Habang tahimik silang kumakain, bigla namang pumasok sa isip niya ang pag-uusap ng binata at ng kapatid nito kahapon.

'You're guilty, aren't you? And you're still now.'

Xylyx is guilty for what? May krimen ba itong ginawa noon kaya ba nakokonsensya ito? Anong kasalanan ang ginawa nito para maging guilty? Kilala na ba talaga niya si Xylyx o hindi pa?

Ang daming tanong sa isip niya na gusto niyang mabigyan ng kasagutan.

Napahinto siya sa pagkain nang bigla siyang may maalala. Sa tatlong taon na pagtatrabaho niya sa binata, ni minsan ay hindi niya pa nakilala ang pamilya nito. Kahit ang kapatid nitong si Xyrin ay hindi niya nakikita sa personal maliban na lang sa mga magazines o tabloid.

"Ayos ka lang?" Bumalik agad sa reyalidad ang isip niya nang marinig niya ang boses ng binata. Napatingin siya rito at halata sa mukha nito ang pagtataka. "Anong nangyari sayo?"

She smile. "Nothing. Its nothing."

Binalik niya ang tingin sa pinggan at pinagpatuloy ang pagkain.

Magtatanong ba siya? Wala naman sigurong masama kung magtatanong siya hindi ba? Palihim siyang napatango at humugot ng isang malalim na hininga. She's curious so she need to ask.

"Alam mo, sa tatlong taon na pagtatrabaho ko sayo, ni isang beses hindi ko pa nakita ang magulang mo." Wika niya at pasimpleng nagtanong, "nasaan na pala sila?"

Nilingon niya ang binata at nilukob siya ng kaba nang makita ang walang emosyon nitong mukha. Did she say something horrible to make him emotionless?

"Xylyx?" Tawag niya rito nang mapansin niya ang pagkuyom ng kamay nito. Hinawakan niya ang kamao nito. "Xylyx. Ayos ka lang? May mali ba akong nasabi?"

Napakurap-kurap ito na para bang bumalik ang katinuan nito. "Y-yeah, I'm fine."

"Sigurado ka?" Nag-aalalang tanong niya at binitawan ang kamay nito. "Mukhang hindi ka ayos."

"I'm totally fine." Anito at ngumiti ng malapad. "You want to meet my parents?"

"Kung ayos lang sayo," she shrugged, "oo sana."

"After this pupuntahan natin sila." Wika nito at para naman siyang nakaramdam ng saya at kaunting kaba. "You're gonna meet them soon."

Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Sa wakas, makikilala na rin niya ang mga magulang nito. Masaya siya dahil makikilala na niya pero kinakabahan siya dahil baka masungit pala ang mga ito.

Wala ng nagsalita ni isa sa kanila hanggang sa matapos silang kumain. Siya na ang naghugas habang ang binata naman ay nilinis ang mesa at hinintay siya sa sala.

Nang matapos siyang maghugas agad siyang labas ng kusina at naabutan ang binata na nakaupo sa sofa at nakasandal ang batok sa likuran ng sofa habang nakapikit.

Nilapitan niya ito at pinakatitigan ang mukha. Hindi niya talaga noon napapansin ang kagwapuhang taglay nito. Baliwa lang sa kanya kung gwapo man ito o hindi.

Pero simula noong may nangyari sa kanila, alam niyang may nagbago sa sarili niya. Para bang ang laki ng pinagbago niya. Kung noon ay baliwa lang sa kanya ang mga titig nito, ngayon naman ay hindi na komportable at bumibilis ang tibok ng puso niya.

She shake her head. Hindi niya dapat iyon iniisip. Wala iyon. Huminga siya ng malalim saka pumasok sa kwarto niya at nagpalit ng damit. Nagsuot siya ng faded jeans at ng blouse at pinaresan niya iyon ng rubber shoes. Tinali niya lang ang buhok niya at naglagay ng pulbo at kaunting lipstick. And she's done.

Lumabas siya ng kwarto at ganoon pa rin ang posisyon ng binata. Umiiling na nilapitan niya ito at tinapik sa braso.

"Xylyx, gising." Aniya pero mahinang ungol lang ang lumabas sa bibig nito. "Gumising ka na, aalis pa tayo hindi ba?"

Capturing Her HeartWhere stories live. Discover now