1

1.5K 41 0
                                    

Sabado at nandito kami ngayon sa bahay nila kian, isa sa mga classmate ko at ka teamate ko sa thesis hindi malaki ang bahay nila at hindi din maliit.

"andito ba mga mama't papa mo?" hinubad ko ang sapatos ko at ganon din ang ginawa ng dalawa naming kagrupo bale apat kami dalawang babae at dalawang lalaki.

"wala eh si ate lang, nasa trabaho siguro sila mama't papa, at sigurado akong hindi naman si ate lalabas sa kwarto nya" nagtaka naman ako introvert ba ang ate nya?

"bakit? bampira ba yon?" sabi ni stella, natawa naman si kian.

"see it for yourself, mailap lang si ate sa mga tao kaya ganon, mas pipiliin nyang mag mukmok kesa sayangin ang laway nya sa pag-sasalita"napa tango naman ako at na curious kung anong itsura ng ate nya.

"nag-aaral paba sya?" tanong ni jerald, ba't ba ang chismosa't chismoso nilang dalawa?

"Hindi na eh, nag c-call center lang si ate pero dito lang sya sa bahay dahil nga sa ayaw nyang lumabas"

"pinaburan sya nung boss nya?" tumango nalang si kian at pumunta ng kusina.

"ang chismosa nyo" sumandal lang si jerald ay stella.

"curious lang kase ako sa ate nya"
"curious lang kase ako"

sabay na sabi nila.

"meant to be ata kayo"

"duh!!"
"yuckk" sabay ulit sila

napa hilamos nalang ako ng mukha.

"mag-tigil nanga kayo psh" napasandal nalang din ako sa sofa, kahit ako din ay nacurious sa ate nya.

bumalik na si kian at may dala syang isang pitsel ng juice at dalawang baso.

"share nalang kayo tinatamad pakong mag hugas" napatawa naman sya ng mahina.

"ok lang bro si stella lang naman ang mukhang buang satin" pinitik naman ni stella ang noo nya.

"ikaw ngatong babaero!" at nag-away nanamn sila.

"ang ingay talaga nila, bakit ba natin nagibg grupo yung dalawang yan" bulong ni kian.

"hoi!! kian rinig ka namin ha!!" sigaw ni stella nag peace sign naman si kian at nag salin ng juice sa dalawang baso.

"kian" napaigtad naman ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig na malamig na boses.

"a-ate" napatayosi kian at nilapitan ang ate nya "sorry maingay gagawa lang kami bg thesis patatahimikin ko nalang sila" paumanhin nya.

nagtama naman ang mga paningin namin dahil inikot nya ang kanyangmata sa aming tatlo.

*gulp

ba't ba ang lamig ng titig nya? gagawin nya ba akong yelo?

"ok lang, mag luluto lang ako baka may gusto kang ipaluto" nag luluto pala sya?

"adobo nalang ate para sa umagahan namin mamaya, may manok ba te? kung wala ay bibili ako may bike naman ako jaan" umiling ang babae.

"meron, at bumalik kana doon ako na ang bahala" bumalik naman si kian sa pag kaka upo at dumeretso naman ang ate nya sa kusina

"anak ata ni elsa yang ate mo kian" si jerald, mabuti at tumigil na sila sa pag aaway.

"ganyan talaga sya kahit masaya sya ay ganyan padin kapag galit naman ay ganon din pero mas lalong malamig" mag eexplain nya.

"tulungan ko kaya ate mo?" nasabi ko nalang bigla.

"sure ka?" tumango ako at ngumiti. "puntahan mo, kaso baka hindi kanya pansinin" tumango naman ako at tumayo, naabutan ko syang nag huhugas ng manok,

"uhm hi" hindi sya tumigil sa ginagawa nya nag hiwa naman sya ng sibuyas pag katapos non.

"p-pwede bang tumulo-"

"no" napalunok naman ako. hindi cold ang boses nya pero ma f-feel mong ayaw nyang tumulong ka kase kaya naman na nya.

"baka lang kase gusto mo ng tulong" napa hinto sya at tumitig sakin.

"just go back to your classmates and help them" tumango nalang ako at walang nagawa.

bagsak ang balikat na bumalik sa pwesto na kina uupuan ko kanina.

psh, tutulong lang naman baka lang kase.

"ano?" napakunot ang noo ko sa tanong ni jerald.

"anong-ano?" pina liit naman nta ang mata nya at kinilatis ako

"crush mo ate ni kian ano?" napalakas ang pagkasabi nya non kaya mabilis ko syang tinapunan ng lukot na papel

"imbento ka jerald!" tumingin naman ako sa ate ni kian na nasa kusina at hindi ko inaasahang nakatingin din sya sa gawi ko. pero parabg limang segundo lang at bumalik ulit sa ginagawa nya.

"bakit mo nilapitan?" tsk!

"hindi ba pwedeng gusto lang tumulong?"

"psh mema ka cris!" aambahan ko na sana sya ng suntok ng biglang mag salita ang ate ulit ni kian, paano sya mabilis na naka rating sa likod ni jerald?

"minimize your voice here" napatangin din si jerald saknya, tumango naman kami at bumalik na ako ulit sa inuupuan ko.

umakyat sa taas ang ate ni kian at nilock ang pinto.

"sungit ng ate mo bro"

"masanay na kayo palagi tayong dito gagawa, hayaan nyo na at sya naman ang mag-luluto ng umagahan natin palagi" talaga?

ngumiti ako at ewan ko kung bakit.

tahimik kaming nasa hapag at iniiwasan ang pag-babangayan dahil nasa harap din namin ang ate nyang naka upo sa pinaka dulo.

tangin ang ingay lang ng kutsara, tinidor at pinggan lang ang maririnig mo.

"it's ok to speak" natigilan kami sa sinabi ng ate nya.

"nahihiya lang sila ate, ako na pala ang mag huhugas ng pinggan pagkatapos, para nadin wala kanang pproblemahin, salamat sa pag-luto ng umagahan namin ate" tumango lang ito at nauna na nyang ligpitin ang pinggan nya.

ang bilis nya naman atang kumain?

"punasan mo muna ang mga pinggan, baso at mga kutsara mamaya bago mo ilagay sa lagayan" nakatalikod na sabi nya pagkatapos nyang uminom ng tubig ay dumreteso na ulit sya sa kwarto nya at sinarado ulit ang pinto

"hindi ako nakahinga don ah" sabi ni jerald.

"eh bonak ka para kapang tanga kami patapos na sa pag-kain ikaw tulala padin" sabi ni stella. literal siguro syang hindi huminga.

napansin din siguro iyon ng ate ni kian at napag desisyunan na nyang maunang matapos sa pag-kaib para maka kain kami ng maayos.

ang bait naman nya.

mas na curious pa ako lalo, napagtanto ko ding
hindi ko pa alam ang pangalan nya!!!!! at ang ganda di nyaaa fuge!!

TAMING KIAN'S ATEWhere stories live. Discover now