Chapter 5

6 2 0
                                    

Kaithlyn's POV

Nagising ako nang marinig ko ang alarm ko, sinigurado kona kase na hindi na ulit ako malalate katulad ng nangyare kahapon kaya naman nag set na ako nang alarm kahapon. 7:00 o'clock na ngayon kaya naman naligo na'ko at nagbihis. Nagsuklay din ako kahit salasalabit parin ito nang matapos akong magsuklay. Pagbaba ko ay may nakita na akong pagkain sa hapag kainan.

"Baka si kuya naghanda." Sabi ko at saka umupo at kumain. Maya maya pa ay
napa isip ako dahil tapos na akong kumain pero hindi parin bumababa dito si kuya kaya naman umakyat ako at kinatok ko ang pinto n'ya.

"Kuyaa"

"Kuya nakagayak ka naba? Ok nako, nakagayak at kain na 'ko. Tara na punta na tayo sa school baka malate pa tayo." Sabi ko at hindi parin s'ya sumasagot. Ano kayang trip nang kumag na 'to? ayaw sumagot.

Naisipan kong buksan ang pinto dahil ayaw naman n'ya akong sagutin. Nagulat ako nang mapagtantong hindi ito naka lock. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto n'ya.

"Huh? Umalis na kaya 'yon?" Taka kong sabi kaya naman tinignan ko kaagad yung selpon ko kung may text or chat ba s'ya at nakita ko na meron ngang dalawang message na galing sa kan'ya.

Pinindot ko yung unang message.

~•~•~
Fr: Kuya Kurimaw

Himbing nang tulog mo ahh sana di ka malate :p

~•~•~

"Anong late pinagsasabi neto?" Taka kong sabi at saka pinindot yung pangalawang message.

~•~•~
Fr: Kuya Kurimaw

Pagnakita mo 'tong text ko sayo ay malamang wala na ako d'yan sa bahay HHHAHA Nauna na'ko may dadaanan pako eh kaya magcommute ka nalang muna.

^_^ (peace sign)

~•~•~

Bugok talaga 'yon hindi man lang nagsabi kagabi. Ayy tanga... naalala ko nga pala na nilock ko yung pinto ko at saka maaga nga pala akong natulog kahapon letche. Bumaba na ulit ako at saka agad na inurungan yung pinagkainan ko at saka umalis nang bahay.

Pagdating sa School...

Pagbaba ko sa tricycle ay agad kong nakita si Zaira sa gate at paglingon n'ya ay nakita niya din ako kaya naman lumapit nadin s'ya sakin.

"Kanina pa kita iniintay." Sabi n'ya sabay hawak sa kamay ko na s'yang ikinagulat ko. Ako? Inintay ng isang Zaira Reign Martinez? Napapa WOW nalang talaga ako.

Papasok na sana kami sa entrance nang school nang bigla kong nakita ang kotse ni Kuya. Pagka park nito ay susugod na sana ako para sumbatan s'ya sa pag iwan sa akin kaya lang ay agad akong napahinto nang makita kong may mga kasabay s'ya. Ang iba pang mga miyembro nang Knight...

"Kyaaahhhhh!"

"Tabi! Ako d'yan! ACE KOO!"

"Ang ggwapo talaga Shet!"

"OMG, nand'yan na sila!" Sabi nung isa na kinikilig pa. Tss napaka ingay nila kaya naman napatakip ako nang tenga at agad na tumingin ulit kila Kuya Tin.

Third Person's POV

Pagbaba nang mga Knight sa kotse ay agad na nagsilapitan at nagsigawan ang mga kababaihan sa school.

"Iba talaga ang dating kapag kumpleto tayo." Sabi ni Cy at saka sila nagtawanan.

Nagsimula na silang maglakad, nangunguna si Ace na s'yang katabi ni Cy. Sumunod naman ay si Lee at Dustin. Bale pa triangle ang pwesto nila.

Kaithlyn's POV

Ngayon ko lang nakita nang magkakasama at kumpleto ang mga Knight at mukhang totoo nga ang mga sinabi sa'kin ni Kate. Bukod sa habulin sila nang mga babae ay ang lakas talaga nang dating nilang apat.

Sa tabi ni Ace ay nakita ko narin yung Cy na sinasabi ni Zaira sa'kin kahapon at mukha ngang pilyo ito. Maya maya pa ay naglakad na sila, dumaan sila sa harapan namin ni Zaira pero mukhang 'di ako napansin ni kuya.Tss anong meron don? Naka poker face pa.

Hindi ko nalang pinansin 'yon at sumunod na kami papasok sa loob. Andami nga nilang fans. Napansin ko din na yung mga ibang lalake at babae ay nagsisi gilidan sa hallway na para bang natatakot sila dito. Maya maya pa ay huminto silang apat sa may locker room, may kinuha atang gamit.

Dumeretso lang kami sa paglakad ni Zaira at pagpasok namin sa room ay agad na akong umupo sa pwesto ko at ganoon narin ang ginawa ni Zaira. Inayos ko din yung libro ko at saka ipinatong sa bakal sa ilalim nang upuan ko para hindi malukot sa loob ng bag.

Mga limang minuto pa ang nakakalipas ay dumating nadin yung dalawa. Agad na naglakad si Ace at nung pagtapat nito sa'kin ay may sinabi s'ya.

"Panget" rinig kong bulong nito. Umagang umaga ako agad ang puntirya nito tss.

Lumagpas na si Ace at ramdam kona na nasa likudan ko na s'ya, totoo ngang naka kakaba ang presensya nito. Kaya naman nagfeeling statue ako dito.

Si Cy naman ay huminto sa gilid ko. Magsasalita pa lang ito ay agad nang tumayo si Vince para lumipat nang pwesto. Pag upo nito ay inayos ayos n'ya ang mga gamit niya at saka napatingin sa'kin at kumaway.

"Lord sa dinami rami naman nang tao, bakit sila pang dalawa yung naka palibot sa'kin?" Sabi ko sa isip habang nakatingin sa itaas at saka bumalik nang tingin kay Cy. Hindi ko din alam ang gagawin kong reaction sa pagkaway n'ya sa'kin kaya naman dumukdok nalang ako sa desk.

'WAHHHHHH AYOKO NA LORD'

T_T

Ilang minuto pa akong nakadukdok at maya maya pa ay biglang tumahimik ang buong paligid. Naramdaman kong kinalabit ako ni Zaira kaya naman napatingin ako sa kan'ya.

"Baket?" Tanong ko.

"Nand'yan na si ma'am." Sabi n'ya sabay turo kaya naman napa ayos ako nang upo.

"Mag iingat ka medyo terror 'yang teacher na 'yan dito sa Dyllan High, siguradong kapag nakita ka n'yang natutulog ay mayayari ka talaga." Bulong nito at tumango naman ako.

Mukha ngang may kasungitan s'ya. Sa tingin ko ay nasa edad na 40 na ito, pero maganda parin naman s'ya. Naka pusod ang buhok nito sa likod at naka salamin din s'ya. May dala itong pulang bag na ka-terno nang uniform n'ya napansin ko din sa gilid na may dala din s'yang itim na stick. Baka pamalo? De joke baka panuro n'ya sa mga lessons.

"Good Morning" Bati n'ya.

"Good Morning din po" Bati naman namin sa kan'ya pabalik.

"Im Mrs. Elvira Ramos, please call me Ma'am Ramos." Sabi nito at tumango naman kami.

"I will be your Math Teacher." Seryosong sabi nito at saka nagsimulang magturo.

'Math... mukhang magkakasundo kami.'

~~~

The ChangeWhere stories live. Discover now