Chapter 25: Moment

Start from the beginning
                                    

"Hindi mo ba ako sasamahang maligo Mahal?" binigyan na naman niya ako ng nakakalokong ngiti.


Ngunit bago pa man ako makasagot sa kanya ay agad naman niyang binawi, "Shhh alam ko na isasagot mo. Sige na maliligo na po ako Boss!" sabay akto na parang nagsaludo siya sa akin. Ang cute, napangiti ako.





Lumabas ako upang ako naman ang magbihis nang gwapo. Naman! Kailangang masabayan ko ang ganda ng girlfriend ko.


"Ang bango-bango naman ng Mahal ko" naamoy ko na ang bagong ligo kong girlfriend. Nakatalikod pa ako sa CR ngunit ang bango-bango niya talaga. Pagharap ko sa kanya ay nabigla ako dahil si Mia, lumabas ng CR nang naka....pink bathrobe?


"Teka, Mahal. Sabi ko magbihis ka na ah"


"Hehe sorry Mahal. Nalimutan ko kasi yung bra ko sa cabinet. Kunin ko lang ah"


Damn, Mia. I respect you too much pero paano ko naman tuturuan yung mga mata kong hindi tumitig sayo.



Buti na lamang at binilisan niya ang pagkuha ng bra niya sa cabinet at dali-dali na siyang bumalik sa CR. Salamat, Mia. Hayyyy.




After having our breakfast downstairs, hinila ko na siya sa surprise na kanina ko pa gustong iunfold sa kanya.



Nang malapit na kami sa dock ay piniringan ko na siya na siya namang ikinagulat niya.


"Teka, Mahal. Anong meron?" nakahawak siya sa blindfold na iniligay ko sa mga mata niya habang ako naman ay nakaalalay lang sa paglalakad niya.


"Now na we are on our 2nd to the last day vacation day, may surprise ako sa'yo. Ready ka na?"


"Mahal, kinakabahan naman ako sa pasurprise mo. Ano ba ito?"


"Malapit na tayo Mahal. Wait ka lang"



Nang marating na namin ang dock, unti-unti kong inalis ang blindfold. Dahan-dahan din niyang iminulat ang mga mata niya, at nung fully opened na ito ay nakita ko ang pagkalaki-laking ekspresyon sa mukha niya, isang gulat pero masayang reaksyon.


"Mahal, yate? Sasakay tayo dyan?" sabay turo sa isang puti yate sa harapan namin. Nakaabang na rin si Kuya parang iassist kami.


"Oo Mahal. Nasurprise ka ba?"


Love You, SunsetWhere stories live. Discover now