ka na ba ng mapapangasawang amerikano? Wow! May pumatol pa. amazing!” Biro ko sa kanya

Maya maya ay naramdaman ko ang kanyang palad sa ulo ko

“Uhummm! Akala mo hindi kita mapepektusan ngayon ha. Walang masakit sakin kaya kayang kaya kitang patumbahin” biro ni nanay sakin

“Sakit nay ha. Parang analog utak ko” reklamo ko sabay himas sa ulo ko

“pasok po kayo Doc. Pasensiya na po kayo sa bahay namin at medyo masikip at makalat po” Saad ni nanay

“Doctor nay? Sinong doctor? Kailanan ka pa nagkaroon ng kaibigan na doctor?” sunod sunod kong tanong sa kanya

“Hindi ka na kasi bumalik doon sa mission sa bayan kaya kami na mismo ang pumunta dito” saad ng isang pamilyar na boses

“Doctor Tristan?” hindi siguradong kong saad

“Oo. Bakit hindi ka na bumalik pa sa bayan? Hinihintay ka namin doon para sa check-up mo” takang tanong niya

“nahh. Hindi na kailangan. Alam ko na naman ang kakalabasan. Wala nang pag-asa. Ilang beses na rin naman kaming nagpacheck, iyon at iyon rin ang result” Saad ko.

Hindi naman kasi ito katulad nang ilang bagay na pwede ang try and try until you succeed.
Ayaw ko nang bigyan ng false hope ang sarili ko sa mga bagay na hindi na maibabalik pa. tanggap ko na naman na

“Pero anak. Wala naman mawawala kung itatry ulit natin. Saka nandito na rin si Doctora Mandela para Icheck-up ka” saad ni nanay

I sighed

Ano pa nga bang magagawa ko. Eh nandito na pala sila

“Ano pa nga ba? Simulan na po natin Doc” Saad ko. Nagsimula na kong kapain ang bangko kung saan ako pupwesto. Rinig ko naman ang pagsunod nila sakin

Maya maya ay nakaramdam ako ng kamay na humahawak sa may bahaging mata ko

Wala akong kaide-idea kung anong nangyayari pero isa nag sigurado ako.

Walang pagbabago

“kamusta Doc?” kinakabahang saad ni nanay

“Completely damaged na po ang cornea niya nanay. Hindi na po ito maiiyos pa” Unang saad niya

“sabi ko na naman sa inyo. Wala nang pag-asa pa” bakit ganito? Dapat immune na ko sa ganito eh. Pero bakit nadidisappoint pa rin ako. Masakit pa rin na marinig na wala na akong pag-asa pang makakita.

Narinig ko naman ang mahinang pag-iyak ni nanay. Ako naman ay tumayo na akmang aakyat sa kwarto ko

“Pero may isang way pa. maaring siyang mag-undergo ng eye transplant” saad nito na nakapagpatigil sakin

Despicable Men - The Doctor's TouchWhere stories live. Discover now