"Liah, naman!" frustrated na sagot niya. Sumimangot siya at tinitigan ako. "May lakad din kasi ako ngayon," aniya. Kumamot pa sa kaniyang ulo.

Mula sa pagiging simangot ay ngumiti siya. Tumaas kaagad ang kilay ko. "Ano na naman 'yan?" duda kong tanong.

"Halika," sabi niya at hinigit ako sa braso. Hindi ako naka-react dahil sa aking gulat. Umakyat kami sa ikalawang palapag, isinama niya ako sa kaniyang kwarto.

"A-anong gagawin mo?" kabado kong tanong nang i-lock niya ang pinto. "Huwag kang ano, ha? Hindi kita papatulan!"

Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Mas kinabahan na ako nang isarado niya ang kurtina ng kaniyang kwarto, bahagyang dumilim dahil doon.

"Chano!" saway ko sa kaniya nang patayin niya ang ilaw. Wala na akong makita dahil sobrang dilim! Parang nagkakarera na ang aking puso dahil sa bilis ng tibok nito.

"Pupa!" biglang sigaw nya.

Nagulat ako nang biglang may humigit sa aking braso. Akala ko'y kung sino iyon, nainis lang ako nang makita ko ang ginagawa ni Chano. Dinala niya ako sa tapat ng kaniyang kama. Patay pa rin ang ilaw.

"Ang ganda, 'di ba? Bagay naman sa kwarto ko?" aniya.

Namewang ako sa sobrang inis. Pigil-pigil ko ang aking sarili na sapakin siya, nilingon ko ang kaniyang kumot na glow in the dark. Si Barney ang nakalagay doon, kitang-kita sa gitna ng dilim.

Mabilis akong pumunta sa switch ng ilaw, binuksan ko iyon. Nang mahanap ko si Chano ay kaagad ko siyang kinurot sa braso. Lumayo siya sa akin at sumimangot.

"Inaano ka? Tatanungin ko lang naman kung maganda, e!" nakanguso niyang sabi, hinihimas pa ang braso. "First time ko kasi makabili n'yang design! Ngayon lang nakaabot yung pera ko. Hindi rin naman kasi pwede sa bahay nila Mama Traise kasi maliit kwarto ro'n at hindi dumidilim ng ganto!"

"E, anong pinaglalaban mo?" nakapamewang kong tanong. Umiling ako. "Ang isip bata mo!" I exclaimed.

"Tsk! May business proposal din kasi ako kaya kita sinama rito! I need your ideas!" galit niyang sabi. Tumango ako.

"Ano 'yan? Siguraduhin mo lang na hindi masasabit pangalan ko r'yan, ha?"

"Hindi! Teka," sagot niya at dumiretso sa kaniyang cabinet.

Kinuha ko ang pagkakataon, inilibot ko ang aking paningin sa kaniyang kwarto. Hindi ko maiwasang mamangha. May ilang book shelves siya, puro libro about law. Ang kabilang side ng kaniyang kwarto ay puro libro pa rin. May maliit siyang study table na katapat ng bintana, napailing ako nang makita ko ang Barney na stuffed toy na nakapatong doon. Galing sa akin iyon nung maging kami. Paborito kasi n'ya. Ako pa nag-introduce sa kaniya dati.

Ang sunod kong tiningnan ay ang bukas niyang closet. Napanganga ako nang makita ang organized niyang mga damit. Dalawang section lang iyon: pang-motor niya at pang-formal. Lahat ay maayos na maayos ang sampay at tiklop. Lumapit ako ng bahagya roon, naningkit ang aking mata nang makita ang isang maliit na gloves doon. Dinampot ko iyon at pinakatitigan. Akma akong sisigaw nang may nagtakip ng aking bibig at kinuna sa akin ang gloves.

"Oo na! Gloves mo ito! First gloves mo ito!" mabilis niyang depensa. Tinabig niya ako patabi, napalabas ako ng closet dahil doon.

"At bakit nasa'yo 'yan?"  pigil-inis kong sabi. Nag-iwas siya ng tingin at nagpanggap na wala lang iyon.

"Wala. Remembrance. Ito yung unang dance mo tapos nadulas ka, 'di ba?" nakangiti niyang tanong. Ngiting-ngiti rin niyang pinagpagan ang gloves, matapos gawin iyon at niyakap pa niya. What the?

A Martial's Query (Saint Series #6)Where stories live. Discover now