PROLOGUE

7 0 0
                                    

| Prologue |



°°°

"Zara, we're going to leave na! Di ka ba sasabay sa'min?" Dinig ko ang sigaw ni Eden mula sa malayo. Napalingon ako sa kanya and I can't help but to smile while staring at the person behind her. It's Leo.

"You two can go now Eden! May gagawin pa ko sa library!" Sigaw ko pabalik.

"You sure Zara?! "

"I am,Eden! "

Ngumiti ako kasabay ng pagkaway. Lumakad na sila palayo sa kinaroroonan ko at naiwan naman akong mag-isa dito sa classroom namin for 4th year. Kaka-enrol lang namin kanina.

Matagal ko ng kilala ang dalawa at sa totoo lang para na kaming magkapatid dahil sa lapit namin sa isa't-isa. And Leo, he's going to court Eden right now that's why binigay ko na sa kanila ang pagkakataon and besides, may gagawin din ako sa library.

I know that this day will be unforgettable for the both of them,kahit na ligaw pa lang. Wala ng kawala si Eden kay Leo!

Itinuon ko na lamang ang aking pansin sa pagliligpit ng mga papeles na kailangang dalhin sa library na iniutos sa'kin ng adviser namin. Hindi naman to ganun ka rami pero masasabi kong medyo matatagalan talaga ako ng ilan pang sandali.

"Are you done, Zara?" Napalingon ako sa nag salita at agad naman nya akong binigyan ng isang ngiti. Ngumiti rin ako pabalik kay Sir Araneta.

"Almost,sir." Sagot ko.

Pagkatapos ng ilang sandali ay natapos ko narin iyon sa tulong ni sir Araneta. Agad naman akong nagpasalamat sa kanya na tinugunan nya naman ng paborito nyang No Prob. Sir Araneta yan eh!

"Anyway Zara, how's your lola pala? Mula nung umalis dito sa manila ang lola mo, wala na talaga akong contact sa kanya." Nanatili lamang sa daan ang paningin ko.

"I guess... She's fine,sir. Di naman po sya papabayaan ni mom doon sa probinsya." Sagot ko.

Napatango-tango lamang si sir at naging tahimik na muli ang pagitan namin.

Sir Araneta was very close to my grandma or let me say, my mamang. Cook si mamang sa canteen dati. Hindi lang sya basta matatawag na taga-luto dahil mataas ang antas ng propisyon ni mamang.

She's a chef and maraming mga company and organization ang nagi-invite sa kanya as a cook sa iba't ibang big events kaya malamang marami rin ang pera ni mamang. She's a billionare!

But this past few months, naging mahina ang katawan ni mamang kaya kinailangan nyang magpahinga and besides tumatanda narin si mamang.

Sana lang talaga wag lumala ang sitwasyon nya.

"Bye sir Araneta! I'm leaving na po!" Paalam ko kay sir as I finished my doings here in library. Makakauwi narin ako, sa wakas!

"Bye,Zara! Take care!" Tugon naman ni Sir. Ngiti na lamang ang naisagot ko sa kanya.

We're very close talaga ni sir. Madalas syang magkwento about kay mamang and kay mom and sa boung oras na iyon ay nakangiti lamang ako. They look so close to each other.

Medyo malambot din naman si sir Araneta kaya no wonder, hehe.

Nang naglalakad na ako palabas ng school ay bigla na lang tumunog ang phone ko. May tumatawag.

Mabilis kong binuksan ang bag ko at kinuha ang kailangan ko which is my phone.

Mom is calling.....

"Hi mom!" Masigla kong bungad as I pressed the accept button. Malawak ang naging ngiti ko dahil sa wakas ay makaka-usap ko ulit sila kahit sa phone lang.

Unti-unting nawala ang sigla ko ng isang malalim na buntong hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya. Ang kaninang maaliwalas kong mukha ay mabilis na napalitan dahil lamang sa pag-hingang yun na alam kong mula kay mommy.

She's always like that,after all. Kaya ano pang aasahan ko? "Pack your things right now and you're going to leave manila. " Ramdam ko ang awtoridad sa boses nya at tuluyan na ngang nawala ang ngiti ko.

Kung nakikita ko lamang ang mukha ko sa salamin, alam kong kunot na kunot na ngayon ang noo ko dahil sa pagtataka. I can't help it.

"Wait mom-"

" Just follow me Zaranity Gem,otherwise,you won't see your mamang again. " Ang tigas ng tono ng pananalita nya. And she even mentioned my mamang here.

"M-mom... J-just listen to me first..." Rinig ko ang malalim na buntong hininga nya na malamang ay pinipigilan nya ang inis at galit nya.

I also take a deep breathe for me to calm myself. I explained everything to her. Na nakapag-enrol na ko and okay na lahat ng papeles ko dito. Kaya nga andito ako ngayon sa school dahil iyon ang ginawa ko na natapos lang din kanina.

"Zaranity Gem. You don't know me." May pagbabanta na ngayon sa boses nya.

"But mom, baka di na po nila ako payagan na mag transfer-"

"I'll talk to them, then."

Huling limang salita na narinig ko mula sa kanya and she ended the call. I can't help but to worry, my anxiety is attacking me. Why she need to do this? I know mom is up for something. She's not like this, I'm sure.

"M-mom....." Tanging nasabi ko na lamang habang nakatulala sa kung saan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Love Can Do (Slow Update)Where stories live. Discover now